Aalis ka parin ba?

200 6 1
                                    





Nagpupuyos ang puso ko sa galit. Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Eros. Akala ko ay gusto niya rin ako. Akala ko!  But look at now! Magiging asawa niya ang babaeng 'yon!




Nandito ako sa loob ng bahay nila. Ang kapatid niya ay nasa kwarto. Ako at si Eros lang nandito. Nagluluto sa ibaba ang babae.





"How could you do this to me, Eros! Ginawa mo'kong kabet alam mo ba 'yon ha!" inis kong sabi. Ngunit ang mata niya ay nakadampi sakin. Ang mainit niyang kamay ay nasa palad ko. Hinahaplos niya iyon. Dahilan kung bakit ay nag-iinit ako lalo.




"Hindi mo naiintindihan, Eunice. Heto ang pinakagugusto ng lola ko bago siya nama-alam." huminga siya ng malalim. "Ang maikasal ako kay nathalie. Siya ay kababata ko." ekplenasyon niya. Ang mata ko ay nanatiling nasa labi niya. Sobrang pula ng labi niya!




Umiwas ako. "Sana pala ay hindi kona ibinigay ang katawan ko sa'yo. Kung alam ko lang na ganito —"



"Nagsisisi ka sa ginawa natin?" putol ni Eros sakin. Nilingon ko siya.



"Oo Eros." diin ko. Nagtiim-bagang siya. Kita sa mata niya ang galit.



"Kung ganoon bakit ka nandito?" may diin sa pagkakasabi niya. Kinagat ko ang aking labi. Damn! Bakit nga ba ako nandito? It's all for him!




Tumayo ako. Iniwas ang tingin sa kaniya. "Ehdi aalis ako." sabi ko at kinuha ang bag sa gilid niya.




"Hindi ka aalis." nagulat ako sa sinabi niya. Agad niyang hinila ang braso ko upang mapunta ang mukha ko sa kaniya. Nakaharap ako sa kaniya ngayon. Nang-gagalaiti ang mata niya.




"Mag-gagabi na." sabi niya at dahan-dahang inilalapit ang labi sakin. Umiwas agad ako. Nanatili ang siklab sa mukha ko. I still remember, Eros. Baka nakakalimutan mong may asawa kana?




Tumayo ako at iwinaksi ang kamay niya na mahigpit kung makakapit sakin. Agad akong nagtungo sa labas. Nadatnan ko si nathalie. Buhat-buhat niya ang isang bowl na kasing laki ng palad.




Tiningnan niya ako pagkuna'y ibinaba ang dinadala. Sinundan ko ang bawat galaw niya.



"Ikaw ba ang kaibigan ni Eros?" naulingan ko ang tanong niya. Did he told her about me?




Tumango ako at tipid na ngumiti. "Oo. Kaibigan niya ako." I answered. That was really painful but I managed not to expose it.




Nilalaro niya ang hawak-hawak na bowl. "So, hindi kayo mag-kasintahan?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. What did she mean?




"Uhm, hindi. Hindi pa." sagot ko.




"Ate kain na daw tayo!" biglang sumulpot ang bata sa harapan namin. He's asking nathalie.



Tumayo si nathalie. "Tayo na." anyaya niya. Tumango ako at sumabay sa kaniya.




Nadatnan namin si Eros na naghahanda ng kanin sa lamesa. Sa ginagawa niya, napagkakamalan ko siyang ama.




Pinagbigyan siya ng upuan ni Eros kaya bilis kong kinuha ang upuan sa kilid upang hindi niya magawa iyon sakin.





Nagsimula silang kumain. Ngunit hindi ko pa ginagalaw ang akin. I'm still preoccupied.




"Hindi ka po ba kakain, ate maganda?" nagulat ako sa batang lalaking nagtanong sakin.




Tipid akong ngumiti at nagsimulang kumain. Ang mata ni Eros ay nanatili sakin. Agad akong umiiwas.





Fire and AffectionWhere stories live. Discover now