ELEVEN

318 12 3
                                    

EARTHELLE

After one month hindi nagpakita si Blythe hindi na siya uma-attend ng class pagkatapos ng nangyari sa clinic bumalik na din si Ma'am Hilda, even Angela nag resign na siya as our school nurse.

Tungkol naman samin ni Xy inayos namin ang lahat lagi niyang pinipili ang iba so this time I want to choose her. She deserve it.

"Okay class tingin lahat sa gwapo kong mukha!" Minsan talaga ggss tong si Sir Aaron.

"Gusto ko lang kayong batiin na malapit na ang graduation niyo. Kapag nasa gym wag kayong makulit ah." Ang pagbibilin ni sir na parang mga bata lang ang pinagsasabihan niya.

"Bakit sir? Hindi ka pupunta sa practice?" Ang tanong nang isa naming kaklase.

"Hindi mainit sa gym. May isang bagay pa pala kong sasabihin sainyo." Bigla niyang pinalo ng kamay niya ang lamesa kaya lahat kami ay nagulat.

"Taon taon ay may nabubuntis bawat batch ng graduating students, baka isa sainyo umamin na kayo! Puro babae pa naman kayo."

"Sir sampu lang kami dito at single lahat si Earthelle lang naman ang may boyfriend eh." Sabay sabay silang tumingin sakin at inasar ako, sinubukan kong makipagbalikan kay Renz.

"Okay! Aamin na ko!" Tumayo naman tong si Clyde.

"Sir ako po ang buntis." At sabay sabay kaming nagtawanan siraulo talaga, pero halatang sinagip niya lang ako sa awkwardness sa loob ng room.

"Kasi naman Clyde magpakalalaki ka na ang gwapo gwapo mo pa naman" sabay nag asaran ang mga kaklase namin kaya si Clyde ay nandidiring umupo.

"No nevah! Pero na lang kapag sinagot ako ni Xy."

"Sapak gusto mo?" ayan mag-aaway nanaman tong dalawa.

"Okay class seryoso ko, proud ako sainyong lahat." Ang nangiting sabi ni Sir Aaron tumingin siya sa wrsit watch niya.

"Sige proceed na sa gym." Huli kaming lumabas tatlo.

"Ms.Castillo maiwan ka muna dito." Pinauna ko na sila Xy at Clyde, at lumapit kay Sir.

"Ms.Castillo I'm not saying this because you are my favorite student but I'm saying this because I saw a potential in you, here." May inabot siyang folder saakin.

"It's a special offer in Japan it's another two years training on being a mangaka. It's a full course scholar after you passed that additional course you can work in one of the famous manga industry there as a trainee and when you rech that level don't hesitate and doubt youself give your best shot and make every piece of your work your masterpiece." Tinapik niya ang baliat ko at kinuha ko yung inabot niyang folder.

"P-pero sir hindi po ako matalino."

"Oo alam ko." Tapos sabay kaming natawa.

"But I saw in your eyes how you much love to draw, maybe someday you will be famous mangaka I'll buy one for that and make sure you give me a free signature." Tinulak na niya ko palabas ng room nagpasalamat ako sakanya bago lumabas, nilagay ko muna ang folder sa locker ko tsaka pumunta sa gym.

2 hrs na kaming nag pra-practice kaya nag apela na kami ng break. Naupo muna kaming tatlo sa bleachers at tumapat sa electric fan.

"Babe!" Tumingin ako sa tumawag sakin and it's Renz. I know I hate him but maybe I'm the person who can save him the way Blythe saved me.

"Renz." Nakangiti siyang lumapit saakin.

"Pupunta ko ng canteen may gusto ka ba?" Umiling na lang ako.

"Hmmm okay, kayo Xy at Clyde?"

"Wala." Ang cold na sagot nitong dalawa, umalis na lang si Renz kasama ang mga barkada niya, halata naman na ayaw na ng dalawa kay Renz.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now