40 Be Worried

3.1K 144 16
                                    

[ALANA]

Setting: House/Living Room

Naabutan siya ng hating gabi sa pagre-review. Bukas na ang examination kaya naman todo siya sa kanyang pag-aaral para masagot niya lahat ng mga tanong at hindi bumagsak. Kinakabahan nga siya dahil ito ang pinakauna niyang gagawing pagsusulit pagkalipas ng maraming taon. Minsan napapakamot pa rin siya sa ulo dahil sa dami ng ime-memoize niya. Papaano kaya ito ipapasok lahat ng mga ito sa utak niya?

Urgh! Naaalala na naman niya ang sinabi ni Levi na ta*nga at bo*bo siya. Hindi naman siya galit sa sinabi nito dahil alam niya nagpapakatotoo ito at nag-aalala lang ito sa kanya. Pero, papaano naman ang sinabi nila Ruby at Queenie na kailangan niyang pumunta sa party?

Gusto niyang ipaalam sa ibang tao na 'di siya dapat maliitin. Sinabi ni Sarah kaya iba ang tingin ng mga tao sa kanya ay dahil galing siya sa ibang lugar lalo na nakatira sa isang malayong lugar.

Bukas na ang party. Talaga bang pupunta siya? Si Roman lang naman ang inaalala niya.

"Hey, still studying?"

Napaangat siya ng tingin. Nandito pala si Roman at may dalai tong pagkain. Inilapag niyo sa maliit na lamesa. nakatalungko gaya niya at tumabi sa kanya.

"Dinalhan kita ng snacks baka nagugutom ka."

"Salamat."

"Bakit dito ka nagre-review? Mas komportable 'pag doon ka sa kwarto mo."

"Gusto ko pero kapag napapatingin ako sa kama, para akong hinihila para humiga kaya mas mabuti na dito na lang ako sa sala."

Natawa ito. "That make sense."

"Ikaw? Akala ko tulog ka na. Masyado ng gabi at may trabaho ka pa bukas."

"I don't mind. May tinatapos pa akong trabaho sa kwarto. Ikaw din naman, eh. It's past e eleven pero 'di ka pa tapos."

"Nag-aaral lang ako ng mabuti para marami akong maisagot bukas."

"Magtiwala ka lang and have confidence para hindi ka mag-panic. Maka-pefect ka man sa examination o hindi, as long as nage-enjoy ka sa ginagawa mo. I'm still proud of you kahit anong mangyari."

Napakabuting tao ni Roman. Simula pa lang sobrang laki na ng naitulong sa kanya. Mula ng nakatapak siya sa pamamahay nito hanggang ngayon, ito lang ang taong tumulong sa kanya at ito din ang tumatayong "ama". Pero, hanggang kailan? Hindi naman niya iniisip na panghabangbuhay ito dahil babalikan siya ng kanyang totoong ama.

"Roman? Um, meron sana itong itatanong."

"What is it?"

"Sa tingin mo, nagugustuhan na ba ako ng mga magulang mo? Um, ang ibig kong sabihin eh, tinatanggap na ba nila ako bilang—alam mo na? Parte ng pamilya?"

"I guess so." Sagot nito. "I was very surprised na pagbalik ko dito sa bahay noon nandito si Mama, nagkakatawanan na kayo and also recently, you saved my father's life. I don't know anong ginawa mo. I was really worried na hindi ka nila magugustuhan but kahit 'di ko man malaman, siguro ang mas importante they're starting to welcome you with open arms. You know, palagi nila akong kinukulit kailan mo daw sila bibisitahin ulit and I always assure na kahit 'di pa sa ngayon, pagkatapos ng exams mo kahit anong oras pwede ka nilang hiramin."

"Buti naman kung ganoon. Ako nga din eh, ang akala ko noong unang kita nila sa akin, hindi nila ako magugustuhan pero panahon lang talaga ang nakakaalam at gagawa ng paraan para sa'tin."

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon