ONE

758 26 4
                                    

EARTHELLE

"Okay ano ang biglaang meeting at kailangan nating magkumpulang tatlo dito sa likod ng classroom?" Si Xy.

"Si Blythe Martinez a-a-ano." Bakit ba ang hirap sabihin? Ganito pala talaga kasi ako naiinis ako sa mga taong napapanood ko sa TV na sasabihin na lang hindi pa masabi.

"Minandali mo ang pagrampa ko sa corridor para lang sabihin saamin kung gaano ka kabaliw sa Dyosang Blythe na yan?!" Ang maarteng sabi ni Clyde.

"K-kas-" naputol ang pagsasalita ko ng dumating na si Sir Aaron ang adviser ng course namin na Fine arts.

"Nagkukumpulan nanaman kayong tatlo diyan! magsiupo nga kayo." Takot lang naming kaya mabilis kaming umupo sa upuan naming tatlo, syempre trio kami kaya ako yung nasa gitna hindi dahil ako yung leader walang ganun sa pagkakaibigan naming tatlo kaya lang bawal talagang magtabi tong dalawa at magbabarahan lang.

"Thelle ano ba kasi yung tungkol kay Blythe?" ang bulong niyang tanong sakin na cu-curious din siguro siya.

Napatingin kami sa harap ng may biglang kumatok speaking of Dyosa!

"Oh! My! Gosh! Si Dyo-" tinakpan ko yung bibig ni Clyde mabuti na lang at masyado silang natulala sa ganda ni Blythe at sakanya lang nakatingin lahat.

"Good morning Sir Aaron may I excuse Ms.Earthelle Castillo?" Napako ang tingin naming dalawa sa isa't isa at parang huminto ang lahat, sinabunutan lang ako ni Clyde kaya nagising ako sa katotohanan. Binitiwan ko na din yung bibig niya at pinunas ang kamay ko sa palda ko.

"Ah yes yung bilin ni Madam Hilda. Thelle ikaw na muna bahala kay Ms.Martinez." napabigla ako ng tayo pero bago ako makaalis binigyan ako ng pang-asar na ngiti nung dalawa.

"Magpapaliwanag ka samin mamaya." Sign language lang naming tatlo yan kaming tatlong alien lang ang nakakaintindi sa sign language na yan.

"Thank you Sir Aaron." Sheeet kakainlove ang boses. Pero bakit kaya ayaw niyang ipakita yung mukha niya sa RPW? sobrang ganda naman niya? Kahit babae o lalaki maiinlove sakanya.

"Sorry kung naistorbo kita Ms.Castillo." Ganito pala sya mag sorry.

"Okay lang Sh- I mean Ms.Martinez." muntikan ng madulas ang dila kong matalas!

"Ms.Blythe na lang." Tawagin pa kitang Love dahil tawagan naman natin yun. Charot.

"Okay po Ms.Blythe saan po ba ang class niyo ngayon?" Nakangiti niyang inabot sakin yung index card kung saan nakalagay yung schedule niya.

"Sa BeED ka pala nga- I mean po may po yun." Natawa naman siya. Baka hindi pa siya out? Pero obvious naman sakanya na bisexual siya ang gandang gwapo kaya niya. Matangkad, at kahit naka long sleeves siya alam kong may muscles siya sa braso, maganda ang hubog ng katawan.

"Kung nahihirapan kang mag po sakin wag mo ng pilitin kapag tayo lang dalawa. 2 years lang ang tanda ko sainyo." I know! Kabisado ko kaya birthday mo.

"Nakakahiya naman po Ms.Blythe, ito na po ang next class niyo." Huminto na kami sa tapat ng room ng mga BeED.

"Thank you Ms.Castillo." pamatay yung ngiti sabi nila kapag daw agenda sa personal hindi photogenic pero bakit tong nilalang na to? Maganda na nga sa picture mas maganda pa sa personal?!

"Thelle na lang po." Paalis na sana ko ng bigla na lang akong tawagin ng pinsan ko na nasa BeED.

"Thelle." Natulala pa siya kay Blythe but aware naman siya na si Blythe ang substitute ni Ma'am Hilda. Hindi niya alam na si Shin at si Blythe ay iisa syempre hindi ko pa sinasabi daldal pa naman nito.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now