33-Treinta y treś

2.6K 106 7
                                    

Lucky

Gabing gabi na at nasa labas parin kami ng hotel nagkayayaan kasi silang mag bar noong una ayaw pang pumayag ni Ms,Eve pero napapayag din siya ng kaibigan niyang si Ms,Lexi kasama ngarin pala namin ang boyfriend niya na si Charles

"Teka saan ba tayo? Kanina pa tayo naglalakad wala paring bar na bumubungad satin dito, ang sakit na ng paako kakalakad" Reklamo ni Ms,Eve kaya inalalayan na siya ng boyfriend niya, hinapit siya nito sa bewang at naglakad na ulit sila kasi ang nahuhuli samin dahil kanina pa siya nagrereklamo na masakit na daw ang mga paa niya

Masakit din naman ang mga paa namin pero hindi naman kami nagreklamo, sa apat na magkakapatid na ito siya ang pinaka reklamadora, kung alam lang to ni Elena hindi niya na siguradong hahangaan ang taong ito

"Julieta relax malapit na tayo kaya wag ka ng magreklamo pa. Oh ayun na pala eh bilissss!" Excited na sabi ni Ms,Ellis at tumakbo na palapit sa isang bar

Marami rin palang bar dito hindi lang isa tingin ko dito lahat nakapwesto ang mga bar kaya ni isa sa mga dinaanan namin ay wala kaming nakita.

"Ugh finally" Daing ni Ms,Eve ng makaupo na siya sa upuan na gawa sa kawayan, ang lakas talaga ng dating ng mga bar kapag nasa dagat ang sarap pa ng simoy ng hangin

Hindi kasi ito ang tipikal na bar na makikita mo sa malalaking syudad itong bar nila ay nasa labas ang mga lamesa at upuan habang ang kung saan naman yung mga alak may iksatong sukat lang ng Stall para doon mo kuhanin ang gusto mong inumin, sana naintindihan niyo ang gusto kong iparating.

"Anong sayo?" Tanong sakin ni Sophia siya ang katabi ko sa may upuan mahaba kasi ang upuan sa may bandang dulo ako at siya naman ang nasa tabi ko habang sa kabila namang upuan nandon si Ms,Eve kasama si Charles at si Ms,Violet na katabi ni Ms,Ellis

"Ahm.hindi ako umiinom eh" sagot ko, hindi ko naman rin kasi alam kung anong klase ng alak ang meron dito sigurado akong walang san mig light o red hourse dito halata namang pangmayaman ang bar nato kahit simple lang

"Ano laba ngayon lang naman eh, sige ako nalang bahala sa inumin mo" Sabi niya at sabay sabay na sila umalis. Ako si Ms,Violet, Ms,Eve at si charles nalang ang naiwan dito kasama ko

Ang ingay ng mga katabi naming lamesa pero itong mga kasama ko sobrang tahimik, iginala ko nalang ang paningin ko at nakita ko na napakarami din palang tao ang nandon karamihan ay mga foreigners dahi halata sa mga kulay ng kanilang mga balat. Hindi naglaon ay dumating narin sila dala ang mga alak. Ang dami naman yata

"Ito na!" Malakas na sigaw ni Ms,Ellis na nagkuha ng atensyon ng ibang mga tao dito

"Ano bayan Antonia ang bunganga mo naman ang ingay!" Sigaw sakanya ni Ms,Eve

"Hehe sorry po" Sagot niya naman at umarte na parang si Kathryn bernardo sa got to believe in magic na palabas nila noon

"Ito sayo oh" Sabay abot sakin ni Sophia ng isang bote

"Wag kang mag-alala mahina langyan haha" Sabi niya kaya tinanggap ko nalang. Nag umpisa na silang mag inuman at nagkaron narin ng malakas na musica sa kinaroroonan namin mukang may mga tama narin ang mga kasama namin maliban nalang samin nina charles at Ms,Violet

Kanina pa siya umiinom pero parang wala manlang epekto sakanya ang alak. Ang lakas naman nitong babaeng to

"Woah yeahh, halika sayaw tayo" Aya sakin ni Sophia at hinila ako patayo sumama nalang ako sakanya baka magalit pa eh mulang may tama na pa naman. Tumayo din ang mga kasama namin at pumunta sa mga taong nagsasayawan nakita ko namang naiwan don si Ms,Violet at tinitignan lang kami palayo. Sumali kami sa mga nagkukumpulang taong sumasayaw at nakisayaw narin noong una ayaw ko pang sumayaw pero pinipilit ako ni Sophia kaya napasayaw nako

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon