Gusto kong magpa-alipin sa'yo

199 7 8
                                    


[Part One]









"Sorry mom. I decided na sa susunod na linggo ako uuwi diyan. Opo, promise!" sabi ko.



"Naku humanda ka talaga sakin, Eunice!" aniya. Natawa ako.


"Promise mom! Sige na at tinatawag na ako. Bye mom!" pamama-alam ko tsaka binaba ang tawag.



Bumalik ako do'n sa labas. Nando'n parin sila. Ngunit wala na si nathalie at ang mga bata.


"Magtatagal ka ba dito, hija?" bungad sakin ng inay ni Eros.


Umupo ako katabi ni Eros. "Uhm, opo. Isang linggo. Dadalo po ako sa kasal nila." sagot ko tsaka tumingin kay Eros. He's staring at me seriously.


"Naku! Ang bait mo naman, hija! Kaya pala nagustuhan ka ng anak ko!" sabi niya. Nagtaka ako. Anong klaseng pagkagusto?



"Gusto po?" pag-uulit ko.


"Oo. Laging sinasambit ng anak ko ang tungkol sa babaeng maganda at sobrang bait. Hindi ko akalaing ikaw pala 'yon." natutuwang sabi niya. Tumingin ako kay Eros at nag-iwas agad ng mata.



"Naku hindi naman po." I said.



Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili na huwag pansinin ito, nanunuot parin sa sakit. Sinong matutuwa kung ang taong gusto mo ay ikakasal sa iba at hindi sa'yo? No one. Kasi masakit. Pero pinipilit ko. Ayokong mapunta si Eros sa iba at hindi sakin.



Nagpa-alam ako do'n. Nagpunta ako sa likod ng bahay nila. Walang tao. Buong-buo ang kompyansa kong dibdibin ang sariwang hangin. Makikita ang matatayog na punong-kahoy. They've grown. So beautiful.



"Galit ka parin ba sakin, Eunice?"


Napalingon ako sa kilid. Katabi ko na pala si Eros. Ang mata niya ay nasa tayog ng punong-kahoy. Bumalik ang tingin ko do'n.


"Sinong hindi magagalit? Magiging asawa mo siya. Magkatabi kayo kagabi. Hindi ba 'yan sapat na rason para magalit?" bakas sa tono ko ang inis.


Rinig ko ang paglagapak niya ng hininga. "Akala ko gano'n kadali ang kalimutan ka, Eunice. Umalis ako sa mansion dahil dito. Gusto ni mama at papa na ipakasal ako kay nathalie. Kahit ayaw ko, wala akong magagawa. Pero sa t'wing tumitingin ka sakin, parang ayaw kona sundin ang utos nila. Parang gusto kong magpa-alipin sa'yo." tumingin ako sa mata niya. May lumandas na patak ng luha sa pisnge niya. Nabahag agad ako. This is the first time to saw him crying. And it gives me a painful feeling!



Lumapit agad ako sa kaniya at niyakap siya. Napunta ang kamay niya sa buhok ko. Dahan-dahang hinahaplos. Naiiyak ako. Hindi niya alam kung gaano ka gusto kong manatili sa kaniya at sabihing gustong-gusto ko siya. Natatakot ako. Dahil baka dumating ang araw na iwan niya ulit ako.



Iniharap niya ako sa kaniya. Agad niya akong hinalikan. Malumanay. So passionate that I almost forgot my breath.


"Nais kong malaman mo, gustong-gusto kitang angkinin, Eunice. Gusto ko akin kalang. Walang ka-agaw. Walang kahati." sabi niya sa napapaos na boses.


Hindi kona alam. Bumibigat ang dibdib ko sa bawat salita niya. Nakakapanghina. Ang gwapo niyang mukha ay sadyang nakakawalan ng lakas.



"Mahal na mahal kita, Eunice. Mahal na mahal kita." bulong niya sa taenga ko. Nakakakiliti ang mainit niyang hininga ngunit sobrang sarap sa pakiramdam.



Pumikit ako. Dinadamdam ko ang paghalik niya sa leeg ko. Hindi ako makahinga.



"Itutuloy mo parin ba ang k-kasal, Eros?" nauutal kong sabi. I want to hear the answer. I want it.



Tumigil siya sa paghalik. Deritso ang mata niya sakin.



"Hindi na. Hindi ko na itutuloy, Eunice." aniya. Napangiti ako sa sinabi niya.



"Pero pa'no? Sadyang magagalit ang magulang mo sa'yo. Sakin." panambitan ko.




Seryoso siyang tumingin sakin. Naka-awang ang bibig. Ngunit hindi siya nagsalita.



Bumitaw siya sa pagkakahawak at dumistansya mula sakin.



"E-eros? Bakit?" pag-aalala ko.




"Hindi ko na rin alam, Eunice. Ayokong mabigo ang magulang ko. Pero mahal kita. At gusto kitang piliin." may paninikip sa boses niya. I know that's hard to decide. Kung ako sa posisyon niya ay hindi ko kakayanin 'yon. But sometimes, you need to be tough.




"Ehdi piliin mo'ko!" I insisted.




Tumingin siya sakin. "Hindi gano'n kadali, Eunice. Matagal na itong gusto nila —"



"Okay. Kung 'yan ang guato mo ay hindi kita pipilitin." putol ko sa kaniya at naglakad palayo.




"Eunice! Bumalik ka nga dito!" aniya. Hindi ko siya pinakinggan at patuloy akong naglalakad. Patuloy ding tumutulo ang luha ko.




Ang sakit! Sobrang sakit!














Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon