4- Cuatro

4.8K 156 1
                                    

----------------

Ilang araw na simula ng makakilala ko sina Sophia at Ellis yung sa 7/11.

Makalipas ang ilang araw nayon ay nag iba ang pakikitungo ng mga kapit bahay ko sakin. Kung dati ay tinatawag nila akong Unlucky ngayon ay tinatawag na nila ako sa pangalan ko dahil may kumakalat na balita na girlfriend ko daw si Sophia at baka sa susunod na araw ay wala nako dito sa baryong ito.

Kapag naririnig ko ang mga kapit bahay ko napapatampa nalang ako sa noo ko dahil ako ang nahihiya sa mga sinasabi nila.

Nahihiya ako dahil baka malaman ito ni Sophia at baka akalain niyang nagpakalat ako ng maling balita sa kabutihang ginawa niya.

"Oy Lucky!" Sigaw ni Elena.

Nandito kami ngayon sa mall dahil gusto niya daw manood ng beauty pageant dahil nandito daw kasi ang idol niyang si Everlyn Juliet bayon, ewan ko kung sino siya pero idol daw siya ng kaibigan ko.

"Ano nga ulit ang gagawin natin dito maliban sa pamboboso mo sa mga contestant na kasali sa pageant nato?" Tanong ko sakanya.

Naghahanap siya ng upuan kung saan malapit daw sa mga hurado dahil baka daw mapansin siya ng idolo niya na si Everlyn daw..

"Grabe ka naman bestfriend mamboso talaga? Hindi ko ugali yon no, may girlfriend ako kaya sakanya lang ang mga mata ko" tinignan ko naman siya ng walang emosyon.

"Teka mamaya muna nako sungitan pwde" sabay hila niya sakin sa bakanteng upuan.

Umupo na siya habang ako naman nakatayo padin kaya hinila niya ako bigla at napaupo naman ako Tang*na nito pwde naman niyang sabihin na uupo na pala nanghila pa.

Binigyan ko siya ng isang sapok sa ulo at napa aray naman at hinimas ang parteng sinapok ko.

"Napaka sadista mo talaga kahit kailan Alexander" Angal niya sakin at yung unang pangalan ko pa talaga ang ginamit niya.

Bibigyan ko pa sana siya ng isa pang kotong kaya lang umiwas siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Ito naman hindi na mabiro hehe, siya nga pala pagkatapos nito ililibre kita ng makakain natin"

"Aba dapat lang, pagkatapos mokong hilahin dito sa mall at paghintayin ng pagkatagal tagal dahil sobrang aga nating pumunta at bawal pa palang pumasok dahil alas dyes palang nagbubukas ang mall nato, sa susunod talaga ay hindi mo nako mahihila pa punta sa walang kwentang bagay nato" banta ko sakanya.

"Hala bestfriend grabe ka naman sa walang kwentang bagay" sabay pout niya.

" may kwenta tong ipinunta natin bestfriend dahil nandito ang nag iisang Everlyn Juliet Farella, alam mo bang isa siya sa mga sikat na modelo dito sa bansa at sa buong mundo, kung hindi mo naitatanong nanalo din siya noong nakaraang linggo sa Ms,Goddess sa italia, ITALY yon bestfriend ha, ITALY!!"

"Aray nakakarami kana ah" daing niya. Oa masyado

"Oa kana kasi alam mo yon" walang gana kong turan.

"Excited lang kasi ako, alam mo yon yung pinag samang kaba at saya, dahil unang una tinanggap niya ang pagiging hurado at dito pa talaga sa Mall na malapit satin, napakalaking pagkakataon to para makita siya, hindi biro ang pinagdadanan naming mga fans niya para lang makita siya, kaya dapat hindi namin yon pinapalampas" pagkukwento niya at umayos ng upo.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt