Ang mata ni Eros

340 8 3
                                    

"Mom, you know Eros?"


Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Naka-awang ang labi ni mom tila naguguluhan sa inasal ko.

Tumikhim siya. "Well, he's new here. Hardinero natin siya. Bakit?" Aniya. Dad is busy watching news. Kami ni mama lang dito sa kwarto ko.

Nagkibit-balikat ako. "I-in what stable mom?" This time, pinanliitan niya ako ng tingin.

"W-what? I'm just curious! Eh kasi bago nga. You know." Humigop ako ng juice. Mom still can't go away her stares.

"Sa ika-apat na kuwadra siya, Eunice. And never ever do something horrible again!" Banta niya. Tinawanan ko nalang ang naging reaksyon ni mama.

"Mom, I'm a good girl! Dah!" I corrected her. Well, a good girl with bad habbits.

Iniwan ko si mama doon at nagtungo agad sa labas. Ang aming hardin ay nahahati sa siyam na kuwadra. Bawat kuwadra ay may iba't ibang bulaklak, tanim, at hayop na inaalagaan. Sobrang lawak nito. Parang buong subdivision sa laki. Buti nalang at malapit lang ang ika-apat na kuwadra. Hindi mahirap saking puntahan.


Kinamusta ako ni Manong Tonyo. I commanded tsaka nagtungo na sa kuwadra.

Ilang mga hardinero't hardinera, mga namumutos ng bulaklak at tanim which is I don't know what's their names, mayroon ding gumagawa ng pot, nagbubungkal ng lupa, nag-rereshape, at iba pang gawaing hindi kona alam kung ano.








"Magandang umaga, ma'am Eunice!" Ilang mga hardinero't hardinera ang bumati sakin. Ngumiti ako at dumiretso sa pupuntahan. Muntikan pa akong matalisod dahil sa umbok na bato sa harap. Galit ko itong pinagpapatid.

Natanaw ko sa di kalayuan ang nasa loob ng kuwadra. Hindi pa ako nakakalapit ay bakas na ang mga tingin sakin ng mga naroon. Maybe they are confuse why I am supposed to be here.

Iginala ko ang mata ko. Doon ako halos mawalan ng lakas nang makita ang lalaking hinahanap ko. Naka-topless siya kaya bakas na bakas ang kakisigan niya. Puno siya ng pawis.  Ang kamay niya ay magkasangga at pinapagpag ang lupa doon. Sabog ang buhok nito. Ngunit hulma ang napakaperpektong postura.

Sumilong ako. "Magandang umaga po." Sigunda ko. Tanaw ko na nakatingin rin si Eros sakin pagkuna'y umupo at tinititigan ako.

"Magandang umaga din po, ma'am Eunice. Bakit ka naparito ma'am? Baka mapano kayo at mapagalitan kami ni sir at ma'am." Sabi nung isang kasamahan nila na may edad na.

Hindi ako sumagot bagkus ay tumabi ako sa espasyo kung saan ang mga babae. Ang iba ay pekeng ngumiti sakin.

Nilingon ko ulit si Eros. He's talking to someone. Napag-alaman kong babae pala 'yon. Sinusuri ko siya. She has pouted lips. Kulot ang buhok at morena. Hindi mawala ang pagka-simple sa kaniya.

I talked to them. Binigay ko ang natitirang oras para pag-usapan ang tungkol sa hardin. Masaya silang kausap. Tila gusto nila ang kanilang ginagawa.

"Huwag niyo po sanang mamasamain pero tawagin nyo po akong Eunice. I prefer that more." Ani ko.

"Hindi kaba magagalit, ma'am Eunice?" Tanong ni Edward, isa sa kasamahan dito.

Natawa ako. Kita ko sa gilid ng mata ko na napalingon si Eros sakin. "Nope, nakakataas tingnan ang salitang ma'am." Honestly, the main reason is ayokong isipin nila na dapat akong iwasan dahil anak ako ng amo nila.

Kinamot ni Edward ang ulo niya. "Naku Eunice, nakakahiya naman." Tugon niya. Nagtawanan kami dahil do'n. He's cute. A bit weird too.


"May kasintahan kapo ba ngayon, hija? Single itong si Edward." Nagulat ako sa tanong ni Mang Luis. He was asking that like it's nothing! Damn!


Tinago ko ang totoong nararamdaman. "Wala po."


I saw in my peripheral sight that Eros is staring at me intensely.  I looked at him. Nag-iwas agad siya ng tingin.


"Oh, may pag-asa ka, Ed!" Nagtawanan sila. Tipid akong ngumiti. Kahit hindi ko nagugustuhan ang pinagsasambit niya ay binalewala ko nalang.

"Oh kayo diyan Eros, Daphne! Hindi niyo ba babatiin si Eunice?" Sigaw ni Mang Luis. Lumingon si Eros sa direksyon ko. Mapupungay ang mata niyang nakatitig sakin.



Hinawakan niya ang kamay ng babae upang magabayan. Naglakad sila patungo samin. Ngumiti ang babae sakin ngunit hindi ko ito sinuklian. Umupo sila sa harapan ko katabi nila Edward at iba pang kasamahan.




"Magandang umaga, Eunice!" Maligayang tugon ni Daphne. I smiled a bit tsaka nilingon si Eros na ngayo'y hindi ako matingnan. Ano? Hindi niya ako babatiin?


"Alis na po ako, may klase pa po ako, e." Paalam ko. Ang karamihan sa kanila ay nakangiti sakin. Ngunit ang mata ni Eros ay nanatiling nasa babae, nando'n kay Daphne.




Pagbalik sa mansion ay naligo agad ako. Nagsuot ng uniporme at pumunta sa labas upang magpasundo kay Mang Israel.



Hindi ako nakinig sa klase. Tanging nasa isipan ko ay si Eros at ang mata niyang umaaligid kay Daphne. I can't understand why he didn't look at my face or even to my legs! I'm much sexier than that girl! Damn!





"Labas tayo mamaya, guys ah!" Anunsyo ni Denom. Naghiyawan sina Trexie at ang iba dahil do'n.

"Baka maabutan ko ulit 'yong pulis! Exciting!" Ani Trexie.

"Timing kasi may date kami mamayang Felicito!" Excitedly Gwen's said. Hinalikan siya ni Felicito. Ew!

"Oh well, prepared ako diyan!" Ani Clair. Naalala ko si Douglas. He's not here, again.

Tumayo ako. "Well, pass muna ako diyan." Ani ko kaya nabasag ang tawanan nila.

"Huwat?! Ikaw? Goodness! Huwag mo kaming bilugin, bruha!" Ani Trexie at natawa. Inirapan ko siya.

"Dah, nasa bahay sila dod and mom mamaya. Hindi ako makakahiram ng kotse. Tss." Sagot ko.

"We can sneak you there, then!" Anyaya ni Denom. Felicity's not here too.

Umiling ako. "No thanks. Baka magrounded ulit ako. Bawas baon na naman." Ekplenasyon ko. Actually, hindi sakop ng galit nila mom and dad ang allowance ko. I make it as an excuse.

Wala silang nagawa kaya nakahinga ako nang maluwag. Sila talaga bad influence sa buhay ko, e!

Mamaya ay magtatanong ako kay Mang Tonyo ang tungkol kay Eros. At sa babaeng iyon. Daphne, huh?

Fire and AffectionWhere stories live. Discover now