30-Treinta

2.6K 85 1
                                    

Nagulat ako ng dinala kami ng telepono ni Ms,Lexi sa isang napakalaking ai port akala ko ba beach ang pupuntahan namin bakit kami nasa airport? Hindi ko nga pala alam kung saan ang palawan hehe.

Bumaba sila kaya bumaba narin ako ng van may tumulong saaming magbaba ng mga gamit tingin ko isa sa mga trabahador dito sa airport. Pero mas nagulat ako ng may yumakap na bruskong lalake kay Ms,Eve nagulat naman si Ms,Eve pero ng makita niya kung sino yon ay niyakap din niya ito pabalik. Ito na siguro ang boyfriend ni Ms,Eve mas matangkad siya sakin ng konti 5'9 siguro ito.

"Mabuti at nakarating ka" Pahayag ni Mr,Farella sa boyfriend ni Ms,Eve

"Of course tito i wont miss this opportunity to be with Eve and to all of you also" sagot niya nakita ko naman ang pag ikot ng mga mata ng magkakapatid pati narin si Ms,Lexi ay nakisali mukang ayaw nila sa lalakeng ito.

Pumasok na kami sa paliparan at makalipas lang ang ilang minuto ay pinapunta narin kami sa lugar kung nasaan mismo ang eroplanong sasakyan namin. Katabi ko si Ms,Sophia sa upuan nasa may bintana siya nakaupo ako naman sa tabi niya. Kinuha ko muna si uno kay maam dahil baka gusto niyang matulog tatanggi pa sana siya pero ang sabi ko "ako na po munang bahala sakanya matulog na muna po kayo alam ko pong pagod pa kayo sa biyahe kanina" at ibinigay niya naman ang kapatid ko sakin

Nasa kanang parte kami ng eroplano nakasakay ni Sophia habang ang mag naman ay nasa gitna at nasa likod nila ang magkasintahang si Ms,Eve at ang boyfriend niya, si Ms,Violet at Ms,Ellis naman ang magkatabi at si Ms,Lexi ay may iba siyang katabi maganda din yung babaeng nakita ko kanina pero hindi ko siya kilala

"Ilang taon na pala siya?" Tanong ni Sophia ng nasa himpapawid na kami, unang beses ko itong pagsakay ng eroplano kaya kinakabahan ako.

"Ahm.1 yrs na siya" sagot ko na halatang kabado parin

"Wag kang kabahan andito lang naman ako" Pagpapakalma niya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak din kay uno. Napatingin ako don pero diko nalang pinansin

"Pabuhat naman ako sakanya" Pahayag niya agad ko namang ibinigay ang kapatid ko

"Medyo mabigat lang siya ah, matakaw kasi sa gatas yan haha" biro ko pero totoo naman. Tumawa naman siya

"Ang bigat niya mukang dika nga nagbibiro sa sinabi mo haha" sabi niya. "Ang cute cute naman ng baby naming ito" puri niya sa kapatid ko at hinalik halikan pa ito sa pisngi. May naiwang lipstick kaya kumuha ako ng baby wipes para pamunas sa mukha niya

"Oppss sorry haha" natatawag pahayag ni Sophia at tinulungan akong alisin ang lipstick niya sa mukha ng kapatid ko.

"Siya nga pala kailan birthday niya?" Tanong niya. Sasabihin ko ba? Sinabi ko nalang sakanya dahil naghihintay siya ng sagot.

"Sa makalawang lingo ang birthday niya plano ko sanang umuwi sa dati naming tinutuluyan kung papayagan ako ng mama mo at doon ipaghahanda siya ng maliit na salo salo" Sagot ko

"Im sure papayag si mama sama ako ah" Pahayag niya na may ngiti sa labi.

"Oo naman" sagot ko sino ba naman ako para tumanggi diba. Pero pumasok bigla sa isip ko ang mga chismosa naming kapit bahay. Baka mapagkamalan talaga nilang girlfriend ko si Sophia, nakakahiya sakanya

"Pero kung may maririnig ka sa mga kapit bahay ko na kung ano ano hayaan mo nalang ah chismosa kasi ang mga yon alam muna nagpapakalat ng ibang balita" pahayag ko

"Gaya naman ng ano?"tanong niya. Nagdadalawang isip akong sabihin sakanya dahil nakakahiya pero mas nakakahiya kung maririnig niya mismo sa mga kapit bahay ko baka isipin niya ako ang nagpakalat

"Ah...eh..ano kasi baka isipin nila ano...hehe..baka isipin nila girlfriend kita...diba alam mo naman noong hinatid moko maraming nakakita sayo..kaya baka akalain nila girlfriend kita" nahihiyang paliwanag ko. Natawa naman siya

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Where stories live. Discover now