55

4.2K 111 12
                                    

Lucky

"Kumusta na kayo ng kapatid ko" nagulat ako ng biglang sumulpot si Eve sa tabi ko. Naisipan kung magpahangin muna dito sa garden nila ang ganda kasing pagmasdan ng mga bulaklak na nakatanim dito. Naalala ko ang mga panahon na kasama ko sina inay at itay

"Anong ibig mong sabihin Eve?" Takang tanong ko. Tinignan niya naman ako ng nakataas ang kilay

"Tss.wag ka ng magkaila pa alam kung may sinabi ka sakanya kaya mo siya niyayang lumabas noong nakaraang gabi, siya na ang pinili mo hindi ba?" Nakatingin parin siya sakin ng diretso

"Nagkakamali ka don kung yon ang tingin mo" balik tingin ko ulit sa mga bulaklak

"Ibig sabihin lang nito ay---

Pinutol ko na siya "Tama ka inamin ko sakanya na hindi siya ang pinili ko at hindi ko siya pwdeng piliin dahil wala akong nararamdaman sakanya" natahimik naman siya kaya tanging tumog nalang ng mga ibon ang maririnig sa paligid

"Si Ellis ba?" Basag niya sa katahimikan namin nagtaka naman ako dahil binanggit niya ang pangalan ni Ellis

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Ellis ba ang dahilan kaya hindi mo pinili si Sophia, kaya hindi mo siya kayang mahalin dahil si Ellis ang pinili mo sa aming tatlo?" Makabuluhang tanong nito

Umiling ako "Hindi, dahil wala ni isa man sainyo ang nakapag patibok nito" sabay turo ko sa puso ko "masaya ako kapag kasama ko kayo yun ang totoo pero pilit kung hinahanap ang isang bagay na hindi ko maramdaman ang sinasabi nilang spark, alam ko hindi na uso yon pero naniniwala ako don simula noong bata pa ako, naniniwala ako na kapag nakita muna ang taong hinahanap mo ay babagal ang takbo ng mundo at makakaramdam ka ng kakaiba kapag aksidenteng nagdikit ang mga balat niyo, patawarin niyo sana ako dahil hinayaan kong mahulog pa ang loob niyo sakin bago ko sabihin kung ano ba talaga ang nilalaman ng puso ko, kung noon ko palang sana sinabi na wala akong pipiliin ay hindi na sana umabot sa ganito hindi ko na sana nasaktan pa ang mga damdamin niyo lalu na si Sophia"

Kung mabilis lang sana ang proseso sa mga bagay bagay ay nasabi ko na sakanila na wala palang pag-asa na mahalin ko sila, para hindi nalang aabot sa sakitan ang lahat

"Tss.its not your fault na wala kang nagustuhan ni isa man samin baka may taong para talaga sayo at may taong para din samin at hindi mo naman kasalanan na maipit ka saming tatlo kasalanan namin yon dahil hinayaan namin na mahulog kami sayo kaya ka nadamay, wag kang mag-alala ako ng bahala sa kapatid ko sisiguraduhin kung makakalimutan ka niya"

"Salamat sa lahat ayoko rin naman na makulong si Sophia sa sakit ng dahil sakin at sorry din dahil masasaktan ko pa si Ellis kapag umamin nako sakanya at sorry din dahil nasaktan ko din ang damdamin mo" totoong na sasaktan ako ngayon dahil nasaktan ko silang lahat, mukha akong makasarili dahil hindi ko manlang sinubukang mahalin ang kahit isa manlang sakanila pero husgahan man ako ng iba ay masasabi kong sinubukan ko lahat ng paraan pero hanggang doon lang talaga ang kaya kung ibigay, dahil may nagmamay-ari na ng puso ko at hindi din pwdeng maging kami dahil magiging kumplikado lang ang lahat

"Tss. Wag kang humingi ng tawad samin pwde ginusto namin to kaya kaya namin itong lampasan ngayon pa na buong buo na ulit kami at isa ka sa dahilan kung bakit naging maayos ulit ang samahan namin, ako ang dapat mag sorry sayo dahil pinahirapan ka naming magkakapatid at salamat dahil dumating ka sa buhay namin" niyakap ko siya ng hindi niya inaasahan pero naramdaman kong yumakap din siya sakin.

"Salamat Ms,Eve" muli ko siyang tinawag sa dati kong tawag sakanya dahil gusto kong maging pormal ulit ang samahan namin bago umalis, yung walang sakit na isasama sa pag-alis ko at wala ring sakit na maiiwan

"Kilala ko ba kung sino siya?" Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Kaya tumango ko bilang sagot, alam kong siya ang taong makakaintindi sakin dahil noon pa man siya na ang taong prumuprotekta sakanilang lahat

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Where stories live. Discover now