19-Diecinueve

4.1K 140 10
                                    

Third Person POV

Habang nag eenjoy ang lahat sa dagat si Lucky naman ay naiwan lang sa dalampasingan habang naghihintay este natutulog, ayaw niyang mag-paaraw dahil masyadong sensitibo ang balat niya sa sikat ng araw.

Mabilis kasi siyang mamula kapag masyadong natapat sa araw kaya as long as possible ay may masisilungan ang pinagtatrabahuhan niya noon o dinaman kaya ay may proteksyon siya laban sa aras


Sobrang init kasi ngayon dahil nalalapit na ang summer palagi naman palang mainit sa pinas dahil all day is a sunny day haha.

"Huuuu ang sarap talaga ng tubig sa dagat!" Sigaw ni Sophia.

Magkakasama sila ngayong naliligo sa dagat mga nag gagandahan at nag sesexyhang babae na halos lahat ng paningin ay nakatingin sakanila, hindi nila alam na nakakaagaw na sila ng atensyon lalu na ng mga lalake


"Bakit ininom mo?" Birong tanong ni Lexi.


"Yuck why so gross ate Lexi!" Sigaw niya kay Lexi at winisikan ng tubig kaya sila ngayon ay nagrambol rambol na sa pagbabasaan.

Kabi-kabilang tawanan at halak hakan lamang ang maririnig sa kinaroroonan nila, para silang mga dalagang bumalik sa pagkabata kung kailan tanging kasiyahan lang ang kanilang iniintindi at hindi ang sasabihin ng iba.

"Wait, pupuntahan ko lang si charles ang sabi niya susunod siya pero hanggang ngayon wala parin" Paalam ni Eve sa mga kasamahan niya, isa isa naman silang tumango bilang sagot at tuluyan ng bumalik si Eve sa dalampasigan kung saan sila kanina.


"Waahh! Ate Lexi baka malunod ako!" Tili ni Sophia ng buhatin siya ni Lexi at dinala sa malalim na parte ng dagat.


"Wahaha hindi ka malulunod akong bahala sayo" Halakhak ni Lexi habang patuloy na lumalakad papunta sa malalim na parte si Sophia naman ay walang sawang nagpupumiglas.


"Kapag ako nalunod isusumbong kita kay mommy!" Muling sigaw niya.


"Haha wag kang mag-alala sasamahan pakita" Tawa ni Lexi, napailing nalang si Eve sa nakikita niya habang patuloy parin ang paglalakad patungong dalampasigan.

Makikita dito ang pino at puting buhangin na karamihang hinahanap ng bawat turistang lumalabas ng kanilang bansa para lang makaranas ng hindi malilimutang experience at magandang tanawin


Inilibot ni Eve ang kanyang paningin pero hindi niya mahanap ang kanyang kasintahan "Ugh Charles where are you" Iritang turan niya
Natanaw niya sa dikalayuan si Lucky kaya lumapit siya rito, plano niyang magtanong kung nasan napunta ang boyfriend niya, nagbabakasakali na alam ni Lucky ang sagot dahil silang dalawa lang naman ang naiwan dito kanina

"Hey" Tawag niya ng makalapit na ito pero wala siyang natanggap na sagot.


"Heyyy" Muli niyang tawag pero mas malakas na ng konti, ngunit wala paring sagot na nagmumula sa taong kinakausap niya.


Tinignan niya ito ng malapitan at doon niya nakita na natutulog pala ito "seriously pumunta kami sa dagat para maligo hindi para matulog" bulalas niya sa sarili niya kaya nakaisip siya ng ideya na talaga namang hindi maganda
Sakto naman na may dumaang lalake na nagdadala ng tray na may lamang mga alak "Hey can i have one please"

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon