I need to talk him!

217 7 8
                                    






Nagising ako nang magring ang phone ko. I immediately got it.




"Oh, ano na naman?" Ani ko.





"It's saturday! Let's go Eunice! Sa bar tayo!" Rinig ko ang boses ni trexie sa kabilang linya.





Bumuntong-hininga ako. "Oh fine. Pupunta ako. Text mo nalang 'yong adress —"




"Yes!" Aniya at pinatay ang linya. Tss. Sobrang excited.






Bumaba na ako. Mom and dad were not there. Siguro ay maaga ang appointment. Naligo nalang agad ako at nagbihis. Nag-ayos ng kaonti. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana.






Tinext sakin ni trexie ang address. Sa dating bar parin pala akala ko bago na naman. Nagsuot ako ng red sheath dress. Nagtungo ako sa labas. Hindi ako ipagmamaneho ni Eros ngayon dahil sabado which is walang klase. I know how to drive pero hindi ako pinapayagan.















"Oh, asa'n 'yong driver mo, Eunice?" Unang bungad sakin ni trexie.




"Himala at nakapunta ka dito, ah?" Ani denom.




Umupo ako sa tabi ni felicito. "Dah, bagot na bagot ako sa bahay. What do you expect?" Ani ko.





"Last time 'yan din rason mo!" Sabi ni gwen.




Hindi ako sumagot at nagtaka nang wala dito si kael. "Where's kael?" Tanong ko.




"May sakit, hindi daw makakapunta." Sagot sakin ni denom.




"Binasted mo 'yon, no?" Tanong sakin ni trexie.



"Anong binasted? Manliligaw pa nga 'yon, e!" Sabat ni felicito. Anong pinagsasabi nila?




"Hoy hindi, no!" I defended.




"Asus! Sagutin mona kasi!" Panunukso ni clair.



Pinanliitan ko siya ng mata. "Eh bakit clair, sinagot muna ba si douglas?" Itinuro ko si douglas na katabi ni denom. Umiwas siya ng tingin.




"Tss. Magkaiba naman 'yon, no!" Aniya. Natawa kami sa pagiging defensive niya.




"Oy guys, tara na. Alas 1 na ng hapon, oh!" Ani denom.




Tumango kami at nagpasyang bumulusong sa loob ng bar. Chineck pa kami ng guwardiya bago kami pinapasok.




Nagsisigaw si felicito at denom doon pagkapasok. Felicity and gwen were with them. Bumulusong sila doon sa dance floor.




"Saan ka sasama, Eunice?" Kahit malakas ang tugtog ng musika sa loob ay marahan ko paring narinig ang boses ni clair.




"Ikaw? Tawagin mo si trexie, sabay na tayo!" Sigaw ko. Tumango siya at pagkuna'y tinungo si trexie.




Iginuyod ko ng tingin ang bar. Nagsasayaw ako kasama ang ibang lalaki. Ang iba sa kanila ay marahang hinahaplos ang baywang ko kaya agad akong umaalis.





"Doon tayo kina troy!" Hinila ako ni trexie at clair sa kabilang table. Nakita ko agad na kumakaway si troy samin.




"Hi pretty ladies!" Aniya. Pinasadahan niya ako ng tingin. I just smiled at him.




"Wala ba kayong partner?" Tanong ni troy. Sa parte ng table dito ay hindi na gaanong maingay. Malayo sa dancefloor at musika.




Umiling si trexie. "Wala nga, e. Arte din itong si Eunice, e." Tulak niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.




"Well, that's Eunice Trimena. As pretty as her really not into boys." Ani troy at kinindatan ako. Hindi ako kumibo.




"Let's dance, girls?" Anyaya niya. Tumawa ako nang nagsimula siyang magsasayaw sa harapan nila trexie at clair papunta sakin. Sinayawan siya ni clair at hindi naman nagpatalo si trexie.




"Hey, Eunice! Let's dance!" Anyaya niya. Wala akong nagawa kaya sumulong ako at sumayaw rin. Nagtungo kami sa dancefloor at doon ipinalabas ang pagsayaw. Ang ibang kalalakihan at kababaihan ay sumasama rin samin.










Ilang oras ay natapos iyon. I felt exhausted and drained. Inaya ko si trexie na umuwi na ngunit ginaganahan pa siya. Clair was chitchatting a boy. Hindi kona dinisturbo at nagtungo na ako sa labas.





Hindi ako uminom kaya nakapunta ako sa terminal upang makasakay. I texted them na umuwi na ako upang hindi na mag-abalang hanapin pa'ko.







Nakasakay ako. Ilang minuto ay dumating rin ako. I paid first bago bumaba sa taxi. Pinagbuksan ako ng gate at nagtungo na.




Mabibilang nalang ang kasambahay at hardinero sa labas dahil hapon na. I tooked my phone and it's 4:30. Huminga ako ng buntong-hininga.




Hinarang ako ni Mang Tonyo. "Hija, kilala moba ang lalaking nandiyan sa loob? Kilala ka raw." Aniya. Kumunot ang noo ko. Sino naman 'yon?



Umiling lang ako at nagpa-alam na sa kaniya. Pagtungo ko sa loob ay nagulat ako nang makita si kael sa hapag. May dalang malaking bulaklak.





"Eunice! You're here!" Maligaya niyang tugon. Agad niya akong niyakap ngunit ako ay nanatiling nakakunot ang noo.




"Why are you here, kael? Wala namang pagdiriwang samin." Bungad ko. Nilagay ko ang shoulder bag sa upuan.




Tumawa siya. "Don't you like seeing me here, huh?" Aniya. Nilahad niya sakin ang bulaklak. Nag-aalangan akong tanggapin ito ngunit inalok ko nalang.




Umupo ako katabi niya. "This is....for what?"




"Well, I told you to court, right?" Tumigil siya. "This is it! I'm courting you now!" Maligaya niyang sabi. Tipid akong ngumiti.





"Heto na ang juice, sir —"




Natigilan ako nang makita si Eros na may bitbit na pitsel puno ng juice. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay may trabaho siya?




"Oh, right! Ilagay molang diyan." Utos ni kael sa kaniya. Inilagay iyon ni Eros sa harapan namin. Nahagip niya ang mata ko. Agad din siyang nag-iwas.




"Eros —" natigil ako.





"May iba pa po ba kayong iuutos, sir?" Ani Eros at pinutol ako. Damn! Anong binabalak niya?





Umiling si kael. "Wala na. You can leave." Deritso niya. Agad umalis sa harap namin si Eros at iniwan kami.





"Now, I'm waiting for Mrs Yuline and Mr Felicito to accept my courtship for you." Pauna niya. He's smiling like he's expecting me to accept it.




Nagulat ako do'n. Is he planning this readily? Sinadya niya ba ito?




Umiwas ako ng tingin. I need to talk to Eros! I need his explanations! Bakit siya nandito? Bakit siya ang nagserve? Where are other maids? Tss. I need to talk him!













Fire and AffectionWhere stories live. Discover now