SIX

446 17 5
                                    

EARTHELLE

"Good morning!" Ang masaya kong bati kila Xy at Clyde.

"Ay beks alam ko yang ngiti na yan." Kinurot pa ni Clyde yung tagliran ko.

"Oi Earthelle Castillo aral muna bago landi!" Mahina pa kong sinabunutan nitong si Clyde.

"Grabe ka naman landi agad?" Masaya akong naupo sa upuan ko.

"Sana yang eyebags mo na yan ay bunga nga ng pag re-review mo at hindi ng sinasabi ni Clyde." Nilayo ko na yung mukha ko ng aktong dudutdutin ni Xy ang mga to.

"Ano ka ba Xy kita mo naman sa exam na ginawa mo di ba? Lagpas kalahati ang natama ko hindi katulad mo Clyde" pinitik ko pa ang tenga nito masyado kong good mood.

"Ok class magsiayos na kayo ng upo alpebethical arrange!" Ang aga-aga highblood tong si Sir Aaron hindi to siguro crush ng crush niya.

"Yes sir! Pero sir ngumiti ka naman umagang umaga highblood ka." Ang nakangiti kong sabi bago ko umupo sa gawing harapan sa klase dahil nga sa apelido ko.

"Aba! Ms.Castillo mukhang nasa mood kang mag exam? Bago yan." Sabay-sabay na nag-asaran ang mga kaklase ko. Sabihin na natin ako yung tipo ng estudyante na araw-araw pumapasok pero ayoko ng exam sino ba naman may gusto ng exam? Ay oo si Xyrille Bueneventra hahaha.

"Go na sir! Exam na tayo excited na ko!"

Natapos na ang 2 subjects namin at ito na ang last exam yung exam ni Blythe. Inaasar ko nga siya na ibigay na lang sakin yung exam o kaya kahit pointers lang ayaw ibigay kadamutan ng isang to.

Dati pag dating ng last subject lalo na kapag exam antok na antok na ko pero ngayon last subject na puno pa energy ko, dahil kaya sa iniinom kong milktea?

"Ok class hindi niyo na kailangan mag alphabetical arrange kahit saan nyo gustong maupo pwede." Ang nakangiting sabi ni Blythe.

"Yown! Bait mo talaga Ma'am!" 10 lang kami dito pero lakas nilang makipag cheer kay Blythe.

"Ma'am napuyat ka no?" Naramdaman ko na tumingin saakin sila Xy at Clyde, yung tingin na matatalim na para bang nagsasabing magpaliwanag ka!

"What? Nag-usap lang kami." Ang bulong ko sakanilang dalawa.

"Well, worth it naman ang pagpupuyat lalo na kapag kausap mo yung taong mahal mo." Natingin ako sakanya na nakatingin sakin kaya nasamid ako. Okay noted Thelle wag kang iinom ng milktea tapos makikipag eye contact sa crush mo nakakasamid.

"Ge laklak pa ng milktea." Si Clyde na may pang-aasar pa.

"Ms.Castillo are you okay?" Tsss halatang tuwang tuwa siya sa nangyari sakin.

"Paki ubos o pakitapon na yang iniinom niyong tatlo ayokong mag check ng basang test paper." Ang nakangiti niyang sabi at kaming tatlo ang tinutukoy niya, kaya tumayo na kaming tatlo at itinapon na ang milktea na iniinom namin.

"Uy si Ma'am may ka text! Nakangiti pa siya!" Ang pang-aasar nung kaklase namin, teka sino ka text niya? Then pamaya maya ay naramdaman ko na nag vibrate yung cellphone ko dahil sa text.

> I'm sorry kung nasayang yung milktea niyo pero kung hindi ko yun ginawa. Ma di-distract ako sa mga labi mo while you're biting that straw and it means you're a good kisser.

Tumingin ako sakanya pero nakangiti lang siyang nagpapamigay ng testpaper sa palagay ko hindi lang ako nasa good mood ngayon. Pagdating niya sa likod saaming tatlo busy na ang lahat sa pagsasagot kaya hindi na nila kami napansin pa.

"Good luck sainyong tatlo papalitan ko na lang yung milktea niyo." Kumindat pa sya bago umalis si Clyde pinipigilan yung kilig habang si Xy naman ay natulala kaya siniko ko tong dalawa.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now