EIGHTEEN

278 13 4
                                    

EARTHELLE

"OH my geee! You're saying na yung mga friend ni Blythe ay mga hunks billionaire?! Grabe akala ko sa libro lang ang mag ganun!" Ang kinikilig na sabi ni Clyde habang nandito kami sa café niya.

"Kalma." Ang sabay na sabi namin ni Xy.

"Pwede pa kaya si Jin? Imagine isasakay niya ko sa Princess Andromeda oh my gosh! Para kaming sila Jack and Rose ng titanic." Tinaas niya ang kamay niya na para bang scene sa movie na titanic.

"Bakit si Jin pa kung pwede naman si Alex? Yung little sister niya na love na love ka." Ang pang-aasara naman ni Xy.

"Oh no! Gosh kinikilabutan ako!" Sabay naman kaming natawa ni Xy.

"Why not? I mean ang ganda kaya ni Alex, di ba?" Tumingin ako kay Xy asking her na back-upan ako maybe we all need is Alexandra Jen Cabrera para maging lalaki ulit si Clyde? Sayang kaya ang gwapo ni Clyde.

"Honestly yes kahit madungis siya ay lutang padin ang ganda sakanya." That's right Xy.

"Ugh! No! Never." Napaka arte talaga nito.

"By the way Clyde punta ka sa event na in-organize ni Sir Xian pwede kang makipagusap sa mga guest doon and find for your sponsor para magka branch na tong café mo." Si Xy na halatang kinakabahan kapag pinaguusapan na si Xian mukhang tinamaan na talaga tong isang to kay Xian.

"Beks naman I'm not invited in that eve-" napatigil si Clyde sa pagsasalita ng abutan siya ng invitation ni Xy para makapasok siya sa event ni Xian.

"Here sabi ni Sir Xian I can invite you." Nakangiti naman tong kinuha ni Clyde.

"Pupunta ka din di ba Thelle?" Ang tanong sakin ni Clyde.

"Of course girlfriend siya ng boss nila Sir Xian e." Napahawak na lang ako sa ulo ko.

"Minsan nakakapagod din makasama yung tatlong yun, nagka instant alagain ako sa dalawang yun, ganito din siguro si Ela noon. Gusto ko na din magpakasal kay Bly-" napatigil ako ng ma realize ko na ang dami ko ng sinasabi.

"Ayown beks nasa isip na ang kasal! Alam ko pasado na siya kay Tita PERO ANG TANONG kilala mo na ba talaga si Blythe?" Doon ako napaisip Do I really know her? Isa pa hindi din niya sinasabi na ipapakilala niya ko sa pamilya niya. I want this love with her to be official I mean legal kaming dalawa on both sides.

"Hays Clyde!" Narinig ko na lang ang palo ni Xy kay Clyde.

"Wag mo ng isipin yug sinabi ni Clyde okay? Baka humahanap lang ng right timing si Blythe. Just trust her." Tiningnan naman ng masama ni Xy si Clyde, kaya nangiti na lang ako.

"Hays ano ba okay lang." Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang tumunog yung phone ko si Blythe kaya agad ko tong sinagot.

"Hi kasama mo pa sila Clyde and Xy?"

"Yup nandito pa kami sa café pero pauwi na din kami." Tiningnan ko ang oras medyo late na din lala.

"Puntahan na kita diyan, Malapit lang ang café ni Clyde dito sa tinitirhan nila kuya." Dumalaw kasi siya kila Ela.

"Uhmmm sige gabi na din, hintayin na lang kita dito sa second floor."

"Okay." Then I end our call.

"Guys mamaya maya nandito na si Blythe nagpasundo na ko gusto mo na bang sumabay samin Xy?" Imbis na sagutin ako ni Xy ay nginitian niya ko ng pang-asar.

"What?" Ang natatawa kong tanong sa dalawa.

"Beks halatang halata sayo kung gaano ka kasaya, and we're happy for you." Sabay nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now