THIRTEEN

386 17 4
                                    

EARTHELLE

Maaga akong pumunta sa company, papasok palang ako ay hinarang na ko agad nang guard pero ng sinabi ko na pinapunta ko dito ni Mr.Minatozaki ay pinapasok na niya agad ako at pinapunta na agad ako sa 4th floor.

Hindi naman ganun kalaki ang Building hanggang 5th floor lang ito tapos may rooftop.

Sa 1st floor dito ang mga staff for printing purposes at yung information desk, 2nd floor sa palagay ko ay dito ginaganap ang meeting para sa lahat ng staff. 3rd floor naman is ang pang game testing room salamin ang lahat ng bintana sa bawat room kaya kitang kita ang mga hi-tech na gamit sa paglalaro, sa 4th floor naman ang private floor para sa team sa mga gumagawa ng Game and the 5th floor ang office ni Mr.Minatozaki.

"Ma'am dito na lang po muna kayo maghintay kay Mr.Minatozaki na inform po kami sa pagdating niyo." Nagpasalamat naman ako sa guard bago siya bumalis sa ground floor. Naglakad lakad ako mayroon itong 3 rooms, pinagmasdan ko din ang ilang poster ng game na una nilang ni launch infairness ang ganda ng graphics ma try nga. Manghang mangha ako grabe ang ganda! dati gamer lang ako ng LOL, DOTA,ML,RAN,FLYFF, RAGNAROK,DRAGON QUEST ngayon gagawa na ko yieeee! Excited na ko!

Dahil sa manghang manga ako sa graphics ng unang game nilang launch na ADVENTURE TO OLYMPUS ay hindi ko napansin ng may bigla na lang akong nabunggo.

"I'm sorry Miss, sorry talaga." Ang paghingi ko sakanya ng sorry.

"Okay lang." Tumingin ako sa babaeng nakabunggo ko, ang ganda niya ah medyo may parehas sila ng dating ni Angela. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga papel na kumalat dahil sa pagkakabangga naming sa isa't isa.

"Honey! Are you okay?" ang nag-aalalang tanong nung isang babae kaboses pa nga ni Blythe eh hay nako nag i- imagine nanaman ako! then inalalayan niyang tumayo ang babaeng nakabunggo ko.

"B-Blythe?" tumayo na ko para harapin ulit yung babaeng nakabunggo ko pero laking gulat ko na ang nakaalalay sakanya ay si Blythe, halata din ang pagkagulat sakanya.

"T-thelle?" Sandali niya lang akong tiningnan at binalik niya muli ang atensyon sa may magandang babae na nakabunggo ko. Hilig niya sa ganitong type ng babae ah bakit konti lang naman ang nilaki ng hinaharap nito kesa sakin, gusto ba niya yung medyo wild type? Tsss!

"Honey okay ka lang?" Tumango naman yung babae, ano dito pa sila sa harap ko maglalandian?! Wait wala nga pala kong karapatan dahil ako yung sumuko, ako yung nang-iwan.

"Good, just wait me in my office." Tumango naman tong babae bago maglakad papasok sa office na sinabi ni Blythe. pagkalayo nung babae ay hindi ako makapaniwalang tingnan si Blythe, Honey?! Tsss sabi na ee may girlfriend na siya ano bang aasahan ko? hihintayin pa din niya ko pagktapos ko siyang saktan?

"What are you doing here Thelle?" nagtataka pero nakangiti niyang tanong, ano ba Blythe?! yung dimples mo nakakainlove!

"Si Mr.Minatozaki offered me a job as a visual artist here." Lalo pang lumawak ang ngiti ng loko. Pero.... Bakit siya nakangiti? Hindi ba dapat ay galit siya sakin dahil sa ginawa ko noon?

"Ah ikaw yun,hindi ko kasi nabasa yung e-mail sakin ni Mr.Minatozaki pero tara ipapakilala na kita sa team." hindi ako sumunod sakanya kaya huminto siya sa pagpihit ng pinto at humarap sakin. Kasi for how many years parang wala lang sakanya ang lahat?! Walang dramang magaganap?

"Honey? Akala ko ba ayaw mo ng ganyang tawagan?" sandal niyang tinakpan ang bibig niya at pinigilan yung tawa niya, okay this is her way para gumanti sakin to act na parang walang nangyari saamin noon.

"Excuse me? Are you thinking that? ohhhh." Kaya ayan hindi na niya napigilan yung tawa niya ako naman ay naiinis ko lang siyang pinagmasdan habang tumatawa.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now