SIXTEEN

324 13 3
                                    

EARTHELLE

I really love reading romantic novels eto na yung scene kung saan gigising ako habang yakap yakap ako ni Blythe at mag ngingitian kami PERO! Nagising ako yung bonti niya nasa paa ko yung braso niya nasa leeg ko nakanganga at tulo laway pa. Natawa na lang ako pero kahit ganito tong babaeng to mahal na mahal ko pa din to. Dahandahan kong inalis yung kamy niya sa leeg ko then I hug her.

"MYLO wake up late na tayo." Ang malambing na paggising ko sakanya, umayos siya ng higa at yinakap niya na din ako.

"Tara absent na lang tayo." Tapos mahina siyang tumawa.

"Siraulo ikaw ang leader ng team hindi ka pwedeng hindi pumasok." Ang natatawa kong sabi. Bigla kaming napahiwalay sa isa't isa ng may biglang kumalampag sa pinto ko hindi ko at kasabay ang pagbukas nito.

"Hoy insan at Blythe! Anong oras na 5:30 na! Aba gising na!!!" Bumangon ako at tiningnan ang bitter kong pinsan.

"Ang aga mo namang bitter insan." Tiningnan lang niya ko ng masama sabay irap at nagpapadyak na siyang umalis.

"MI! MAG BOBOYPREN NA DIN AKO! KAHIT GURO AKO AYOKO NG MAGING JOWALESSS!!!"  Sabay naman kaming nagkatinginan ni Blythe at tumawa. Bumangon na din siya para ayusin yung damit na isusuot niya. Pamaya maya pa ay kumatok naman si Mama.

"Thelle, Blythe maligo na kayo tapos na ko magluto. Thelle doon ka na maligo sa banyo sa kwarto ko." Ang nakangiting sabi ni Mama.

"Okay Ma." Ang naging sagot ko naman si Blythe naman ay nakangiti lang kay Mama.

"Good morning po." Ang nakangiting bati ni Blythe kay Mama.

"Good morning din. Sige na bilisan niyo na baka ma traffic pa kayo. Mauuna na kami ni Amelia" Pagkasabi ni mama ay umalis na din siya.

"Babalikan kita dito then sabay na tayo bumaba sa kusina para kumain." Tumango naman siya saakin, habang nakangiti. Hindi ko tuloy alam kung naiintindihan ba niya yung sinabi ko o hindi eh.

"Naiintindihan mo ba ko Blythe? Baka tulog ka pa?" Pero nginitian padin niya ako.

"Of course. I love you." Shet!

"Hay ang aga Blythe, I love you too sige na kilos na." Sinaraduhan ko na siya ng pinto at dumiretso na ko sa room ni Mama.

Pagkatapos ko magbihis ay binalikan ko na siya sa kwarto ko at nakita ko siya na nakaupo sa upuan sa may study table ko kung saan tanaw yung kwartong naupahan niya.

"Tara na Blythe kain na tayo." Tumingin lang siya sakin ng nakangiti.

"Kitang kita pala yung kwarto ko dito." Lumapit naman ako at yinakap ko siya sa likod niya.

"Dati hindi kita mahawakan ni hindi mo nga sinasagot tawag ko pero ngayon ito nayayakap na kita." Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya until I smell her neck. I can't stop myself to enjoy her scent. Then I carefuly touch my lips on her neck.

"Thelle."

"It's my good morning kiss for you." Bumitiw ako then humarap na siya sakin. I swear I'm crazy inlove with this girl.

"Kumain na tayo,late na baka mapagalitan na tayo ni Mr.Minatozaki niyan." Tumayo na siya at naabutan namin si Amy na palabas na sana.

"Magpapaalam sana ko sainyo kaya lang masyado kayong sweet" ang natatawa niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

Pagkatapos namin kumain ay nagtulong na kaming naghugas ni Blythe ng pinagkainan namin. Pagdating namin late na kami ng 30minutes dahil 8 na.  Kaya nagmamandali kaming pumasok sa office naming dalawa at naabutan namin sila Jiro at Honey na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng magazine at si Jin ay nakaupo sa  may swivel chair ni Blythe. Nang makita niya kaming dumating ni Blythe ay tiningnan niya ang oras sa wrsit watch niya.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now