Mag-aral ka ng mabuti

235 8 3
                                    




Dalawang araw na ang lumipas simula noong dumalaw ang mga pinsan ko sa bahay. Nagtungo sila sa Davao at mamamasyal. Hindi ako sumama dahil may klase ako. They said, absent lang daw kahit two days. I rejected that idea. Mas mabuti pang dito sa mansion kesa gumala.




Nagtungo ako sa kusina. Nandoon si mom and dad busy reading something. Napalingon sila sakin.



"Max saying apology to you. Ano bang nangyari, anak?" Unang bungad sakin ni mama.



Umupo ako. "He's insulting our workers, mom. The usual max I've known ago." Ani ko. Kumuha ako ng isang pandesal.




"It's so sad. May nakarinig ba ng pang-iinsulto niya?" Ani mom.



Umiling ako. "Wala naman yata. Eros was on kitchen and others were on their works." Rason ko. But my head was not satisfied. Feeling ko may something, e.




"Pagsasabihan ko iyang si max, don't worry." Sambit ni mom. Tumango lang ako.





Natapos ang pagkain namin ay nagtungo ako sa hardin. Mamayang 10 pa ang pasok ko kaya may oras pako para maglakad-lakad.




Natanaw ko si Mang Tonyo na nagpipitas ng patay na dahon. Nang matanaw ako ay ngumiti siya.



"Nandoon sa ika-apat na kuwadra si Eros, hija." Aniya.


"Salamat po." Ani ko. Kahit alam kona iyon ay nagpasalamat parin ako.



Tinungo ko ang ika-apat na kuwadra. Nagtaka ako nang wala ang mang-gagawa doon. Naiwang bukas ang pintuan ng kubo. Agad akong nagtungo at nagulat nang makita si Eros lang ang nando'n. Naglalagay siya ng basang lupa sa lalagyan nito. Pagkuna'y inilalagay ang bulaklak.


"Bakit ikaw lang dito?" Bungad ko. Hindi na siya nagulat nang nandito ako sa kuwadra nila.



Tumigil siya sa ginagawa niya. "Inutusan ni Mrs Yuline." Sagot niya sa napapaos na boses. He's pointing about my mom.


Umupo ako sa balcony. Nasa harapan niya ako. Nakapang-baba ako ng kasuotan kaya hindi ako nag-abalang takpan ang hita ko.



"Eh ikaw? Hindi ka sumama?" Tanong ko ulit. My question was obvious. Sinilip ko ang mga bulaklak na nagawa niya. May gumamela at rosas. May iba pa na hindi kona alam ang tawag.



"Hindi, may ginagawa pa'ko." Sagot niya na hindi ako tinitingnan. I wonder Daphne was here too?



"Ows. Diba pagbubungkal ang naka-assign sayo? Why are you planting?" Hindi ko mapigilan ang kruryusidad.



This time, nilingon niya ako. Heto na naman ang nakakapaso niyang titig!



"Ako narin ang nagpatuloy. Bakit?" May halong iritasyon sa tono niya. Alam ko 'yon!



Lumapit ako sa kaniya. Nagulat siya doon. "Can I help?" Alok ko. Sa totoo lang, natatakot akong humawak sa lupa. It's already wet! Nakakadiri itong tingnan pero gusto kong subukan.



Napatawa siya nang marahan. Lumabas ang maputi niyang ngipin at adams apple.



"Hindi na, hindi ka marunong neto." Aniya at ibinalik ang mata sa ginagawa.



Bumuntong-hininga ako. "I'll just try, wala namang magagawa, e." I insisted.



Kinuha ko iyong lalagyan at kumuha ng basang lupa. Kahit malagkit, tiniis ko 'yon. Nilagay ko nang marahan ang bulaklak. Inayos ko ito ngunit nalaglag ang lupa. Rinig kong tinawanan niya ako.




"I told you. Hindi ka marunong niyan. Akin na." Aniya at kinuha ang bulaklak saking kamay. Nahagip ng kamay niya ang kamay ko. Naramdaman ko agad ang init doon. Bakit kasi ang init niya? Is that his body or just his presence? Grr!





"Huwag na! Kaya ko naman, e. Nalaglag lang talaga ka." Binawi ko ang bulaklak at tsaka kumuha ulit ng basang lupa. Kita kong tinititigan niya ako ngunit hindi ako lumingon.




"Done! Oh diba sabi sayo marunong ako!" Proud na proud kong sabi. Tiningnan ko siya. Nagpipigil siya ng tawa.




"At bakit, aber?" Pinanliitan ko siya ng tingin.




"Hindi 'yan ang tamang postura ng bulaklak, Eunice. Dapat ay magkapantay sila ng lupa." Natawa ulit siya sakin.





Huwat?! Grr! Pinagpawisan ako dito tapos mali pala. Kainis!



Inulit ko ulit. Paulit-ulit ako at halos maubos kona ang basang lupa sa palanggana. Lagi rin siyang tumatawa sakin.




"May tanong ako sayo, Eros." Ani ko at tumigil sa paglalagay ng lupa.



Tumingin siya sakin. "Ano 'yon?" Aniya.



"Hmm, about my cousins. Narinig moba iyong pinagsasabi nila tungkol —"



"Oo." Maikli niyang sambit. Naging seryoso ang mukha niya ngayon.



Damn! Narinig niya pala 'yon? Myghad! Nakakahiya!




"S-sorry. H-hindi naman niya sinadyang sabihin 'yon —"



"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi naman ikaw gumawa noon." Deritso niya. Seryoso niya akong tinititigan.




"Pinagalitan ko naman siya after that, Eros! D-don't worry. Alam narin ni mom and dad 'yon kaya pinagalitan din nila." Nagmumukha akong guilty nito ngunit ayokong maramdaman niyang wala akong pake doon.




Tumigil siya sa ginagawa. "Heto ang rason kung bakit magkalayo ang mayaman sa mahirap, Eunice. Para sa inyo, madaling magsalita ng masama at kantsawan kami. Kasi mayaman kayo. Marami kayong pera. Hindi niyo nararamdaman ang pakiramdam na malait. Diba?"





Nagulat ako do'n. He was right. Max is rich just like us. Kaya madaling sabihin 'yon ni max. Ngunit hindi nagkakahulugan na pareho kami! I know how to respect then!




"B-but hindi masama ang amoy mo, Eros. You are so manly that time. Napakabango mo nung oras na'yon. Kaya imposible ang binibintang niya!" Tugon ko.




"Alam ko, ngunit magkaiba kayo ng pang-amoy at lasa, Eunice. Hindi ibigsabihin na gusto mo ang amoy ko ay gusto nya rin." He corrected me. Nanliit ako sa sarili ko.





"B-but trust me, napakabango mo. Siguro nasabi niya 'yon dahil naiinggit siya sayo kasi mas gwapo ka kesa sa kaniya." Ani ko. Doon ko lang napagtanto ang pinagsasabi ko. Parang pinapamukha ko sa kaniya na gwapo siya. Iyon naman talaga ang totoo.





Hindi siya kumibo pagkatapos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sana pala ay hindi kona sinabi 'yon! Damn! Nakakahiya! Baka isipin ni Eros na may gusto ako sa kaniya! Grr!




Tumayo na siya kaya tumayo narin ako. Hindi naubos ang basang lupa, ang iba ay nagkalat sa baba na siyang kagagawan ko.





"Hindi kapa ba maliligo? Alas nuwebe na." Aniya. Nang tingnan ko ang orasan sa taas ay 9:05 na. I need to go!




"D-dito kalang ba?" Tanong ko.




Tiningnan niya ako. "Hindi. Pupunta ako sa mansion dahil aayusin ko ang gulong ng kotse." Sagot niya.



Pumikit ako ng marahan. "A-alis nako." Paalam ko.



Tiningnan niya lang ako gamit ang mapupungay niyang mata.




"Mag-aral ka ng mabuti." Iyon ang sabi niya. Namula ang pisnge ko dahil do'n. Damn!




"Oo naman." Iyon ang sagot ko at hindi na hinintay pa ang response niya ay umalis nako. Natatakot ako na baka makita niya ang namumula kong pisnge.







Urgh! Bakit ako namumula?!













Fire and Affectionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن