SEVENTEEN

283 12 1
                                    

EARTHELLE

Saturday ngayon kaya pinatay ko na muna ang alarm ko dahil wala namang pasok pero paggisng ko wala na si Blythe sa tabi ko. Tiningnan ko ang cellphone ko 9 am pa lang, kaya pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ko sa baba at naabutan ko si Mama sa kusina.

"Good morning ma." Sandali akong tiningnan ni mama at tinuloy ang pag scroll down at scroll up niya sa facebook.

"Good morning tanghali na, paano kapag nagsama na kayo ni Blythe tanghali ka na din gigising?" Ang pagsermon saakin ni Mama.

"Ma naman, nga pala ma si Blythe?"

"Si Blythe nagpaalam na lilinisin na daw niya muna yung tutuluyan niya sa paupahan ng Amelia. Pupuntahan mo ba?" Tumango naman ako.

"Kumain ka muna at magbihis ka, mahiya ka naman sa girlfriend mo."

"Okay ma" napabuntong hininga na lang ako.

"Weekend ngayon kaya kailangan may bantay sa dalawa nating branch ako nasa main branch lang kaya kapag may kailangan ka tawagan mo ko kaagad ah." Aalis pala bakit nakaupo lang dito at nag fa-facebook?

Pumunta na ko sa kusina at nagsimulang kainin yung natirang pagkain para sakin.

"Nga pala ma si insan?" Ang sigaw ko.

"Si Amy pinayagan muna namin mag-gala ng tita mo kasama mga yung co-teachers niya alam mo naman yun." Tumayo na siya at lumapit sakin.

"Aalis na ko hinintay lang talaga kitang magising. Ipagpaalam mo na lang ako kay Blythe kayo munang dalawa ang bahala dito ah." Hinalikan niya ko sa pisngi at pamaya maya pa ay may bumusina na sa labas yung driver namin.

Ginawa ko muna ang lahat ng binilin ni mama bago ko puntahan si Blythe sa paupahan ni Tita, aaminin ko pagkatapos ng gabi na may muntikan ng may mangayari samin hindi na maiwasan ang maulit yun, pero ginagawa namin ang lahat para lang maiwasan yun. Ehem! Ehem! Kahit nakakatukso si Blythe.

"Langya naman Xian! Linis ba yan?! May nakikita pa kong bahay ng gagamba oh!" Kaya binilisan ko na yung pag-akyat sa hagdan at nakita ko si Blythe na nakaupo lang sa upuan habang sila Jin at Xian ay hirap na hirap sa paglilinis, tapos itong ibang umuupa naman kay Tita na babae ay titig na titig sa mga topless na sila Jin at Xian, yung iba naman pinagbubulungan yung ganda ni Blythe kaya lumapit agad ako kay Blythe at yinakap siya. Sabay titig ng masama sa mga babae kaya nagsipasukan sila sa mga kwarto nila.

"Thelle good morning." Ang nakangiting bati sakin ni Blythe sabay bigay saakin ng isang halik sa pisngi.

"Good morning lady boss!" Kinawayan ako nung dalawa habang may hawak na basahan at walis tambo.

"Pumunta pa naman ako dito para tulungan ka tapos maabutan kong naka upo ka lang diyan at inuutusan mo yung dalawa." Bumitiw na ko sakanya pero hawak padin niya yung kamay ko at inupo niya ko sa lap niya.

"Ede tulungan mo kong utusan silang dalawa." Kaya natawa na lang siya.

"Lady boss okay lang kami kailangan ko ding ma exercise tong sexy body ko." Ang mayabang na sabi ni Jin.

"Ewan ah pero mas maganda parin talaga para sakin yung kay Xian." Kaya lumapit sakin si Xian at nakipag apir, pero hinarang to ni Blythe.

"Sinabi kong lumapit ka samin? Ge tuloy sa paglinis" natawa na lang ako sa kasungitan ni Blythe. Naging kumportable nadin ako kay Xian dahil din siguro may tiwala ako kay Blythe, dahil minsan TIWALA lang ang kailangan.  Mga isang oras ko lang sila pinapanood tatlo na magbangayan sa paglilinis habang ako ay nakaupo na dahil tumayo na din si Blythe.

"Gagawa lang ako ng mirienda natin." Ang pag prisinta ko.

"Wag na MYLO nagpa deliver na lang ako ng pizza na favorite mo."

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now