Hindi ka dapat nagagalit

178 6 1
                                    






Nagising ako kinaumagahan. Nag-ayos muna ako nang sarili bago nagpasyang magtungo sa labas.





"Ikaw po ba si ate Eunice?" isang batang babae ang tumambad sakin. Kapatid rin ba siya ni Eros?




Ngumiti ako nang malapad. "Yes baby, nasa'n ang kuya Eros mo?" I asked. Ang malaki niyang pisnge ay sadyang nahulma para sa napaka-cute niyang mukha.





"Hali ka po ate Eunice! Nando'n siya sa labas!" maligayang tugon niya. Hinawakan niya kamay ko kaya nagpa-alon din ako.




Nadatnan ko si Eros na nakikipaglaro sa batang lalaki. Nang matanaw ako ay pinaupo niya 'yong bata at deritso ang mata sakin.



Tumayo siya. "Magandang umaga. Magmeryenda tayo." aniya. Bakas sa boses niya ang kaligayahan. Dahil ba sa nangyari kagabi? Damn.




Umupo ako. I got shocked when this little-cute girl sat beside me. Hindi mawala ang mata niya sakin. Tila nahuhumaling ito.




"Parang gusto ka ni alpha." sabi ni Eros. Nagulat ako nang tumabi rin sakin 'yong batang lalaki.



"Ang ganda ni ate, kuya Eros!" aniya sa pagmamalaking pananalita.



Natawa nang bahagya si Eros. "Gwapo rin naman ako, leon. Hindi ba't bagay kami?" halos mahulog ako sa upuan nang sabihin niya 'yon.




Umiling si leon. "Hindi! Mas gwapo ako!" aniya. Hindi ako nakapagpigil at natawa ako.



"Tss. Pero bagay parin siya sakin." debate ni Eros. Nagulat ako nang hawakan ni leon ang kamay ko at ipinagsiklop sa kaniya.




"Eh bakit kami ang magkahawak kamay?" sabi niya. Pinanliitan siya nang tingin ni Eros.



"Hindi 'yan ang basehan, leon. Nasa akin parin ang puso niya." aniya at tumingin sakin. Napakagat ako nang labi. Damn!




"Totoo ba 'yon, ate?" tumayo si leon at dumungaw sakin. He's so cute! Silang dalawa ni alpha!




Tumango-tango ako. "Oo, leon. Nasa kaniya na." ani ko at nagpipigil ngumiti. Tinanaw ko si Eros na kinakagat ang pang-ibabang labi.



"Hays. Gwapo pa naman ako sa kaniya, e." pagmamaktol niya. Humalakhak ako. He's too young! Para makaramdam ng gusto!




Magsasalita pa sana ako nang dumating si nathalie. Dala-dala niya ang malaking plato na puno ng kanin. Tumayo si Eros at nagtungo sa loob.



Nagpapalakpakan sina alpha at leon. Tuwang-tuwa sila sa hinain ni Eros.



"Hindi kayo halatang gutom, ah?" natatawa si nathalie. Hindi ko mapigilang matawa rin.



Kumuha ako nang plato. Hindi ko naman hahayang magpa-serve pa ako sa kanila. They cooked, they prepared, so I must not be a hard thing to them.




Agad kinuha ni Eros ang plato ko. Nagsalin siya ng kanin doon at ulam. Ang kamay ko ay nanatili sa hangin.



"Kaya ko naman, e." ani ko. Kinuha ko 'yon at umupo na.




Seryoso niya akong tinitigan. Kinakagat-kagat niya ang pang-ibabang labi. I can't help but to imagine censored things. Iniwas ko agad ang mata sa kaniya at nagsimula ng kumain.




"Ate nath! Diba po kayo ni kuya Eros ang mag-asawa? Eh bakit po ang sweet kanina nila ate Eunice?"



Nagulat ako sa tanong ni alpha. Tinanaw ko si nathalie. Seryoso siyang nakatingin kay Eros. Eros was just looking at me.




Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon