39

3K 112 10
                                    

BaiMeng🌹✨

Kinagabihan ay nagyayang mag bar ang kaibigan ni Lucky na si Eloi first time daw nila dito ng girlfriend niya kaya gusto niyang malaman kung gaano ba kaganda ang palawan kapag gabi, pumayag naman ang lahat kaya naglalakad na sila patungong bar

"Saan mo ba kami dadalhin? Ayun na yung bar na sinasabi namin pero dire-diretso kaparin sa paglalakad" Reklamo ni Ellis kay Eloi

"Easy kalang Ms,Ellis malapit narin tayo" Kumbinsi ni Eloi

"Kapag yang bar nayan hindi maganda gugulpihin kita" banta ni Lexi dahil masakit narin ang paa niya sa kakalakad

"Haha wag kang mag-alala magugustuhan niyo don may live band kaya pwde kayong magrequest ng sarili niyong kanta, pwde din kayong kumanta kung magaling kayo. KUNG MAGALING KAYO haha" pang-aasar niya

"Magaling akong kumanta no baka gusto mo pustahan pa tayo sa pagkanta" Paghahamon ni Lexi

"Sige ba deal yan ikaw magbabayad ng lahat kapag natalo kita pero kapag natalo moko ako ang magbabayad ng lahat ng nainom natin"

"Okay deal" sagot ni Lexi

Makalipas lang ang ilang minuto pang paglalakad ay nakarating din sila sa bar na tinutukoy ni Eloi. Napakaraming tao at totoo rin pala na may live band kagaya ng sinabi niya may nagffire dancing pa sa tabi ng dagat kaya mas lalong gumanda ang paligid

"Wow so beautiful" manghang sabi ni Sophia

"Sabi ko sainyo magugustuhan niyo dito eh" pagmamayabang ni Eloi

"At paano mo naman nalaman ito aber?" Tanong ni Ellis

"Si Elena paba syempre dahil sa mga babae niya" Nakangising saad ni Lucky

"Oy oy wala akong babae ah" Pagtanggi ni Eloi ng makita niyang sumama ang mukha ng girlfriend niya

"Elena" tawag ng girlfriend niyang si Isabella

"Babe hindi totoo yung sinasabi ni bestfriend gumaganti lang yan sakin" paliwanag niya.

"Doon tayo may kailangan tayong pag-usapan" mauotoridad na sabi nito sa girlfriend niya

"Oh oh may LQ haha" asar ni Ellis kaya nagtawanan naman silang lahat. Umupo sila sa isang mabang lamesa na may mahabang upuan kagaya ng sa unang bar na pinuntahan nila ay kawayan lang din ang mga materyales na gamit para sa mga upuan at lamesa ang pinag kaiba lang ay ang live band pati narin ang mga nagffire dancing sa tabi ng dagat. Mas better ito kesa sa una naling napuntahan

Makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na ang magkasintahan "ano hiwalay naba?" Birong tanong ni Lexi

"Hindi at never kong hihiwalayan ang reyna ko kaya manahimik nalang kayo diyan at parating na ang mga inorder ko" sagot ni Eloi at umupo na katabi ng girlfriend niya.

Mukang okay naman sila dahil nag uusap pa ang mga ito ng makainom na sila ng konti ay nagsimula ng tumugtog ang live band sa mga request song nila.

"Okay so here are some request of our beautiful customer over there" turo sakanila ng vocalist tumapat naman sa lamesa nila ang spot light. Kumaway kaway pa si Eloi na parang sira ulo kaya naghiyawan lalo ang mga tao dahil in na in siya sa kalokohan

Tumugtog na ang banda at kinanta ng vocalist ang request nina Eloi na I don't wanna talk about it cover by Chocolate Factory

( https://youtu.be/csxsnGpfS0c Ito nga pala yung link mga pala mga anak kung gusto niyong idownload may video din sa taas kaya pwde niyong patugtugin)

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt