TWENTY SIX

344 13 0
                                    

EARTHELLE

"Thelle! Pupunta daw sila Mama at Dada kila kuya! Gusto ka daw nilang makita!" Ang parang masayang batang sabi ni Blythe. Kaya hinalikan ko ang pisngi niya pagkaupo niya sa harap ng lamesa. Mamaya pa kasi ang uwi nila Mama..

"Okay MYLO pupunta tayo, sige na kumain ka na tapos maligo na tayo." Pakiramdam ko nakikipag usap ako sa isang bata.

"Yung part bang sinabi mong maliligo tayo... As in sabay tayo?" Natatawa ko na kang na pinitik yung noo niya.

"No." Kaya sabay na lang kaming natawa.

Naghanda na kami para sa pagpunta kila Blake.

Tulad ng inaasahan ko sabik na sabik sila Mama at Dada sa apo nila naisip ko tuloy hindi kaya nila hahanapan ng apo si Blythe? Pero hinayaan na muna namin ni Ela na mag-usap silang magpapamilyabl kaya pumunta na muna kaming dalawa sa pool area ng bahay nila.

"Ang saya nilang tingnan no?" Ang nasabi ko na lang kasi nakikita namin sila mula sa kinatatayuan naming dalawa kahit malayo kami.

"Thelle." Huminga muna ko ng malalim.

"Gusto ko lang sabihin sayo na tanggap ko na, tanggap ko na kayo ni Blythe. Ako ang bestfriend ni Blythe at alam kong hanggang doon na lang. Please love her at wag na wag mong gagawin sakanya ang ginawa ko sakanya noon." Hinawakan ko naman ang kamay ni Ela.

"Kahit hindi mo sabihin, yun ang gagawin ko para kay Blythe. Wala akong ibang gagawin kung hindi mahalin siya." Ngumiti naman siya saakin at binitiwan ang kamay ko.

"Pero pwedeng mga ilang buwan wag ka munang magpakita sakin?" Siraulo to ah!

"Tsss at bakit?"

"Ayoko lang nakikita ka, pakiradam ko kasi medyo gumanda ka sakin." WTF eh kung titingnan nga siya sobrang ganda padin niya.

"Yeah! Yeah! Whatever." Pero tulad nga ng sinabi ni Xy intindihin ko na muna siya.

"Pero sigurado ba kayong okay lang kayo ni Blythe? About doon sa plan niyo?"

"Oo naman, malapit na din matapos ang project na ginagawa namin."

"Hays bahala na nga kayong dalawa malaki na kayo." Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa.

"Hays parang kailan lang inuuntog ko pa ang sarili ko sa lamesa ko dahil hindi ko matanggap na iniwan lang ako ni Blythe sa ere. Parang kailan lang inis na inis ako sayo." Nagkatinginan kami ni Ela.

"Pero hanggang ngayon inis padin ako sayo." Aba parehas naman pala kami ng nararamdaman.

"Masyadong maganda ang lahat ng nangyayari. Parang panaginip lang ang lahat. Parang istorya lang sa libro ang lahat."

"Gumawa kasi kayo ng paraan ni Blythe para magkatotoo ang lahat."

"At tinulungan mo kami."

"Hindi padin ako makapaniwala dahil sa dami dami ng tao sa mundo hindi ko aakalain na matutuloy pa namin ni Blythe ang storyang kaming dalawa ang bumuo." Inabutan niya lang ako ng isang baso ng juice.

"Wag kang mag drama pwede?" Kaya natawa na lang ako. Hindi na siguro talaga maalis kay Ela ang pagiging masungit.

Tumingin ako sa kalangitan at tsaka kinurot ang sarili ko.

"Totoo nga ba to lahat o panaginip lang ang lahat ng ito?" Hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko

Nginitian lang ako ni Ela.

"Panaginip lang ang lahat ng ito Thelle." Langya panira talaga to ng moment eh.

Nagkaroon na din ng pagkakataon na makilala ng pamilya ko ang pamilya ni Blythe. Nagpahangin muna ko sa labas ng bahay grabe kasi nagkasundo silang lahat sa sobrang close nila ako ang laging na bu-bully. Grabe hahaha.

"Bakit naman nandito ka?" Tumabi sya sa tabi ko. Kung saan kami nakaupo noon nung sumayaw pa siya ng isa sa kanta ng TWICE para lang gisingin ang natutulog kong diwa nun after kong mag review.

"Salamat Blythe." Hinawakan ko ang kamay niya at sumandal sa balikat niya.

"Salamat, saan?" Naramdaman ko na hinalikan na muna niya ang noo ko bago siya magsalita.

"Salamat kasi hinanap mo ko, gumawa ka ng paraan para magkita tayo."

"Hindi kasi ko naniniwala na hintayin mong dumating ang taong nakatandahana para sayo." Tumingin ako sakanya.

"Kasi dumating ka na noon eh. Pero pinakawalan kita, kaya ito gumawa ako ng paraan para magkita tayo ulit dalawa." Hinalikan niya ang noo ko

"Mahal na mahal kita at hindi ko na nakikita ang sariki kong magmamahal pa ko ng iba." Kinurot ko naman ang ilong niya.

"Sobrang cheesy MYLO." Lalo ko ngang diniinan kaya pinalo niya yung braso ko kaya bumitaw na ko.

"Aray ah!" Kaya natatawa ko lang siyang tiningnan.

"Blythe totoo ka ba talaga? Bakit sobrang perfect mo?" Hinawakan niya lang ang pisngi ko.

"Totoong totoo ko Thelle." Binigyan niya ko ng maikling halik sa labi.

"Natatakot akong matulog, natatakot ako na baka paggising ko wala ka na." Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya.

"Luma na yan. Alam kong napagod ka sige na matulog ka na. Paggising mo, nandito padin ako." Sa mga salita niya naramdamam ko na lang ang unti unting pagbigat ng mata ko basta ang alam ko nakatulog ako habang yakap ko ang taong mahal na mahal ko na si Blythe Martinez.

- - -
Note:

Sorry alam kong sobrang sabaw ng chapter na to at dahil nalalapit ng matapos ang love story nila Blythe at Earthelle gusto kong mag thank you sa lahat ng nagbasa kung meron man lab ko kayo bwahahaha.

Lablab ❤
-Ms98Percent

CONNECTED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon