TWENTY SEVEN

808 23 18
                                    

EARTHELLE

AFTER 5 YEARS

"Thelle! Anak gising!" Napabigla ako ng bangon ng gisingin ako ni Mama.

"Shit! Shit! Shit! Late na ko!" Nagmamandali akong kumuha ng tuwalya at naligo.

"Ma! Bakit hindi mo ko ginising?" Nakatanggap tuloy ako ng isang batok sa mama ko.

"Kanina pa kita ginigising! Bilisan mo baka ma late ka na!" Hindi ko na alam kung anong ligo ang ginawa ko. Basta ang alam ko lang yung safe guard nakusot kong mabuti sa buhok ko. Mabilis na din akong nagbihis at lumabas hinintay ko na din ang sasakyan ko.

I'm Earthelle Castillo a simple writer. Hays! Sino ba naman ang hindi sumali sa role play world?! Okay hindi lahat. Pero di ba umasa din kayo na makakatuluyan niyo yung taong nakilala niyo lang sa mundong nasa internet? Pero ako I take it to another level ginawa kong libro ang lahat.

Paglabas ko ay napatingin ako sa paupahan ni Tita at napangiti na lang ako sobrang tagal na tong sarado at naghahanap na lang ng buyer.

"Ma'am kayo po ba ang pasahero ko?"

"Ay opo, tara na po?" Ang masaya kong sabi sakanya.

Habang nasa likod ako ng sasakyan ay yakap-yakap ko ang unang kopya ng librong na publish ko and today is my book signing day!!!

Pagdating ko sa event hall kung saan magaganap ang kauna-unahang booksigning ko pumunta na agad ako at naghanda na para sa interview. Naks interview! Pero parang Q&A lang naman.

Pagpasok ko kung saan magaganap ang book signing hindi naman Ganun kadami siguro mga nasa 20 but those  20 readers they are my treasure.

"Okay! please welcome the author of the book "CONNECTED"

Paglabas ko at pag-upo ko sa upuan na nakalaan para sakin sa gitna ng stage ay binigyan nila ko ng maikling palakpakan. Narinig ko din ang komento nila na.

"Siya kaya talaga yung character sa librong sinulat niya?"

Napangiti na lang ako at inabot na saakin ang mic.

"Salamat sa pagpunta niyo sa book signing ko. You can ask me any question."

"Single po ba kayo?" Napuno naman ang tawanan ang maliit na silid na ito.

"Ms. Earthelle bakit po ito po ang napili niyong isulat? Girl x girl na libro?"

"Dahil nandito ang puso ko. Minsan kasi ang pagsulat ang paraan para maipakita mo ang tunay a sarili mo. Yung tunay na ikaw." 

"Ms. Earthelle ano po ang nag push sainyo para isulat ang librong Connected?" Napangiti na lang ako.

"Gusto ko kasing maalala lahat ng mga panaginip ko ayokong mawala to sa isip ko." Ang sagot ko naman.

"Eh Ms.Earthelle sa tingin niyo ano po ang pinaka kakaiba sa gawa niyo?"

"Wala namang kakaiba sa gawa ko, alam niyo yan hahaha normal lang na love story Pero ang pinaka kakaiba lang sa librong ito, para saakin." Hinawakan ko ng mahigpit ang libro.

"The feelings in this book, the pain, the sacrifices, the tears and the love everything is real in this book."

"Even Blythe Martinez?" Ang panunukso ng isa pero dahil sa tanong niya na yun ay nalungkot ako.

"Ahmm..." Hindi na ko nakapagsalita pa.

"Ms.Earthelle akung totoo po ang lahat ng nakasulat dito ibig sabihin po ang swerte niyo po sa mga kaibigan niyo lalong lalo na po kila Xyrille at Clyde." Napakagat naman ako sa labi ko.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now