TWENTY TWO

293 11 0
                                    

EARTHELLE

"So MYLO are you ready?" Ang tanong niya sakin pagkalabas ko sa bahay namin at hindi ko padin maiwasan mamangha sa kagandahan nitong girlfriend ko. Kahit sobrang simple lang suot niya she can slay it!

"Natulala ka nanaman sakin ganyan ka na ba ka adik saakin?" Kinindatan pa nya ko bago niya ko bigyan ng halik sa pisngi at kuhanin ang bag ko.

"Si mama?" Ang tanong nya sakin.

"Maagang umalis sila mama at tita, pero okay na yun pinagpaalam mo naman na ko kagabi di ba?"

"Yeah, tara na?" Pinagbuksan niya ko ng pinto at nilagay ang gamit ko sa backseat kung saan nakalagay din ang bag niya.  Pagkasakay nya sa driver sit ay pinaandar na niya ang kotse.

"Medyo mahaba ang biyahe papunta samin mga 6 hours. Nag breakfast ka na ba?" Halata ang pag-aalala niya at puyat sa ilalim ng mukha niya. Siguro dahil busy na siya sa work tapos pupunta pa siya sa hospital para puntahan si Ela and si Baby Blaire na isang beses ko palang nadadalaw. 

Kinuha ko naman ang paper bag ng pagkain na nakalagay sa harapan.

"Hindi ka pa kumakain no?" Nangiti lang siya habang naka focus sa pag dri-drive.

"Sanay naman ako mag drive ako kaya muna? Magpahinga ka muna." Nilabas ko muna ang sandwhich sa paperbag na dala niya. At tsaka sinubo ito sakanya.

"I'm fine Thelle." Ang nasabi na na lang niya pagkagat niya sa sandwhich.

"Sure ka ah?" Tumango naman siya at lumapit ulit para subuan ko siya ng sandwhich kaya kumagat na din ako.

"Uhmm Thelle."

"Hmmm?" Inalis ko na yung lock ng papercup ng coffee at tinimpalahan to at tsaka humigop.

"Gusto mo din magka baby?" Halos mabuga ko yung kapeng ininom ko sa tinanong niya kaya naramdaman ko yung pagbagal ng takbo namin.

"Thelle okay ka kang?" Nag thumbs-up lang ako dahil sinasamid padin ako. Naramdaman ko na lang ang paghimas ng kamy niya sa likod ko.

"Ikaw naman kasi bigla-bigla ka na lang nagtatanong." Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko.

"Sorry na." Ngumiti naman ako at umayos ng upo at tsaka hinawakan ang pisngi niya.

"Bakit mo naman kasi natanong yun?" Mabuti na lang at hindi ko nabugahan yung kape kaya 98% sure ako na malinis pa to.

"Syempre nagpla-plano ko ng future kasama ka. You know... Ayokong sabihin to dahil baka sabihin mo ee minamandali kita but I don't see you just as my girlfriend para sakin you're my wife." Natulala naman ako sa sinabi niya.

"B—biglang uminit ah." T–teka kinakabahan ako,  yung pisngi ko ramdaman na ramdam ko yung init sa buong pisngi ko, wala akong nagawa kung hindi ipamaypay ang palad ko.

"Ano ba? Baka naman maghubad ka pa diyan." Ang natatawa niyang sabi na sandali niya kong tiningnan at binalik ulit ang tingin sa daan.

"But seryoso nabigla ba kita? Sorry. Hindi kita minamandali sorry."

"N–no I mean yes teka!" Bigla na siyang tumawa samantalang ako hindi ko na alam kung paano o ano ang sasabihin ko.

"Sige kumalma ka muna MYLO." Nag inhale exhale muna ko to calm myself.

"Honestly that's what I'm thinking Nung gabing nagmamandali tayong puntahan si Ela dahil sa panganganak niya. Naisip ko na what if naisipan mo na magkaroon ng sarili mong baby." Napalunok pa ko sa sinabi ko bago ko ituloy muli ang sasabihin ko.

"I mean your own baby, inisip ko na maybe magbabago ang lahat at maisip mo na you really want to marry a man who can give you your own child, who can give you a family" Naramdaman ko na iniliko niya at tinabi na muna niya ang sasakyan sa isang tabi. Teka nagalit kaya siya sa sinabi ko?

CONNECTED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon