50

3K 112 8
                                    

Lucky

"Malayo paba tayo?" Kanina pang tanong ni Ellis sakin. Papunta kami ngayon sa isang isawan niyaya ko silang apat na lumabas at pumayag naman sila

"Malapit na" ang ikli talaga ng pasensiya niya

"Kanina mo pa sinasabi yan pero hanggang ngayon wala parin tayo" sabay labi niya

"Ito na oh" sabay park ko sa sasakyan, pinagbuksan ko sila ng pinto at nauna ng pumasok sa isa sa sikat na isawan dito sa malapit sa baryo namin

Mabangong usok agad ang sumalubong samin, umupo ako sa pang 6 na upuan at sumunod naman sila sakin. Nakita ko pa ang mg tao na nakatingin, siguro nagulat sila sa mga nag gagandahang kasama ko palagi namang ganyan ang mukha ng mga tao kapag nakikita ko sila kaya wala ng bago.

"Excuse po pwde po ba kaming magpapicture sainyo?" Tanong ng isang teenager. Lima sila na puro babae magkakaibigan siguro sila

"Yeah sure" tumayo silang apat habang ako naman ang nagsilbing taga kuha nila

"Salamat po" pasasalamat ng mga teenagers at umalis na

"Sikat talag kayo no" sabi ko

"Ganyan talaga kapag magaganda ang kasama mo haha" biro ni Sophia

"Haha iba nga" sakay ko nalang

"Anong sainyo maam?" Tanong sakin ng isa sa mga nagseserve nila

"Kuya 8 ulo ng manok, 10 addidas, 10 isaw, 5 leeg ng manok at 10 betamax narin"

"Yun lang po lahat maam?" Tanong niya

"Atyaka juice kuya pati narin tubig salamat" at umalis na ito

"Ang dami naman yata non" ani sophia

"Hindi naman, sakto lang yon promise mauubos natin yon tiwala lang" sabay ngiti ko

"Sabi mo eh" tanging sagot niya

"Pagkatapos nating kumain ay pupunta tayo sa park siguradong magugustuhan niyo don, maganda don at marami ring tanim kakaiba ang park nayon dahil puro puno ang nakapalibot at pwde kapang kumuha ng bunga ng walang bayad" masayang kwento ko. Doon kami madalas ni Elena noong bata kami, mahilig kaming umakyat at kumuha ng mga prutas nila don, kahit mataas sulit naman dahil matamis lalu na yung mga santol at mangga

"Excited nako" masayang sabi ni Sophia at dumating narin ang mga pagkain namin

"Mainit kaya dahan dahan sa pagkain" bilin ko na parang nanay nila

Magkatabi nga pala si Ellis at Eve habang si Sophia naman nasa may kanan ko katabi si Ms,Violet

Violet. Sophia
-------------------------
Lamesa. Ako
------------------------
Ellis Eve

"Ang sarap talaga nito lalu na yung suka nila ang sarap ng pagkakatimpla 10 points para sakin" ani sophia at nag thumbs up pa

"Kamusta masarap ba?" Tanong ko sa tatlo

"Yeah" sagot ni Ms,Violet. Ang tipid diba

"Its good" sagot ni Eve

"Sana makapunta ulit tayo dito" sabi naman ni Ms,Ellis

"Wag kayong mag-alala dadalhin ko ulit kayo dito kapag may pagkakataon pangako ko yan sainyo" sabay taas ko pa ng kamay at nagpatuloy na sa pagkain

Nagulat kami ng kuhanin ni Eve ang Leeg na nasa plato ni Ellis ang akala ko ay kakainin niya yun pala ay inalis niya ang balat nito. Hmm.mukang hindi kumakain ng balat ng manok si Ellis

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Where stories live. Discover now