You love me!

196 7 3
                                    








Umalis ako do'n. Hindi ko alam kung bakit ako na-aapektuhan. What wrong? Ang alam ko ay ayaw kong may kahawak siyang iba! Mali ba 'yon?


"Oh Eunice! Asa'n ka?" Rinig kong tawag sakin ni chong. Nandito sila ngayon sa kuwadra at nakabalik na. Eros still not.


"Tirik na po ang araw, kailangan ko na pong magtungo." Sagot ko.

Hinarap ako ni elyo. "Naku Miss Eunice, namamaga po ang mata niyo!" Alingawngaw niya.

Tinawanan ko iyon. "Naku, wala ito. Napuwing ako kanina." I have to reason out. I know he'll never divert his attention to others.

Nagpa-alam ako sa kanila at umalis na. Nang makauwi sa bahay ay hindi kona sinayang ang oras at naligo na.


"So kailan lang naging kayo, douglas?" Hindi makapaniwala kong tanong. Yes! Sila na ni clair!


"Well, last week pa. Hindi lang namin sinabi." Sagot niya. He's sitting beside clair. Ang babae naman ay sobrang lapad ng ngiti. Dati rati naiinis pa'to kay douglas ah? What happened now? Haha!


"Eh ikaw Eunice, kailan mo ba sasagutin iyang si kael?" Tanong ni trexie na halos maitumba ko pa.

Tumawa ako para takpan ang nangyari noon. "We're busy, trex. You know." Sagot ko. Ngunit pinanliitan niya lang ako ng mata.


Tiningnan ko si kael na ngayo'y hindi makatingin sa direksyon ko. Inaabala niya ang sarili sa pagtitipa ng phone ngunit alam kong nakikinig siya.

"Ewan ko sayo, Eunice. Masyado kang mapili." Aniya. Inirapan ko nalang siya.


"Sino kaya ang susunod na bibiktimahin nitong si Eunice, no?" Nagulat ako sa sinabi ni denom. Panay ang tawa ni felicity.

"Dah! I'm not playing them!" Depensa ko. Ngunit nanatili ang kanilang halakhak.


"Eh sa ganda ba naman niya? Matitipuhan talaga siya kahit pikit ang mata!" Ani gwen. Tinawanan ko nalang siya.


"No wonder kael is very serious to her, hmm..." Sabat nitong si clair. Grr!


Hindi na ako kumibo. Mas lumala pa ang asaran nila na napunta sa kwentuhan about their pasts.

"Iyong ex ko nga halos lumuhod sakin para balikan ko, e!" Alingawngaw ni denom. Talaga lang, huh?


"Baka 'yon yung nerdy na naghahabol sayo, denom ha!" Biro ni douglas saka bumulaslas ng tawa.

Nilingon ko si kael. He's listening to their words ngunit para siyang lutang. Kita ko sa mata niyang may paghihinayang doon. If it's all about my rejection for him, hindi ako magsisisi doon. Ayaw kong maging kami na wala akong maibigay na pagmamahal dahil hindi ko naman talaga siya mahal! Ayokong mapilit ko siya at dahan-dahang masaktan.



Natapos ang usapan kaya nagtungo ako sa canteen upang bumili ng pagkain para pang-midnight snack ko mamaya. May gagawin akong research at malamang ay magtatagalan ako sa pagtulog.


Lumabas na ako. Natanaw kona ang kotse at nagtaka nang wala doon si Eros. Wala ring nagkukumpulang babae. What's happening?


Nakita ko si Mang israel sa labas ng kotse at may inaayos pa. Does it mean, balik na siya sa pagiging driver ko?


"Tara naba ma'am?" Tanong niya. Ngunit nanatili akong nakatulala. Well, two weeks absent si Mang israel kaya nang gumaling ay siya na ang pumalit.


"Kayo na po ba ang nagdadrive sakin pauwi, manong?" I asked nang makapasok. Inayos niya ang manubela.

Tumango siya. "Opo, ma'am. Bakit po?" Aniya. Umiling lang ako at nagsimula na siyang magmaneho.







Nang makauwi ay agad kong isinukbit ang bag sa upuan. Wala si mom and dad kaya walang magtatanong sakin kung sa'n ako .


Agad akong nagtungo sa hardin. Kinawayan ko muna si Mang tonyo bago nagpasyang magtungo sa ika-apat na kuwadra. Hindi ko alam kung bakit at anong rason ko para bumalik pa dito. After what I've seen, it's a bad idea to comeback here. But look, my feet already stepped the soil going to them. Nice! Very nice!


"Magandang hapon, Miss Eunice. Naparito po kayo?" Bungad sakin ni chong.


Umupo ako sa may pallet furniture. "Ah, namamasyal lang tsaka gusto ko kasing makita iyong ginagawa niyo." Rason ko. Napatango siya.

"Eros at daphne!" Tawag ni chong. Wala dito si elyo at ang iba pa. Maaaring nasa kabilang bakod.


"Naku, asa'n kaya ang mga 'yon?" Napatanong siya. Walang sumulpot na Eros at daphne saming harapan.


"Ah, ako na po ang maghahanap sa kanila." Suggestion ko. Ilang segundo pa siyang nakatulala sakin.


"S-sigurado ka ba Miss Eunice? Baka matalisod ka diyan -"


Tumawa ako nang bahagyan. "Wag kayong mag-alala, malakas pa ang binti ko." Putol ko. Hindi kona hinintay pa ang i-rereact niya at umalis na ako.


Naalala ko iyong kaninang umaga. Bakit hindi ko nakikitang nagtatrabaho si Eros sa labas? Bakit dito siya palagi sa kubo? O talagang kakatapos niya lang? Hindi ko alam. Sumasakit ang ulo ko saking iniisip.


"Hindi mo dapat ako magustuhan, daph." Nahinto ako nang marinig ang boses ni Eros. Huwat?!


"P-pero matagal na tayong magkaibigan, diba? Hindi kaba nahulog sakin? O kahit konting paghanga man lang?" Boses iyon ni daphne. Is he forcing him to like her? Damn!

Gusto kong sumilip pero masyadong masikip ang pagkakabakod. Mas mainam na ganito nalang at baka may makita pa akong hindi kaaya-aya!

"Gusto ko ang personalidad mo, daphne. Kasi masipag ka, maganda, tsaka matulungin. Pero -"


Naramdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam katulad kahapon. The unfamiliar sensation. Hindi ko mawari. Bakit ganito ang nararamdaman ko?


"Kung gano'n, mahal mo nga ako! You love me, Eros. You love me! Dapat ay ligawan mo na ako!" Maligayang tugon ni daphne. Damn! Gusto kong makita ang ginagawa nila pero natatakot ako!


"Hindi 'yan madali, daphne kung 'yan ang pinupunto mo -"


"Maghihintay ako, Eros hanggang sa maging handa ka! 'Wag kang mag-alala, hindi ako maghahanap ng ibang lalaki! Pangako!" Aniya. Damn! Parang gusto kong masuka sa pinagsasabi niya!


"Kung 'yan ang nais mo, ehdi sige. Maaari kang maghintay. Pero -"

Hindi kona pinatapos pa ang sasabihin ni Eros at agad akong tumakbo papalayo. Rinig ko ang pagtawag sakin ni chong ngunit hindi ko na pinansin pa. Goodness! Holycrap! Bakit pa kasi lumapit pa'ko do'n! Bakit pa kasi nagpunta pa'ko dito!




Nagtungo ako sa kuwarto ko. Himdi ko alam kung bakit naging ganito ako. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nadidismaya sa sinabi niya? Dapat pala ay iwasan ko na siya! Damn! Just damn!

Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon