Handang-handa ako.

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit ako. "Oo naman. Ano ba 'yon?" naglakad ako papunta sa loob kung nasa'n siya. Umupo siya sa couch.




Deritso ang tingin niya sakin. "Huwag ka sanang magagalit, Miss Eunice." huminga siya. What? Anong meron?




Hindi ako kumibo. Hinintay ko ang sasabihin niya.





"Si nanay at tatay," simula niya. "Nalaman nila ang tungkol sa inyo. Nakita nila ang dugo doon mismo sa couch. Kung saan may nangyari sa inyo ni Eros." dagdag nito.





Nagulat ako. Nanatili ang mata kong nakadilat. Oo nga pala! Masyado kaming maingay kahapon! Walang duda na maririnig 'yon! Damn! We're so careless! Shit! Pa'no na'to?





Tumayo ako. "I-ibigsabihin, alam mo narin ang tungkol samin, nathalie?" hindi ko maiwasang matanong 'yon.





"Oo naman. Sa titig palang ni Eros sa'yo, alam kong may namumuo na." sagot niya.





"Pero wala akong balak na agawin siya sa'yo nathalie —"





"H-hindi naman po 'yon ang pinupunto ko. Sa katunayan, wala akong nararamdaman sa kaniya. Iyon ang totoo. Tulad ni Eros, nahihirapan din ako. May iba akong gusto, Miss Eunice. Ngunit kahit anong pilit ko, walang makakapigil sa gusto ng magulang niya."






Halos habol ko ang aking hininga. Hindi ko maproseso ang lahat-lahat. Ang alam ko lang ay hindi gusto ni nathalie si Eros. Iyon ang importante!





Tumayo rin siya. Lumapit sa akin.





"Pupunta dito sina nanay at tatay. Kakausapin kayo ni Eros." aniya sa napakalungkot na boses.




Yumuko ako. I don't know what to do next. Uuwi ba'ko? O ipaglalaban si Eros? Hindi ko naman alam na ganito kahirap bawiin si Eros! All I ever thought was to go here and bring him back to mansion. Hindi ko alam na ganito ang hahantungan ko. Ganito kahirap.

















Lumabas ako. Sa sala ay nando'n si Eros at ang magulang niya. Kita ko ang pamumula ng mata ng nanay niya. Samantalang nagkukuyom ang kamao ng tatay.





Nagsitinginan sila paglapit ko. Hawak ko ang aking hininga. I can't breathe while their eyes were rooming to mine!





Hindi ako lumapit kay Eros ngunit nagulat ako nang tumabi siya sakin. Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi niya ba alam na galit ang magulang niya!






Tumikhim ang nanay niya. "Alam mo ba hija na may nakita akong dugo sa couch kahapon?" simula niya na siyang ikinabigla ko. Kahit mahina ang pagkakasabing iyon ay nakapagpabigla sa loob ko.






Umiling ako. "H-hindi po —"





"Alam ko! May namamagitan sa inyong dalawa!" nagulantang ako nang putulin niya ang sasabihin ko.




Nanatili akong nakayuko samantalang nasa baywang ko ang braso ni Eros. Dahil doon ay nababawasan ang takot ko.





"Kailan ka naging ganito ka-desperada, hija?" dagdag niya.





"Ma! Tama na!" pagpapatigil ni Eros. Deritso ang tingin niya sa kaniyang inay.




"Tama na? Nahihibang kaba Eros, anak? May asawa kana!" sigaw nito. Nagpipigil siya ng galit.





"Magiging asawa palang, ma. Hindi asawa." he corrected ngunit sa mababang boses. I understand him. Ayaw niyang makasalita ng masama sa inay.





"Kahit na! Sa linggo ay ikakasal na kayo! Tapos ganito ang makikita ko?" puno ng dismaya sa boses na iyon. Hindi ko mapigilang mapahagulhol.





"Ano? Magsalita ka, Eunice! Huwag kang umiyak na parang ikaw 'yong naabuso!" nagulat ako sa sigaw niya. Nilingon ko siya. Ang mata ko ay hindi mapigil-pigil sa pag-iyak.






"Mahal ko po ang anak ninyo —"





Hindi ito natuloy nang dumampi sa pisnge ko ang magaspang niyang kamay. Napahawak ako do'n. Shit! Sobrang hapdi!





"Ma! Ano ba!" singhal ni Eros at humarap sakin. He tried to reach my face.





"Okay kalang ba? Tara alis na tayo dito." aniya. Umiling ako.





Ayaw kong isipin ng magulang niya na mahina ako para hindi ipaglaban ang anak niya. I love Eros and I will fight for us!





"Pwedeng-pwede niyo po akong sampalin hanggang sa magsawa ho kayo. Pero hinding-hindi ako uuwi hangga't hindi babalik si Eros sakin. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. At handa akong ipaglaban ang mayroon samin. Handa ako. Handang-handa ako." sabi ko.





Oo, handa akong ipaglaban ang mayroon kami ni Eros. At handa akong pagbayaran ang lahat. Hindi sampal ang magiging balakid samin ni Eros. Hindi ito.










Fire and AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon