I'm already turned on

249 8 1
                                    







Naglakad kami patungo doon sa kuwadra. Naroon sina elyo, chong, at ibang kasamahan. Nandoon din si daphne.





Hawak-hawak ni Eros ang kamay ko at hindi binibitawan. Pagkarating do'n ay sumilay ang nakakaloko nilang tingin samin. Ang mata ni daphne ay lubusang hindi natutuwa.





"Ehem, parang lalang-gamin tayo nito, ah!" Sabi ni elyo at tumingin samin. Nakipag-high five sa kaniya si chong. Tila nagkakaintindihan sila.






Umupo ako katabi ni Eros at nasa harapan namin si daphne habang sumisipsip ng kape.






Nakalatag na pala ang kape sa harap. Timplado na iyon at maraming pandesal na may palamang peanut-butter rin. Hindi ako gutom ngunit kumuha ako do'n.





"Hindi ko aakalaing makukuha ni Eros si Miss Eunice, napakaganda pa naman ni ma'am!" Sabi ni elyo.





"Ay malamang! Kay gwapo din ni Eros, no!" Dagdag ni chong. Natawa ako sa pinagsasabi nila.






Hinawakan ni Eros ang kamay ko at pasimpleng pinaghahaplos iyon. Ang mainit niyang braso ay dumampi sakin. Hindi ko mapigilang mapapikit. It's so addictive. Hindi ko mapigilan!






"Bagay na bagay sila! Diba daphne?" Napalingon ako kay daphne na kanina pa nakatanaw samin ni Eros. Nagpupuyos ang kaniyang mga mata.






"Hmm, hindi." Simpleng sagot niya at ibinalik ang atensyon sa iniinom na kape. I couldn't help but to closed my fist. Ano bang problema niya?





"Ows! Bakit naman hindi? Huwag mong sabihing nagseselos ka, ano?" Biro ni chong. Sinamaan lang siya ng tingin nito.






"Oy Eros handa naba iyong gamit mo?" Napabaling ako kay elyo nang sabihin niya iyon. Hindi ko iyon pinansin.






Tumango si Eros. "Oo, kaninang madaling araw pa." Sagot niya tsaka iniwas ang tingin sakin.





"Mabuti naman!" Nagulat ako sa sinabi ni daphne. Tsk. Why she's happy?

































"Talaga?! Pa'no nagawa 'yon ni troy?!" Hindi magkamayaw ang boses ni trexie. She's very concern about the incident in the bar.






"Nah, I don't know too. Does he have a girlfriend?" Napatanong ako.





"Wala yata." Sagot sakin ni clair.





"He's just so maniac! Grr!" Pang-gagalaiti ni trexie.





"Buti nga at dumating 'yong gwapong driver mo, Eunice!" Sabat ni felicity. Sinamaan siya ng tingin ni denom.





"Wait, sino ba nagsabi sa kaniya?" I asked. I forgot to ask Eros about that. Maybe I'll ask him later.





"It's me, dah! Kinukulit ko nga ang boyfie mo eh kaso parang sayo lang kakalampag!" Ani trexie at natawa. Damn!






"Well, you must have first a beauty like Eunice, trex." Sabat ni gwen. Sinamaan siya ng tingin nito.






"Sa susunod ay hindi kana dapag nagsasayaw sa mga maniac, Eunice!" Ani felicito.






Nagkibit-balikat ako. "Well, who would know he's a great maniac?" I asked. Tumango-tango siya.






Natapos ang usapan namin at napagpasiyahan kong magtungo muna sa libary upang kunin ang pag-aaralang libro.






"Hindi kana tumatambay dito, ah?" Nagulat ako sa presensya ni gerome. He chuckled because of my reaction.





"Shut up! You scared me!" Ani ko ngunit binabaan ang boses.





"Ano 'yang pinag-aaralan mo?" Tanong niya nang makaupo ako sa bakanteng lamesa.





"Sa values." Maikling sagot ko.





"Hindi mo pa'ko in-aaccept sa social media accounts mo, Eunice." Aniya. Nilingon ko siya. Wala ba siyang balak umayaw sakin? Kasi kung ako, matagal na akong aalis at susuko, e.






"I'm not so active with them." Sagot ko. Bumuntong-hininga siya.





"Wala ba talaga akong pag-asa sayo, Eunice? Am I so ugly para hindi mo ma-ibigan?" Nagulat ako sa padalos-dalos na tanong niya.





"Hindi ka panget, okay? Sadyang hindi lang kita type, that's it. Don't drag down yourself." Ani ko at tumayo na.






"Siguro nga, hays. Sige, salamat sa panahon." Aniya bahagyang ngumiti sakin. Tipid akong sumukli do'n.








Nagtungo ako sa labas at natanaw si Eros. Nakagapos ang kamay niya sa dibdib at malalim ang iniisip. Tinawag ko siya. Agad siyang ngumiti sakin.






"Mag-gagabi na. Bakit ngayon kalang?" Aniya sa ma-awtoridad na tono. Hindi ko mapigilang mapangiti.





"Hmm, nagbabasa pa kasi ako." I reason out. I smiled.






Pumasok ako sa kotse at umupo. Simundan ko ang ginagawa ni Eros. Napaka-kisig niya! Hindi ko aakalaing matutukso ako sa bawat galaw ng kaniyang braso.





"Gusto mo ba akong matunaw?" Nagulat ako sa sinabi niya at agad kong binawi ang atensyon sa braso niya. Nakakahiya!






Naka-uwi kami sa mansion. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Ngunit laking gulat ko nang pumasok siya sa loob katabi ko. Nang tingnan ko ang mata niya ay nag-iinit ito.





Agad niya akong siniil ng halik. Ang malambot niyang labi ay tila isang matamis na pagkain para sakin. Kinakagat-kagat ko ito dahilan para mapa-mura siya at idiin ang halik.






"Eros..." Hindi ko na mapigilang tawagin siya. Hinihila ko ang kamay niya upang dalhin saking dibdib ngunit pinipigilan niya.







Nagtaka ako nang huminto siya. "I'm already turned on, Eunice. Masama ito." Aniya at umayos pagkuna'y lumabas. Naiwan ako dito na puno ng paghihinayang.






Lumabas din ako at humarap sa kaniya. Ngumiti siya sakin ng malapad. Ngunit nanatiling dismayado ang mukha ko.





Hinawakan niya ang pisnge ko at hinahaplos ito. "Huwag kang mag-alala, mangyayari ang gusto mo sa tamang panahon. Sa ngayon? Ipunin mo ang lakas mo para do'n." Aniya at kinindatan ako. I couldn't help but to smile! Damn his magical words!







Nagpa-alam na siya sakin. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko bago lumisan. Nag-iinit ang pisnge ko. Ang buong kaluoban ko'y puno ng kagalakan.







Nagtungo ako sa kuwarto. Siguradong matutulog akong nakangiti ngayon!




















Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon