Ipaglalaban kita.

178 6 3
                                    




Nakabalik kami sa bahay. Nagulat ako nang makita ang magulang ni Eros.



"Hali ka, Eunice. Doon tayo sa kabila." sabi niya at tinuro ang kabilang daan nang matanaw ang magulang.


Nagpa-anod ako sa kaniya. Nagtungo kami sa kaniyang kwarto. Amoy ko ang nakakalalaki nitong bango.



I wonder if nathalie sleep beside him? Did they cuddling everynight? Goodness! Natatakot ako sa iniisip ko. This is bad. Hindi dapat ako mag-isip nang hindi tama.



"Dito ba natutulog si nathalie?" tanong ko sa kalagitnaan nang pag-aayos sa sarili.



Okay, hindi ko mapigilan. Kasalanan 'to ng dila ko, e! Tss.



"Hindi. Ako lang mag-isa dito." simple niyang sagot.


Lumuwang ang pakiramdam ko. Tinitigan niya ako habang nagbibihis siya.



"Iniisip mo ba na may nangyari samin?" napatanong siya. Wait? What?!



"H-hindi, no!" dahil sa pagkautal ko ay nagmukhang guilty ang sinabi ko. Damn! Hindi naman talaga, e!



Marahan siyang tumawa. "Hindi ko 'yon magagawa lalo pa't nandito ka." aniya.



Tumikhim ako. "So no'ng wala ako, may nangyari sa inyo?!" napataas ang boses ko.



Nasapo niya ang noo. "Hindi rin, Eunice. Ang gusto kong sabihin, wala akong balak. Iyon lang." simpleng sagot niya.



Talaga lang ha!



Natapos kami sa pagbihis. Lumabas na kami. Nadatnan namin ang mga bata na nilalaro ni nathalie.




Kita kong tumayo ang inay niya.





"Ano? Nagtalik ulit kayo? Hindi na kayo nahiya sa mga bata?" nagulat ako sa sinabi niya. Napahawak sa baywang ko si Eros.






"Ma! Walang nangyari samin." paglaban ni Eros. Hinawakan ko ang braso niya upang hindi na sumagot pa.






"Huh! Hindi ako tumanda para sa wala, Eros. Alam ko. Sabihin mo sakin hija, ganyan kaba kakati?"






Nagulat ako sa huling salita niya. Napakunot ako saking noo. I can't resist those words. Masyadong masakit.





Humarap sakin si Eros. "Huwag kang makinig sa kanila, okay? Ako lang ang pakinggan mo, Eunice. Ako lang." bulong niya sakin.






Nagsibuhos ang luha ko. Marahan niya itong pinunasan. Pumikit ako. I should only listen to him. Ako lang ang masasaktan kapag inisip ko ang sasabihin ng iba.






"Oh? Iiyak ka? Hindi ba at masakit?" huminto siya. "Doble pa ang nararamdaman ko ngayon! Dahil 'yon sa'yo!" singhal nito.






Pinipigilan kong huwag ulit maiyak ngunit nabigo ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I must not cry just for this! But I can't help it!





"Ma, kung ayaw ninyo sa amin, hindi namin kayo —"





"Talaga Eros? Mas pipiliin mo ang babaeng 'yan kaysa sarili mong magulang?" puno ng dismaya ang boses ng inay niya.





Hawak-hawak parin niya ang baywang ko. Hinahaplos niya ito bilang pagpahinahon sakin.






"Ma, makinig naman kayo, oh. Mahal na mahal ko si Eunice —"






Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon