33 The First Impression

3.8K 163 31
                                    

[ALANA]

Nandito na sila. Pagkababa niya sa sasakyan agad niyang nasilayan ang ganda ng lugar. Ang sabi ni Roman, dito sa isang restaurant gusto ng mga magulang nito na magkita-kita sila at pormal na makilala siya.. Kahit anong ganda man ng lugar na 'to, mas nananaig naman ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Naghanda siya para sa araw na 'to pero bakit para yatang nanginginig ang buong katawan niya eh, makikilala naman niya sa wakas ang mga magulang ni Roman. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Papaano kung ayaw ng mga ito sa kanya? Hindi ordinaryong mga tao ang mga magulang nito. May masasabi sa buhay at sobrang yaman pa!

"Alana."

"Huh?!" nagulat siya. Tinatawag pala siya nito. "Ba-bakit? Nandito lang ako."

"Huh?" nagtaka ito at biglang napatawa. "Kinakabahan ka no?"

"Um... konti lang?"

"Don't worry, parehas lang tayo. Hinga ng malalim."

Ginawa niya ang sinabi nito.

"Good. Here." Nilahad nito ang kamay. "Para hindi ka lalong kabahan."

Walang atubiling hinawakan nito ang kamay ng sobrang higpit.

"Handa ka na?"

Tumango na lamang siya bilang sagot. Paglapit nito sa pinto, ang serbidor na ang nagbukas ng pinto at sa kanilang pagpasok, mas lalo siyang napahanga sa ganda ng lugar pero, pansin niya na sa bawat mesa, nakaharang ito ng mga puting kurtina.

Lumapit ang waiter sa kanila. "Good evening, Mister Manicci."

"Are my parents here already?" tanong ni Roman rito.

"Yes, Sir. Kanina pa pong fifteen minutes. Sasabihan ko po ba na nandito na kayo?"

"No need. Thank you for the info." Nilngon siya nito. "Puntahan na natin sila."

Ginaya sila sa itaas.

"Roma—Daddy?" mahinang tawag niya rito.

"Bakit?"

"Pansin ko bakit nakatabon lahat ng mga lamesa dito?"

"Isa kasi itong private restaurant."

"Bakit?"

"Para hindi mapansin ng ibang kumakain dito kung ano ang ginagawa ng iba. Privacy kumbaga."

"Ganoon ba? Kaya din ba dito tayo kakain para hindi tayo mapansin?"

"Parang ganoon na nga. Don't worry, 'di ibig sabihin kaya dito sila makipagkita sa atin ay ayaw nilang malaman ng iba ang tungkol sa'yo, isa kasi ito sa mga favorite restaurants nila Mama at Papa."

"Ah... sige."

Ginaya sila sa isang kwarto at binuksan ang pinto. "This way, Sir. Ipapadala ko na po ang menu." Sabi ng waiter.

"Okay, thanks."

Pagpasok nila sa loob, agad niyang napansin ang dalawang tao nakaupo. 'Yun na yata ang mga magulang ni Roman.

"Let's go."

Huminga siya ng sobrang lalim at sabay silang naglakad papalapit rito.

Eto na, eto na talaga! Kinakabahan siya! Ano bang sasabihin niya?

[ALANA]

"Oh, tanaw ko na sila. Puntahan na natin sila. Ayaw kasi nila na pinaghihintay ng matagal."

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now