Nakagapos tila nakatali

221 7 5
                                    








"Asa'n ba si sir and mom, Eunice?" Tanong ni Eros.



Nandito pa kami sa hapag at kumakain.



"Well, may inasikaso pa siguro. You know business and stuffs." Sagot ko. Tumango siya.



"So..." Pauna niya. "Boyfriend mo 'yong lalaki kanina?" Dagdag niya.



Umiling-iling ako. "Nope. Nanliligaw lang siya sakin." I answered.



Tumikhim siya. "May balak kang sagutin siya?" Aniya. Naging seryoso ang pananalita niya.



"Nope, I rejected him." Deritso ko. Ayokong ma-isip niyang may balak akong sagutin iyong si kael kahit hindi naman.



Tumigil siya sa pagkain. "Mabuti 'yan. Mag-aral kalang muna. Nakakasama ang pagrerelasyon." Pangaral niya. Pinanliitan ko siya ng tingin. The heck?!



"Hindi naman ata. It's an inspiration, you know." Rason ko. Kahit wala naman talaga akong natitipuhan.



Tumaas ang kilay niya. "Kahit na, Eunice. Nakakasira ng emosyonal na aspeto ang pekeng pag-ibig." Dagdag niya.



Napatigil ako. "Have you already experienced that, hmm?" Ani ko.



Tinawanan niya lang ako. "Oo." Deritso niyang sagot.



"Tapos?" I asked.



"Anong tapos?" Aniya.



"I mean, anong nangyari? Naghiwalay kayo dahil?" Tugon ko.



"Ows, hindi na 'yon kailangan balikan pa." Sagot niya. Parang ayaw na niya balikan pa iyon.



"Tss. Bakit hindi? Share na'yan!" Pangungumbinse ko.



"That's a past already, Eunice. Dapat nang kalimutan." Aniya. Umismid lang ako dahil do'n.






Hindi na ako nangulit pa. Natapos ang pagkain namin. Siya na ang kumuha ng pinggan ko at inilagay sa kusina.




"Uuwi kana?" Tanong ko. Nandito kami sa labas. It's obvious already but I just want him to clarify it.




Tumawa siya. "Oo, Eunice. Maaga pa'ko bukas para magtrabaho. Salamat nga pala." Aniya.



"Maraming kuwarto dito sa loob, you can have it. Delikado na ngayong oras, Eros." Anyaya ko.




"Hindi ako pwede diyan sa bahay niyo, Eunice. At tsaka, mababait ang mga tao dito. Wala kabang tiwala sa kanila?" Aniya. Yumuko nalang ako. Hays.




"O-okay." Ani ko. Naglakad na ako papasok.




"Uh, Eunice." Nagsalita siya kaya natigil ako at lumingon.



"Y-yes?" Nauutal kong sabi. Inaantay ang sasabihin niya.




"Magandang gabi." Aniya kaya nagulat ako. Namula ang pisnge ko dahil do'n.



"S-sayo din. Goodnight." Iyon lang ang sinabi ko bago ko natagpuan ang sariling nakatalukbong sa aking kumot.




Gosh! I couldn't believe that "magandang gabi" from him will make my stomach agitated! Damn!




















Nagising ako dahil sa init ng sinag ng araw. Agad akong bumangon at nag-hilamos tsaka nag-ayos ng kaonti. Nagtungo ako sa baba at nando'n sina mama at papa.




"Oh anak, it's just 7 in the morning. Saan ka tutungo?" Iyon ang bungad ni mom sakin. Nakangiti akong kumuha ng tinapay.



"I'll just room around, mom. Sun is rising. It's a good sign to be productive!" Tugon ko.



Halos mailuwa ni dad ang iniinom niyang kape. "Productive what? Goodness!" Natatawa si papa.



"Ikaw ba talaga ang anak namin?" Tanong ni mama. Umismid ako.



"Dah! I'm productive already." Kahit ako ay natawa sa sinabi. Well, that's true.







Hindi kona pinalagpas pa at nagtungo ako sa labas. Mang Tonyo was there, as usual. Cutting and re-shaping.





Nagtungo ako sa ika-apat na kuwadra. Nando'n si Chong at Tassy sa kabilang bakod. Si Elyo ang bumungad sakin.





"Magandang umaga, Miss Eunice! Hinahanap niyo po ako?" Pauna niya kaya natawa ako.





"I'm just checking if the flowers were ready. Tsaka may hinahanap din akong bulaklak." Medyo may sense iyong sagot ko kaya alam kong makumumbinse siya doon.






"Ah ganun po ba? Mayro'n po ako do'n sa kabilang bakod!" Aniya. Nilingon ko iyong itinuro niya at nakita ko ang pipilang bulaklak na hindi ko alam ang ngalan.






"Ows? Sige!" Ani ko. Nauna siyang pumunta doon kaya sumunod ako. He pleaded me a two different flowers. Tinanggap ko 'yon.







"Absent ba si Eros ngayon?" Tanong ko. Inaamoy ko ang bango ng bulaklak.






"Nasa kubo si Eros ngayon. Natutulog pa ata." Sagot niya. Hindi ko siya nilingon ngunit alam kong nakatingin siya sakin.






"Bakit po Miss Eunice? May nagawa ba siyang masama sa inyo?" Aniya kaya natawa ako.





Umiling-iling ako. "Wala, elyo. May pinapagawa lang ako sa kaniya." Huminga ako ng hangin at ibinuga iyon. "Ah sige, puntahan ko lang siya baka tapos na'yon." I said. Tumango siya at hindi na nagtanong pa.







Medyo tirik na ang araw kaya imposibleng natutulog pa iyong si Eros. Baka may ginagawa? Lagi iyong busy eh kaya posibleng abala sa gawain. I wonder what's that?






Nang makatungo ako ay tumigil muna ako sa may pintuan. Nagdadalawang-isip ako kung kakatok ba o papasok ng deritso. Baka magalit siya? Or worst papalabasin ako kasi na-istorbo ko siya? Myghad!






All of my life I never do this to any boys I had flirt or hang for. Sadyang nako-curious ako kay Eros. He's so different. Ang hirap niyang i-solve. Ang hirap basahin ng mata niya. Parang may iba siyang tinatahak. Like a riddle I need to solve.






Siguro bubuksan ko nalang ang pinto? O hindi? Kasi parang nakakahiya naman! Hays. Ngayon paba ako dadalawin ng hiya? I've done a lot of stupidity before! Maybe I can handle this. Oh right! I'll open this. Pero pa'no kapag itanong niya kung bakit ko binuksan? Hmm, I must say, gusto lang kita makita matulog? Grr! Ang korni no'n. Halatang ini-stalk ko siya! Ah bahala na!





I opened the door. Pagkabukas ko ay nakita ko si Eros na nakalatag sa malaking higaan na gawa ng kahoy. Ngunit nagulat ako nang malaman kung sino ang kasama niya. Si daphne. Nakahawak ang babae sa dibdib ni Eros at nakagapos tila tinatali.






I felt unfamiliar sensation to my stomach. A burden sensation that delicating the entire me. Parang nagwawala ang kaninang nagtatalo kong isipan. Para akong nadulas sa daan. I cannot see any images at all. Dahil nabalot iyon ng itim na kalawakan. I closed my eyes. All right! I need to calm! Eros is with daphne. That's all. That's it!
































Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon