48

2.9K 101 6
                                    

Lucky

"Bestfriend!" Sigaw ng kaibigan kong si Elena sa labas ng bahay namin. Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang isang malaking truck

"Oh ano yan?" Tanong ko sakanya

"Yung catering daw" sagot niya "susyal naman niyan may pa tables skirting pa haha, yaman talaga ng mga manliligaw mo"

Nakatikim siya ng batok sakin "gago tigil tigilan moko diyan ah"

Mabuti nalang at nakapag-paalam ako sa barangay na isasara muna namin ang daan sa harapan ng bahay mabuti nalang talaga at pumayag sila. Pumasok ako sa loob ng bahay at inayusan na ang kapatid ko isinuot ko sakanya ang bili ni maam pinckey

"Wow ang pogi naman ni tabachoy" bungad ni Elena ng pumasok siya sa kwarto

"Ikaw na munang bahala sakanya ha, maliligo lang muna ako" bilin ko sakanya

"Sige bestfriend para fresh na fresh ka pagdating ng mga magaganda mong manliligaw haha" binato ko naman siya ng diaper ni uno

"Yuck! Pwe pwe! Bestfriend naman ang baboy mo!" Rinig kong sigaw niya ng makalabas ako ng kwarto. Dumiretso nako sa bayo at naligo, naghilod ako ng mabuti at nag toothbrush ng ilang ulit siguradong mahahagard ako mamaya sa dami ng mga tao, halata naman na maraming inimbitahan itong bestfriend ko, sa laki ba naman ng bunganga nito siguradong inimbitahan niya pati kabilang barangay. Lumabas nako ng banyo at dumiretso sa kwarto.

Wala na si Elena dito malamang inilabas niya narin si uno kaya mabilis akong nagbihis, nakapantalon ako at nakacheckered na longsleeve na tinupi ko hanggang siko, inayos ko din ang buhok ko pero parang ang pangit tignan ng buhok ko kaya ginulo ko ulit, ilang minuto ko ding inayos ang buhok ko bago ko nakuha ang gusto kong ayos. Lumabas ako ng bahay at nakita kong ready na lahat mga tao nalang ang kulang. Naka ready na ang pabitin para sa mga bata andito narin ang mga clown pati narin ang inarkila kong videoke.

"Hmm.ano pabang kulang?"

"Yung mga manliligaw mo" biglang litaw ni Elena sa tabi ko

"Ano?"

"Sabi ko yung mga manliligaw mo andiyan na" sabay nguso niya sa di kalayuan kung saan ang sasakyan ni Sophia

"Ayan na sila humanda kanang humaba pa lalo ang buhok haha" nang-asar pa talaga

"Asan si uno?" Tanong ko sakanya

"Ayun oh nasa girlfriend ko" sabay nguso niya kay Isabella na nakaupo sa isang upuan at karga karga si uno.

"Ang ganda ni Isabella ah"

"Maganda talaga ang girlfriend ko bestfriend kaya wag mo ng tignan, may Farella sister kana nga gusto mo pa yatang pati girlfriend ko mafall sayo" binatukan ko naman siya sa iniisip niya

"Teka wala yata si Ms,Violet" tumingin naman ako sa magkakapatid at wala nga don si Ms,Violet

"Awe importanteng araw to sayo dahil birthday ng kapatid mo pero wala siya, tingin ko bestfriend walang gusto sayo si Ms,Violet, pero okay lang yan may tatlo kana naman eh haha"

"Gago tumahimik ka diyan baka marinig ka nila" sita ko sakanya

"Hello" sabay sabay nilang bati samin

"Hello mga idol sino hanap niyo?" Tanong naman ni Elena

"Edi yung may birthday" sagot ni Soph

"Ah si uno pala ayun oh kasama ni Isabella, sige doon muna kayo ha puntahan nalang namin kayo don" sabi ni Elena na halatang pinagtatabuyan sina Ms,Eve. Umalis na sila at pumunta sa kinaroroonan ni Isabella

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt