TWENTY THREE

301 15 8
                                    

WARNING SPG CONTENT!!!!

Kung hindi komportable na magbasa ng ganito pagpasensyahan hindi din ako sanay magsulat ng ganito pero kailangan para sa story Bwahahaha.

Lablab! ❤

-Ms98Percent

- - -

BLYTHE

It's been a month after ng umuwi kami ni Thelle galing sa probinsya namin kaya nagsisipag na kami ni Thelle na matapos na ang project at magawa na ang napag-usapan namin. LDR is not new for us, kung dati nga nakatagal kami ng ilang taon kahit hindi pa namin kilala ang isa't isa ngayon pa kayang legal kami sa pamilya namin.

Pero bago ko ma stress sa lahat ng bagay nandito ko ngayon at buhat buhat ang pamangkin ko habang pinapatulog siya.

"Cute mo diyan." Ang pang-aasar ni Ela pagkadating niya dala ang isang tupperware ng graham cake, at syempre walang manggo. Ayoko nun. Pero in fairness sa bestfriend ko parang bindi nanganak ah.

"Shhh!" Ang pagsuway ko sakanya at dahan dahan na binaba si Baby Blaire sa crib niya at umupo na sa upuan para kumain ng miryenda.

"Bakit ba nandito ka? Wala ka bang pasok? Hindi ka pa ba lalayas?" Para naman akong tinataboy ng isang to.

"Wala maaga lang talaga kong nag out ngayon para sa pamangkin ko, no choice ako kahit ayaw kitang makita, makikita at makikita kita." Umiling naman siya.

"Nakikita ko ng spoiled ang anak ko sainyong lahat." Lumapit siya dito at hinawak hawakan ang kamay nito. Kilalang kilala ko si Ela she's always wearing her sharp eyes na kinatatakutan ng lahat pero ngayon nakikita ko kung gaano siya kasaya sa tuwing tinititigan niya ang anak niya.

"Nga pala kamusta ang pag-uwi niyo sa probinsya? Hindi daw ba dadalaw dito sila Mama at Dada?" Halata na nalungkot siya.

"Alam mo naman busy yun pero don't worry matatanggap din nila ang naging desisyon ni Kuya na mag stay dito. Nandito ang trabaho niyong dalawa." Tuloy lang ako sa pagkain ng graham sa harapan ko.

"I know but teka sure ka na ba sa naging desisyon niyo ni Thelle?" Bumitiw na siya kay Blaire at humarap sakin at umupo sa tapat ko.

"Yes, we both have the same situation si Mama Esmeralda gusto niya na si Thelle ang mag patakbo ng super market nila at ako naman ay yung hardware at yung trucking business ni Dada. Siguro this time yung gusto naman nila ang suaundin naming dalawa." Tumango tango naman siya at pinagsalin ako ng juice.

"Mabuti naman at larehas na kayong matured." Uminom naman ako ng juice.

"But still I hate her." Tiningnan ko na lang siya at ngumiti.

"Ganun siguro talaga Ela habang tumatagal ang panahon mas naiisip natin ang tama at mali, mahalaga sa hindi."

"Then how about the family thing? Napag-usapan niyo na ba tong dalawa?"

"Yes we've talk about that pero tuloy parin kami sa plano. We just have 4 months to finish our project tapos naman na kami, si Jin na ang bahalang mag finalize at ang mag present ng game sa Canada."

"Pero hindi mo ba naisip Blythe." Tumingin mana ako sakanya.

"Kung mag a-adopt kayo ng anak ni Thelle mas malaki ang chance na mag stay kayong dlaawa saatin."

"Naisip ko din yan, naisip din namin yan but -"

Sabay kaming napatingin ng may biglang nag doorbell.

"Do you expect someone?" Umiling naman siya kaya ako na ang nagbukas ng pinto.

"Ate Blythe, Ate Ela." Tumingin ako sa likod ko at seryosong nakatayo na pala si Ela sa likod ko.

CONNECTED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon