37 The Clueless Son

3.4K 145 24
                                    

[ROMAN]

Setting: Office

Wala naman siyang trabaho ngayong araw pero, dahil tinawagan siya ng kanyang secretary na mayroong importanteng taong naghahanap sa kanya sa opisina ay kailangan niyang pumunta. Heto, nandito siya habang naiwan naman si Alana sa bahay.

Sino ang taong tinutukoy niya? Isa lang naman sa malalapit na kaibigan ng mga magulang niya. Si Julius Koh or Tito Jules ang tawag niya. Isa sa top influence businessman ng bansa at ana ni Divina. Plano pa naman niyang magpahinga o di naman kaya tulungan si Alana sa mga studies nito pero 'di talaga niya matatanggihan ang taong ito. Mamadaliin lang niya ito para makauwi siya agad.

"I'm really sorry for showing up without notice. Ang sabi ng secretary mo, wala ka daw pasok ngayon." Sabi nito.

"If it's you Tito Jules, wala hong problema. I was also surprised that biglaan niyo pong bumisita dito."

"Well, naisip ko lang ang I also wanted na kumustahin ka. You're Papa is always bragging you kaya napapaisip ako nab aka masyado ka ng nakatuon sa trabaho. You have a megamall na malapit ng magbukas and pagpapatayo pa ng hospital. Baka nakakalimutan mo na Hijo na magpahinga."

"You don't have to worry about me, Tito. Binabalanse ko naman ang trabaho at personal kong buhay. Also, hindi naman po talaga maisasantabi na marami talagang trabahong gagawin. Sinanay ko na po ang sarili ko."

"Indeed. Just don't forget, you have all the money in the world so let yourself go slowly for now."

Tumawa na lang siya sa sinabi nito. He had all the money in the world? He didn't feel that way. Hindi naman sa gusto niyang magpayaman ng todo, ayaw lang mawala sa lahat ng mga pinursigi at paghihirap para makatungkong kung nasan man siya ngayon. Also, mara din ang umaasa sa kanyang mga empleyado. For other he may be called a "Tiger Boss" dahil perfectionist at minsan pinapagalitan niya ang mga ito, dahil gusto niyang pagbutihin nito ang kani-kanilang mga trabaho at 'di mawala sa isip na may binubuhay itong mga pamilya. He also considered as one of them dahil may isa na siyang "pamilya" na pinapag-aral.

Julius continues. "You're just like my daughter. Dahil masyado din itong focus bilang bagong Doctor, ni hindi ko na nga nababalitaan kung may nanliligaw pa ba rito. Just like you Hijo, pansin ko din na palagi na lang itong busy. I'm starting to get worried for her well-being. O 'di naman kaya may hinihintay lang."

Si Divina ang tinutukoy nito. Dahil malapit na magkakaibigan ang mga magulang niya at si Tito Jules, kilala nila Divina ang isa't isa. Schoolmate din sila from Elementary hanggang High School. Nagkikita at nagkakausap lamang sila 'pag may gaganaping gathering pero sa sinasabi na meron ba siyang interest na makipaglapit sa dalawa? No. He only saw her as a family friend.

"I think what she needs right now are your understand and support, Tito." Sabi niya. "Katatapos lang naman niya sa pagaaral and pumasa sa licensure examination, I guess time na niya ngayon na magpahinga at magbakasyon. Kung gusto niya lang naman."

"Hay nako. Oo nga pero ang gusto naman nito ay mag-apply agad para magtrabaho. Do you thinkh you can help me, Hijo."

"Help? What kind of help, Tito?"

"You know? Getting to know each other?"

"Tito Jules, I—"

"Ilang taon ko ng kilala ang mga magulang mo pero hindi niyo naman binigyan ng pagkakataon ang isa't isa na magkakilala ng mabuti. Why don't you ask her or sabay kayo magbasyon just like you suggest? I think that will be a very good idea and opportunity para magkakilala kayo at mag-unwind, 'di ba?"

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon