29-Vientinueve

2.4K 83 0
                                    

Lucky

Nakatingin lang ako kay Ms,Violet habang kinukwento niya ang mga nangyari sakanya noon.

Umiiyak siya

"Nagbago ako dahil sakanya nagsimula akong matutong mag ayos ng dahil sakanya para mapatunayan ko na hindi ako basta bastang babae na pwde niyang gamitin at itapon kapag nagsawa na siya na hindi ako kagaya ng mga taong niloko at ginamit niya lang pala sa sarili niyang interest, he turned me into this isang tahimik at seryosong babae lumayo ang loob ko sa mga kapatid ko ng dahil sa nangyari at nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi na ako kagaya ng dati, ngayon nasagot ko na ba ang tanong mo" sabi niya sabay tingin sakin.

Para akong hinihigop ng mga tingin niya pero mas nakuha ng mga luha niya ang atensyon ko. Itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon pero nagawa ko na kaya ipinagpatuloy ko nalang.

"Tahan na maam at opo nakuha ko na ang sagot sa tanong ko salamat" sagot ko at ibinaba na ulit ang kamay ko

"Para san?" Tanong niya

"Para sa tiwala" sabay tingin sakanya "salamat dahil pinagkatiwalaan moko na malaman ang nakaraan mo salamat dahil hindi moko tinuring na ibang tao kahit na driver bodyguard niyo lang ako sa bahay nato, alam ko hindi maganda ang una nating pagkikita pero sana hayaan mokong magpakilala sayo hindi bilang isang taong nakaalitan mo kundi bilang isang bagong tao" sabay ngiti ko "Alexander Lucky Sapalos nga pala ikinagagalak kitang makilala Ms?" Pagpapakilala ko kuno at inilahad ang kamay ko, tinignan niya lang ito ang akala ko hindi niya tatanggapin pero tinanggap niya

"Violet imean Lila Paisley Farella nice meeting you to xander" at nakipag kamay na sakin.

"Sana payagan mokong maging kaibigan ka" Pahabol ko

"Yeah sure" sagot niya naman kaya tinumbasan ko ito ng malaking ngiti.

Siguro nga hindi sa lahat ng oras at pagkakataon makikilala natin ang isang tao sa kung ano lang ang pinapakita nila, dahil minsan hindi natin alam kung ano nga ba talaga ang punot dulo nito.

"Siya nga pala" agaw atensyon ko sakanya

"What?" Sagot niya

"Ahm. Yung kotse mo pala napagawa muna?" Tanong ko. Nahihiya kasi ako dahil hindi lang naman yung taxi ko yung nasira syempre pati narin yung sakanya. Ang ganda ganda pa naman ng kotseng yon baka nga kulang pa ang paninilbihan ko sa kanila sa pag pagawa non

"Nasa talyer na" tanging sagot niya. Natural na yata sakanya ang pananalita ng maikli

"Ah mabuti naman" tanging nasabi ko

Nanatili lang kaming dalawa doon habang iginagalaw galaw ko ang paa ko sa tubig siya naman nakasteady lang. Tumingin ako sakanya hindi niya ako napansin dahil nakatingin siya sa madilim na langit

"The stars are beautiful" pahayag niya, hindi ko yon pinansin dahil nakatingin lang ako sa mukha niya. Ang ganda niya lalu na ng mga mata niya.

Nagulat ako ng tumingin siya sakin "anong tinitingin mo?" kunot noo niyang tanong

"Hehe wala po" sabi ko sabay kamo sa batok. Nakakahiya

"Tss" bulalas niya. Tumingin ako sa langit at nakita ang napakaraming bituin ang kikinang nila. Naalala ko tuloy si inay at itay palagi nilang sinasabi sakin na ang pinaka makinang na bituin ay ang mahalagang taong nawala sa buhay ng isang tao, para daw silang nakatingin sayo at pinagmamasdan ka.

"Alam mo ba na ang mga bituin ay mga planeta sa kalawakan" bulalas ni Ms,Violet habang nasa mga bituin parin ang atensyon niya

"Sila ang mga planetang nakapalibot satin minsan mga asteroids din ang dahilan kung bakit may bituin tayo" pagpapatuloy niya

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu