SEVEN

384 18 3
                                    

BLYTHE

"Oh ano ginagawa mo dito?" Ang masungit na sabi nitong si Ela.

"Ela naman eh! alam mo naman na kinausap ako ng mama ni Thelle." Naupo na ko sa sofa niya, at binalibag kung saan ang maletang dala ko.

"Hays may magagawa pa ba ko?" halata ang kawalang gana sa pananalita niya at naupo na lang siya sa tabi ko.

"Blythe itigil mo na kaya ang pagsunod mo kay Earthelle?" Tinignan ko na lang siya na para bang sinasabi ko na seryoso ka ba sa sinasabi mo?

"Ela ikaw ang pinaka nakakaalam kung ano ang pinagdaanan ko para lang makita si Thelle at ngayon na nakita ko na siya, hindi na ko maduduwag pa." buo na ko ng paninindigan.

"Korni ah tsss siguraduin mo lang let me remind you, you only have 3 months to do that after nun babalik na si Ma'am Hilda." At maalis ka na din sa school.

"I know." Sinandal ko ang balikat ko sa sandalan at doon nilagay ang lahat ng bigat na nararamdaman ko.

"At sigurado kong alam mo din ang pedeng mangyari, tulad niyan 2 weeks na kayong hindi nag-uusap ni Thelle. Anong laban mo kay Lawrenz Rivera kung lahat ng angkan ni Earthelle ay kampi sakanya?" Tsss pinaalala pa, pero totoo naman ang higit sa lahat ang pagmamahalan nila ay tanggap ng lahat, doon palang talo na ko.

Kaya iniba ko na lang muna ang topic namin masyado nan gang masakit ang katotohanan I need a break too.

"Pero alam mo Ela wag ka namang masyadong madikit saakin kapag nasa school tayo na i-issue tayong dalawa ee." Inirapaan niya lang ako at kakasabi ko lang na wag masyadong madikit ito naman nakayakap nanaman sa braso ko.

"Tsss as if naman na type kita? Ganun ako sa magiging future sister inlaw ko. Baka mayari pa ko sa kuya kapag may nnagyari sayo. Pasalamat na nga din ako at ikaw ang napunta sakin at hindi yung tatlo nay un kawawa ang kuya mo." Natawa na lang ako sa sinabi ni Ela.

"Sana sabihin mo din yan kay Thelle ng hindi na sya magselos sayo at pinag-iisipan pako ng kung ano-ano." Bumitiw na din siya sa pagkakayakap sa braso ko at umayos ulit ng upo.

"Kunin ko pa syang abay sa kasal namin. By the way next month ay start na ng preparation for the ball night ng school. Attend ka?" Nag-isip naman ako.

"Tsss ayoko ayaw na nga akong tantanan ni Aaron, tsaka anong ka kornihan na mag cosplay sa ball night? At pumayag naman ang lahatt ng college student adik ba sila?" Totoo naman saan ka makakakita na ball night ginawang cosplay? Napailing na lang ako dahil hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.

"Duh halatang hindi ka nagbabasa, yung pag co-cosplay ay para lang sa mga lalaki, syempre panahon na yun nang mga babae para makapaghiganti sa ginawa sakanila last year, at ayoko ng sabihin kung ano man yun." Halata din ang pandidiri sa mukha ni Ela, tumayo naman siya para kumuha ng wine inalok niya ko pero umiling na lang ako. Cosplay?! Ede hindi din nakita yung mukha nila!

"TEKAAA!!" bigla akong nabuhayan ng dugo.

"Alam ko na yang nasa isip mo Blythe Martinez." She gave me a look like she's so done with me. Sabay balik sa kanina niyang kinauupuan.

"Alam ko naman na hindi na ko makakalapit kay Thelle so I'll use this opportunity para makasama siya." Baliw na ba ko? well yes basta para kay Thelle.

"Bahala ka na sa buhay mo Blythe. Lumayas ka diyan mahihiga ako!" pinagsisipa niya ang braso ko ng bahagya ng nakahiga na ang kalahating parte ng katawan niya pero nakangiti lang akong tumayo, sige lang sipain mo lang ako basta gusto ko tong naisip ko.

- - -
Dumating ang Monday at nandito ako sa loob ng faculty kasama ang ibang mga co-teacher ko habang hinihintay mag bell for the first period.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now