Sumakay ka sakin

280 6 1
                                    







Nagdi-discuss ang guro namin sa history. Medyo may nakuha akong aralin, ngunit ang iba ay hindi kona maintindihan.





"Psst." Napalingon ako kay trexie sa kilid ko. We're classmate sa history class.




"Bakit? Nakikinig ako, trex." Ani ko. Nagpipigil siya ng tawa. What the?!





"Don't me, Eunice. By the way, punta tayo sa bahay ni kael. Movie marathon tayo." Aniya. Mahina lang ang pagsambit niya no'n para 'di marinig ni sir.





"I'll try, baka makapunta ako." Tipid akong ngumiti.



Binato niya ako ng ballpen dahilan para ma-atras ako at nakagawa ng ingay. Bumaling si sir samin ngunit bumalik din sa pagsusulat nang makitang naka-ayos kami.




"Huwag mo'kong matry-try diyan, Eunice. Masasapak kita." Banta niya kaya muntikan akong matawa.






Natapos na ang klase. Nagtungo agad ako sa may field kung saan ang meeting place namin.





"Late kayo ng 10 minutes ah, asa'n ba kayo?" Bungad ni clair.




"Well, heto lang naman si Eunice ay nagsulat pa ng notes. Akalain mo 'yon?" Ani trexie at natawa. Inirapan ko siya dahil do'n.





"Mamayang uwian, ha! Kila kael tayo!" Sigaw ni Denom.




Nagkuwentuhan sila. They are planning for tonight's trip.




"I'm sure hindi na naman sisipot itong si Eunice! Lagi nalang!" Ani clair.




"Dah! Busy ako sa life." Iyon lang ang rason ko.




"Life or lovelife? Magkaiba 'yon, Eunice." Tugon ni Felicito.




"I'll try mamaya." I just said.




"Talaga lang, ha! Humanda ka talaga sakin, Eunice!" Banta ulit ni trexie. Tinawanan ko lang siya tsaka tumango.





"Oh, nandito pala si douglas at kael!" Napalingon ako sa likod nang sabihin 'yon ni felicity.




"Hi guys!" Bati ni kael. Douglas was just sitting beside denom. Now I have a reason! Haha!





"Kael si Eunice oh hindi pupunta mamaya!" Parang batang sabi ni Felicity. Inirapan ko agad siya.




Napalingon sakin si kael. I remembered what happened last yesterday. Still, nabura na ang iritasyon ko no'n.





"B-bakit naman Eunice?" He responded. Katabi niya si douglas.




Naisip ko, baka isipin niyang galit pako sa kaniya kapag hindi-an ko. Ayaw kong may tensyon samin.




I chuckled. "I'll go with you later, don't worry." Ani ko.





"Ayun! Si kael lang pala makakatapat kay Eunice, e!" Sabat ni denom.




Marahan akong tumawa upang 'di mahalata ang tensyon samin ni kael. Nilingon niya ako at tipid akong ngumiti.









Natapos ang usapan at napagpasyahan naming itigil na dahil gumagabi narin. Sasama ako sa kanila. Ngayon lang 'to. All right!





"Sa kotse na ako ni denom sasakay!" Ani felicity.




"Kay felicito na'ko!" tugon ni gwen.





"Sa kotse na kita, Eunice?" Anyaya sakin ni kael. He smiled widely.




"Sure." Iyon ang sabi ko. Kasabay ko sa kotse ay si clair. Si trexie ay kila denom.





Nang makalabas kami ay nakita ko agad ang nagkukumpulang babae. The same scenario last yesterday. Goodness!




Natanaw ko si Eros na nakasandal sa kotse. Ang mga babae ay kinakausap siya. He couldn't give any smile to them. Parang naiirita siya sa ginagawa ng mga babae.





"Wait, asa'n ka?" Tanong ni kael nang papalapit ako sa direksyon nila Eros.





"Mauna kana, may kakausapin lang ako." Ani ko.




"No, I'll be with you." Tigas niyang sabi. Hindi kona siya pinansin at nagtungo kay Eros.





"Tara na." Sabay hila sakin ni Eros sa kamay. Bago pa ako makasunod ay agad akong hinila ni kael sa kanang kamay.





"Wait, bro. She'll be with me. Sino kaba?" Nagulat ako sa sinabi ni kael. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak nila sakin.






Tiningnan ako ni Eros na may halong pagtataka. "Ano ito, Eunice? Sasama ka sa kaniya?" Aniya.





Hinawakan ni kael ang balikat ko. "Wait nga, sino ba siya Eunice?" Pinasadahan niya ng tingin si Eros. "He's just a poor driver of yours. What's making you disorient?" Aligaga niya. Napatingin ako kay Eros na ngayon ay nagpupuyos ang mata sa galit.





"Pwede ba, kael. Doon kana lang muna, please?" Ani ko. Tiningnan ko si kael na ngayo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. Padabog siyang nagtungo pabalik sa barkada.




"Hindi muna ako uuwi sa bahay ngayon, Eros. Magmomovie marathon kami ngayon." Pauna ko. Kita kong hindi parin nawawala ang galit sa mata niya.





"Sino 'yon? Boyfriend mo?" Nagulat ako sa tanong niya. Saan niya nakuha ang impormasyong iyon?




"N-no. He's just my..." Natigil ako. "Friend." I added.




"Ows? May kaibigan bang ganoon makahawak sa kamay? Baka ang tamang salita ay, kasintahan?" Aniya. Nanliit ang mata ko.




"Nanliligaw siya sakin, okay na?" Honest kong sagot.




Seryoso siyang tumingin sakin. "Ano? Saan ka sasakay? Huwag mong sabihin sa lalaking 'yon?"




"Oo, Eros. Pinagbigyan ko lang." Ani ko.




"Ehdi pagbigyan mo rin ako. Sumakay ka sakin." Aniya. Halos maluwa ko ang mata ko sa sinabi niya. What kind of drive he wants? Parang naging berde ang utak ko dahi do'n.





Tumawa ako ng bahagya. "Marunong kabang magpasakay?" Sinakyan ko ang sabi niya kanina.




Kumunot ang noo niya. "Ano? Ang berde ng utak mo." Bintang niya sakin.





"Oh, bakit? Nagtatanong lang ako!" Ani ko saka natawa.




"Oo. Magaling ako. Gusto mong subukan?" Aniya. Natigil ako sa pagtawa kaya ngumisi siya. Sinakyan niya rin aba!




"W-well, good to you then." Iyon lang ang naisagot ko. Damn! I almost lost my voice!





Natawa siya. "Tara na. Hinihintay kana ng magulang mo." Bali niya.



"Nasa bahay sila mom and dad ngayon?" Gulat kong tanong.



Inayos niya ang pintuan ng kotse. "Oo, kanina pa. Kaya halika na para masakyan na kita." Aniya sabay halakhak. Sinamaan ko siya dahil do'n. Inulit pa talaga!







Nagpa-alam ako kay kael at sa ibang kasamahan ko na hindi muna ako makakasabay dahil hinihintay ako ni mom and dad. Kael was sad. Nag-apologize ako at tinanggap naman nila 'yon.






Bumalik ako sa kotse. I saw Eros smirking. Pinipigilan niya ang ngiti niya!






Damn him!








Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon