39 Bewildered

1.6K 71 19
                                    

[ALANA]

Setting: School

Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa ospital, sa wakas nakalabas na ang ama ni Roman. Hindi pa daw ito pwedeng gumalaw o ma-stress advise ng doctor kaya doon muna ito mananatili sa bahay kasama ang asawa nito. Para din naman gumaan ang pakiramdam ng mag-asawa, binibisita nilang dalawa para makipag-bonding.

Hindi gaya noon na masama ang mga tinging pinupukol sa kanya noon una nilang pagkikita, ngayon ngiti at galak ang sumalubong sa kanya 'pag nakikita siya. Para bang unti-unti na siyang tinatanggap bilang parte ng pamilya. Sobrang saya niya na ganoon na ang pakikitungo sa kanya at dahil sa nangyaring ito, naranasan niya kung ano ang pakiramdam na may lolo at lola. Talagang pinaramdam sa kanya 'di lang kay Roman pati na sa mga magulang nito ang isang masaya at kumpletong pamilya.

Pero, may konti siyang pangamba. Dahil nga maayos na ang pakikitungo sa kanya, nagsimula na din ang mga tanong tungkol sa kanyang pagkatao. Saan siya nanggaling, sino at ano ang nangyari sa kanyang mga magulang, at papaano siya napadpad sa kaibigan ni Roman gaya sa mga kwento ni Roman noon. Hindi siya komportable sa mga tanong lalo na sa mga sagot niya na halos lahat ay hindi makatotohanan pero, kailangan dahil hangga't 'di pa daw naaayos ni Roman, isesekreto muna nila ang tungkol sa kanya pati na ang tungkol sa kanyang ama. Nakakalungkot pero kailangan.

Kaninang umaga, tinawagan si Roman at sabing iimbatihin siyang makipag-bonding sa bahay ng mga magulang nito pero dahil malapit na ang kanyang examination, si Roman na ang tumanggi na hindi pwede muna sa ngayon dahil kailangan niyang mag-aral. Mabuti naman naiintindihan ng mag-asawa at aasahan nila na sa susunod makakabisita siya muli pagkatapos ng examination.

"Nga pala Alana, kumusta na ba ang lolo mo? Okay nab a siya?" tanong ni Sarah. May ginagawa silang class activity ngayong hapon at magkaka-grupo sila kasama na din si Levi. Nakatalungko silang tatlo kasama ang iba pa niyang mga kaklase sa labas ng classroom habang gumagawa ng group collage. Kinuwento niya kasi anong nangyari sa ama ni Roman.

"Ayos na siya pero kailangan niya ng pahinga." Sagot niya.

"Nakakatakot nga ang nangyari sa lolo mo, no? Buti na lang okay na siya. Iba talaga 'pag stress na stress sa ibang bagay lalo na sa trabaho, 'Di ba nasa sixty plus (60+) na siya? Dapat retired na siya."

"Yun na nga, eh. Gusto talaga niya na asikasuhin ang ibang trabaho ni Daddy. Hindi daw siya mapakali 'pa hindi niya matututukan ang kompanya. Pero, dahil sa nangyari sa kanya, siguro sisimulan na ni lolo tanggapin na kailangan na niyang umiwas sa mga mabibigat na responsibilidad at iako na lahat kay Daddy."

"He should be because he's old." Sabi naman ni Levi. "He should enjoy life with his wife instead of work. Ano bang silbi ng anak niya kung palagi siyang namomoblema sa trabaho ng anak niya?"

"You know, Lev? Kahit may pagka-sarcastic ang pagkakasabi mo, buti naman may nasabi ka din maganda. Levi is right. Your granddad should enjoying tulad ng magbakasyon sa iba't-ibang bansa or gumawa ng mga bagay na hindi siya maste-stress. Sabi sa'kin ni Mama, mga lolo at lola natin ang gusto nila ay attention so pwede kayong magbonding buong pamilya."

"Iyan ngang gusto niya kahit outdoor picnic lang pero si Daddy muna ang tumanggi sa nga dahil malapit na ang exam."

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang kanilang klase. Pinasa ni Levi at Sarah ang kanilang ginawang collage habang siya at naiwan para ligpitin ang kanilang mga pinaggamitan.

Papasok na siya sa loob ng classroom ng may narinig siyang sumisitsit. Nilingon niya kung saan nanggaling ang ingay at doon niya nakita sila Queenie at Ruby. Kinawayan siya nito meaning tinatawag siya. Palihim niyang nilapitan ang dalawa na nakatayo sa gilid ng hagdan. Ngayon lang niya nakita ang dalawa dahil hindi ito pumasok sa kalse simula pa kaninang umaga.

"Hi, Alana." Masayang bati ni Queenie at Ruby. "So ano na? Pupunta ka bas a party?"

"Hi-hindi pa ako nakakapagdesisyon." Sagot niya. May pagaalinlangan pa rin siya kung tama bang pupunta siya sa party o hindi lalo na bawal na bawal niyang sabihin it okay Roman.

"Why not? Bukas na ang party."

"Pero, ayoko kasi hindi ito ipaalam na pupunta ako. At tiyaka, papaano sila Sarah at Levi? Hindi ako pupunta kung hindi sila—"

"Oh! Come on, Alana! Why are you such a scaredy cat?"

"Pupunta ka lang naman sa party so anong problema? 'Di ba ang sabi namin secret party ito? Meaning exclusively lang para sa atin. We didin't talk about it dahil ayaw namin na mare-reveal sa mga pakialamerong matatanda ang bonding natin lahat."

"May isang araw ka na lang para magdesisyon. Sayang naman kung wala ka doon, 'di ba? Kung ako sa'yo? Kung gusto mo talagang i-proved sa kanila na hindi ka tinutukso, pupunta ako. I would never let myself left behind sa opportunity na 'yun, diba Sis Ruby?"

"You're super tama ka, Sis Queen. Oh siya, we're out. Tomorrow Alana, ah? Aasahan ka namin. Bye!"

Papaano na? Nagdadalawang isip siya kung pupunta ba siya o hindi. Gusto niya dahil gusto niyang ipakita sa lahat nakaya niyang makipaghalubilo sa ibang tao at hindi siya ang taong palagi na lang tinutukso at ayaw niyang dahil malalagot siya kay Roman 'pag nalaman nito ang tungkol sa party.

Pero, pagkakataon na kasi niya 'yun, eh kaya papaano siya pupunta na hindi ipapaalam kay Roman?

Nakakasakit naman sa ulo itong pinoproblema niya. Ang mabuti pa, bumalik na siya sa classroom. Nakakaramdam na din siya ng gutom—

"Bakit kausap mo ang dalawang 'yun?"

"Levi!" Nagulat siya at napahinto ng makita ito. Nakasandal ito sa pinto at nakatingin na may pagdududa.

"Um, ma-may tinatanong lang sa'kin tungkol sa... sa lessons kanina." Pagsisinungaling niya. Siguradong alam na ni Levi ang tungkol sa party pero dahil sa sinabi ng dalawa na sekreto ang dadaluhan nila, mas mabuting wala siyang sasabihin.

"Really?" tanong ulit ni Levi na parang hindi ito naniwala sa sinabi niya. Todo tango naman siya para maniwala ito sa kanya.

"Pinapaalahanan lang kita na huwag na huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi ng dalawang 'yun. Binu-bul*ly ka na nga, magpapaniwala ka pa sa mga taong immature tulad nila."

"Ah, hindi naman sa ganoon."

"Ever since napadpad ka dito, hindi pa kita nakakausap ng matagal. Alam ko at alam mo na matalino ka. Pero dahil hindi ka lumaki sa ganitong environment, may mga taong ina-underestimate ka. Meaning, sa mga utak nila, mukha ka lang b*obo at ta*nga."

Aray naman. Ganyan pala ang tingin sa kanya?

Patuloy nito. "Since hindi ka naman taga-rito intindihin mo sana at maging self-aware ka sa mga taong nakapaligid sa'yo. Huwag kang magtitiwala agad sa mga taong 'di mo pa kilala. Huwag ka din masyadong magmukhang arogante kaya mababa ang tingin nila sa'yo. Like I said, alam ko na matalino ka at alam mo na papaano pumili ng desisyon para sa sarili mo. I'm just reminding you dahil kaibigan ka ni Sarah."

"Sa-salamat."

"That's all. Let's go. Hinahanap ka na ni Sarah."

Alam naman niya anong ibig sabihin sa sinabi ni Levi. Pero, ginagawa naman niya ang kanyang makakaya para makasalamuha sa ibang tao. Wala siyang ginagawang mali pero, kung ganyang bo*bo at ta*nga ang iniisip ng iba sa kanya, kulang pa ba ang pagpupursige niya para maging mabuting tao sa iba at hindi kakaawaan?

Kailangan kong gumawa ng paraan.


To be continued...

The Billionaire's AdoptedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt