47

2.9K 100 2
                                    

Lucky

Halos umikot ang sikmura ko sa roller coaster na sinakyan namin nina Ellis nagpaiwan si Eve sa tapat ng may carousel kung saan nakasakay si maam pinckey kaya hindi namin siya kasama. Konti nalang masusuka nako

"Here" sabay abot ni Ms,Violet ng bote ng mineral water

"Salamat" sagot ko at ininom na ito. Mukang kailangan ko yatang magbanyo

"Cr muna po ako" paalam ko sakanilang dalawa at naghanap na ng banyo. Asan ba ang banyo dito?

"Ate pwde magtanong?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko

"Ano yon?" Tanong niya

"Saan po ang banyo dito?" Tanong ko

"Ah banyo, diretso kalang tapos andon na sa dulo yung banyo" sagot niya

"Ah sige po salamat" pasasalamat ko at naglakad na. Ayun sawakay nakita ko rin! Tuloy tuloy akong pumasok sa isang cubicle na walang laman at inilabas ang kanina pa gustong lumabas

"Gurl nakita ko si Everlyn kanina sa tapat ng carousel" rinig kong tinig ng isang babae

"Talaga nagpapicture kaba?" Rinig kong tanong ng kasama niya

"Oo ito nga oh" rinig kong sabi nung kanina

"Wow bongga ka teh may picture kana ni Everlyn" sabi ng kasama niya

"Talaga ipapakita ko to kay ate para mainggit siya haha" nakitawa naman ang kaibigan niya

"Sana andito din ang mga kapatid niya para makapagpapicture din tayo" rinig kong sabi ng kasama niya at ng mawala na ang boses nila ay lumabas nako ng cubicle.

Naghugas ako ng kamay at tumingin sa salamin nakita kong nakasara ang ilang cubicle naalala ko tuloy noong aksidente naming nakita ni Elena si Ms,Eve nakakahiya yon sakin dahil may nasabi akong hindi maganda sakanya pero buti nalang hindi siya tumutol noong kinuha akong driver ni maam pinckey

Lumabas nako ng banyo at bumalik sa kung saan kami nakaupo kanina pero wala na sila don baka kasama na sila ni Ms,Eve aalis na sana ako ng may nakita akong isang maliit na stall na may nakasabit na mga bracelet, meron palang ganto dito. Lumapit ako sa stall at tumingin sa mga bracelet

"May gusto kaba diyan" napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalang lumitaw ang isang may katandaang babae

"Nakakagulat naman kayo nanay" Sabi ko

"Haha pasensiya kana bata ginugulat ko talaga lahat ng mga customer ko" paghingi niya ng pasensiya pero tumatawa parin

"Para kanino mo ba ibibigay?" Tanong niya sakin. Para kanino nga ba?

"Hindi ko po alam eh" sagot ko. Nagulat naman ako ng paluin niya ako ng baston niya. Kailan pa siya nagkaron non?

"Aray ko naman nay ang sakit niyo namang mamalo" daing ko

"Abay bata ka pupunta punta ka dito tapos sasabihin mo saking hindi mo alam kung kanino mo ibibigay, naka drugs kaba?" Tanong niya

"Iba din tama niyo nay no, kayo ba ilang medyas ng aso ang nasinghot niya?" Tanong ko sakanya nakatanggap nanaman ako ng palo sa ulo

"Aray! ko naman nay baka naman tuluyan nakong mawalan ng utak niyan sa ginagawa niyo" daing ko sakanya

"Wag kang mag-alala wala ng mawawala sayo dahil wala ka non haha" iba din tong mang asar eh, kapag ako hindi nakapagtimpi papatulan ko na tong si nanay

"Aray! naman nay para saan nanaman ba yon?" Pinalo nanaman ako

"Ang bagal mo kasing sumagot na bata ka, sa susunod wag ka munang gagamit kung lalabas ka" aniya. Ang lakas talagang mang-asar nitong si nanay

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Where stories live. Discover now