Ikamamatay ko 'yon.

174 7 5
                                    






Naglakad kami ni Eros. Hawak niya ang kamay ko upang hindi ako madapa.





"Malapit na tayo." rinig kong sabi niya.





Sa kalagitnaan nang paglalakad namin, tanaw ko ang naglalakihang puno. Sobrang lamig dito. Ngunit nakakagaan ng pakiramdam. Marami ring kambing at baka na nasa kaniya-kaniyang bakod.





I saw a big pine tree. Sobrang laki! Ang itaas na bunga nito ay sobrang ganda sa mata. There were birds humming. Sumasabay sa paglalakad namin ni Eros.





"We're here."





Dumungaw ako sa kabuoan. Halos mahulog ang panga ko. I couldn't believe this bountiful place really exists. Ang nasa harapan ko ngayon ay isang malawak na ilog. Malinis at preskong ilog!





"I-is this for real, Eros?" nauutal ako. Hindi ko mapigilan sapagkat namamangha parin ako sa ganda at lawak ng ilog.




Natatawa si Eros habang tumatango. "Oo, Eunice. Kay ganda, hindi ba?" aniya.





Pinasadahan ko ito nang tingin. Damn! Kung ganito kaganda at kalinis ang ilog namin, hindi talaga ako aalis! Sobrang ganda! Hindi ko alam na totoo ba ito o hindi. I just found myself slowly walking and watching birds humming themselves.






This is beyond perfection. This is just so beautiful!





"Oh, hindi ba tayo bababa?" doon ko lang nahanap ang tamang huwisyo nang marinig si Eros. Natatawa siya sa reaksyon ko. Ngunit nanatili parin akong manghang-mangha.






Bumaba kami. Ilang metro ang layo ay madadampisan ko na ang tubig ng ilog. Nabigla ako nang niyakap ako ni Eros sa likod. Ang kamay niya ay nakadungaw saking puson.





"Ang ganda dito, Eros!" puno nang kagalakan ang boses ko.





"Pero wala paring mas gaganda sa'yo." sagot niya. Marahan ko siyang siniko. Bolero talaga ang lalaking 'to!





"I love you, Eunice." bulong niya sa leeg ko. Nakakakiliti iyon sa pakiramdam.





"I told you, I love you more." sagot ko do'n. Natawa siya sakin.





"Eh mas mahal kaya kita." ulit niya.





"Nonono, mas mahal kita."





"Hindi, mas mahal nga kita." pamimilit nito.





Humarap na ako sa kaniya. Natanaw ko muli kung gaano kagwapo si Eros. Ang salitang lumalabas sa bibig niya ay sobrang nakakatukso.





Napahiyaw ako nang bigla niya akong buhatin. Todo sigaw ako sa kaniya para ibaba ako ngunit hindi niya ginawa.





Dahan-dahan kong naramdaman ang lamig ng tubig. Napapa-atras ako. Sobrang lamig. Nakakapresko sa pakiramdam. Nakakagaan.





"Damn you, Eros!" reklamo ko nang bigla niyang basain ang dibdib ko.





Marahan niya akong ibinaba ngunit nakatali parin ako sa kaniya. Nasa bisig niya ako. Nakapulupot at parang ayaw niya akong bitawan.





Hinayaan niya ako at pinakawalan. I grabbed the opportunity to let my body swim. Parang sirena ang katawan ko sa paglangoy.





Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon