FOUR

487 18 2
                                    

EARTHELLE

Saturday ngayon kaya nakakulong lang ako sa kwarto ko ayoko na munang kausapin kahit na sino. Pero napabangon ako ng may kumatok sa kwarto ko.

"Insan." Isasarado ko na sana ulit yung pinto ng pigilan niya to.

"Okay ka lang ba?" Sinukuan ko na siya sa kakulita nya at hinayaan. Ko na siyang pumasok sa loob.

"Oo." Ang tinatamad kong sagot at humiga na ko sa kama ko.

"Hindi ka okay."

"Alam mo naman pala ee." Inirapan niya lang ako.

"Seryoso Thelle nagkakaganyan ka lang naman nung ka chat mo pa noon yung Shin na walang bayag na yun ee." Napatakip na lang ako ng unan sa mukha ko. Pinaalala pa niya si Blythe!

"Amy ganito pano kung mahal mo pa yung ex mo pero may boyfriend ka?" Pinitik niya yung noo ko.

"Sabi na ee nagparamdam nanaman yung boyfriend mo na nakilala mo lang sa facebook hoy Earthelle Castillo umayos ka! May Lawrenz Rivera ka na!" Umupo na ko at humarap sakanya.

"About him... Honestly isa siya sa iniisip ko ee. N-nakita ko siya na may kayakapan na babae nung isang araw."

"Sinabi mo na ba sakanya? Baka naman isa lang yun sa mga ilusyonadang babae na nagkakagusto kay Renz gwapo ba naman kasi nung boyfriend mo. Wait... Bigla kong naalala yun ba yung magkasama kayo ni Ms.Martinez sa iisang payong?" Nag-init naman ying pisngi ko nakita niya kami.

"N-nakita mo kami?"

"Oo naman hoy Insan alam kong mala dyosa ang ganda ni Ms.Martinez ee kahit nga babae nagkaka crush na sakanya pero umayos ka mabuti sana kung single ka ee may boyfriend ka na ni legal ka na buong angkan niya" Hays.

"Yung totoo? May haters ka na nga dahil kay Renz may haters ka na din dahil maraming nagagalit sayo dahil ikaw daw ang may kasalanan kung bakit na injured si Ms.Martinez dahil sa pagharang niya ng bola sayo." Umiling lang ako.

"Mabait lang talaga siya." Tama kumbinsihin ko na lang ang sarili ko.

"Thelle! Bumaba ka diyan yung prof mong maganda nandito sa baba!" Nagkakatitigan kami ni Amy.

"Insan! Anong ginagawa ni Ms.Martinez dito?" ang nagpapanic niyang tanong

"Kalma umupa lang siya sa paupahan ni Tita hindi ba nasabi sayo ng tiat?"

"H-hindi. Insan pengeng powder bilis!" Hinayaan ko na lang siyang mag-ayos ako kung ano itsura ko pede na.

Pagbaba namin lintek buti na lang at hindi nag face reveal to sa RPW kung hindi instant celebrity siya marami pa kong magigibg karibal.

"Good afternoon." Ang nakangiti niyang bati samin.

I'm here to win you back. Bigla na lang nag flash back sakin ang sinabi na niya yun.

"Good morning po Ms.Martinez." ang bati naman ni Amy kay Blythe.

"Amy? Magkasama kayo?"

"Yes po Ma'am iisa lang po bahay namin." Hay nako isa pa tong pinsan ko.

"Nga pala pizza para sainyo. Umalis din si Tita Amelia nagpaalam sakin."

"Si Mi talaga lumalayas na lang bigla-bigla buti pa sayo Ma'am nagpaalam. Pasok ka muna Ma'am." Kinuha ni Amy yung pizza at pumasok sa loob.

"Magtitimpla lang ako ng juice upo muna kayo, hoy insan ikaw na muna bahala kay Ma'am." Nahihiya akong pinaupo muna siya at ganun din ako.

"Thelle"
"Blythe" ang sabay naming sabi ang awkward talaga!

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now