3-Tres

7K 195 17
                                    

Lucky POV

"Lucky tol! San punta natin?" Tanong ng kaibigan kong si Elena ng magkasalubong kami sa may kalsada

"Plano ko sanang mamasyal ngayon tutal linggo naman kaya mag sisimba muna kami ni Uno at igagala ko narin siya sa mall"

"Aba! Ayos ah, first time mo yatang hindi magtrabaho ng linggo" aniya ng may pagtataka

"Ngayon lang to wag ka ngang masyadong OA diyan, ilang buwan narin akong hindi nakakapagsimba at isa pa masama bang mag pahinga muna kahit isang araw lang?"

Namimiss ko narin kasi ang mga kasamahan ko sa church ilang buwan narin ng mawala ako.

"Sabi ko nga eh" sabay kamot niya sa ulo

"Palibhasa ikaw hindi ka marunong mag simba, baka nga pagtungtong mo palang ng simbahan masunog kana" Ngisi ko sakanya.

"Wow grabe ka naman sakin marunong akong mag simba at nung tumapak ako hindi ako nasunog baka ikaw ang masunog mamaya kapag pumasok kana ng simbahan haha" Aba gago.

Binatukan ko siya "Tigil tigilan moko diyan Elena, masasapak na talaga kita" bigla naman umasim ang mukha niya sa pagbangit ko ng pangalan niya.

“Gantihan lang to whaha”

"Yuck! Tol naman san mo napulot yang Elena nayan, my ghad Eloi ang pangalan ko Eloi hindi Elena my gosh nakakasira ka ng araw"

"Gaga hanggat yon ang nakalagay sa birth certificate mo yun ang itatawag ko sayo!" dila ko rito

"Duh whatever, mauuna nako may date pa kami ni mylabs" at naglakad na nga ito paalis.  Siraulo talaga.

-----------

"Ang tagal naman ng jeep anong oras na baka hindi ko na maabutan ang first mass" Daing ko.

Sakto naman na may dumaan na jeep kaya agad akong sumakay.

"Ang cute naman ng batang to, anak mo?" Tanong ng katabi ko sa jeep.

"Ah hindi po, kapatid ko po" napa Ah naman siya at hindi na nagsalita
Pagkababa namin ng jeep ay agad nakong nagtungo sa church namin.

Kumaway sakin ang mga babae kong kasamahan noon kaya kinawayan korin sila baka akalain nila snob ako.

Pagkatapos ng misa nakipag kumustahan ang mga kasamahan ko noon at ng matapos kami ay sumakay nako ng jeep diretso ng mall.

Hayy..ang init. Pagdating namin ng mall ay agad nakong pumasok.

"Excited kanaba ba, medyo malamig dito buti nalang at sinuotan kita ng pantalon at longsleeve galing talaga ni ate" Akala mo naman talaga naiintindihan ako eh no.

Masaya ako dahil naisipan ko ulit lumabas kasama ang kapatid ko, ilang buwan narin simula ng huli kaming mamasyal at ilang buwan palang siya non kaya medyo ingat na ingat pako sa pagdadalhan ko sakanya dahil baka maipit siya o kung ano man.

Naalala ko kailangan ko narin palang bumili ng gatas at diaper niya. Hmm.. siguro mamaya nalang pagkatapos naming mamasyal

Naglakad lakad lang muna kaming dalawa ni Uno window shopping yata ang tawag ng iba, hindi ako sure eh, mahina kasi ako sa ingles hanggang high school lang ako hindi panga ako nakagraduate ng high school dahil hindi pinalad na makakuha ng puwesto para sa mga scholars, kaya wala akong nagawa kundi tumigil at magtrabaho.

Ngunit kung bibigyan ako ulit ng pagkakataon mag-aaral ako ulit, siguro kapag lumaki na ng konti si Uno, sa ngayon ay mag iipon muna ako para sapat sa pag-aaral ko.

Nakakita ako ng pambatang damit kaya pumasok ako don, binati ako ng sales lady nginitian ko naman siya para respeto nadin kesa magpanggap na walang narinig Dumiretso kami sa may lugar kung saan 1-3 yrs old ang damit. Nagtingin tingin muna ako at may nakita akong magandang style ng damit para kay Uno.

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Where stories live. Discover now