TWO

543 20 4
                                    

EARTHELLE

It's been a week ng magturo dito si Blythe at nung nakabisado na niya ang schedule niya ay iniiwasan ko na siya at kapag nagtuturo siya sa class namin binabaling ko na lang ang atensyon ko sa pag dra-drawing sa likod ng notebook ko. Dahil ganun din naman Wala din naman akong maiintindihan.

"That's all for today." Mukhang wala din siya sa mood.

"Mga Beks una na ko hindi ako makakasabay makauwi may practice kami sa gym ng volleyball para sa intrams." Si Clyde

"Ako din para sa quizbee" Si Xy.

Hay ako wala man lang akong masalihan dahil sa sakit ko sa likod ko hays.

"Sige si Renz naman ay mamaya pang 7:30 tapos ng klase niya." Naghiwa-hiwalay na kami at sobrang malas ko nga naman umulan pa ang hirap nyan mag commute.

"Bahala na susugod na lang ako sa ulan!" Ready na sana ko sa pagtakbo ng bigla na lang may humila sa braso ko.

"Ms.Castillo." napasandal tuloy ako sa dibdib niya mwehehehe flat pala siya.

"M-Ms.Blythe!" Napaatras na lang ako mahirap na baka may makakita pa sakin nasa bansa pa naman tayo ng mga ma issue.

"Iniiwasan mo ba ko?" bakit? Bakit alam niya? Masyado ba kong obvious?

"P-po? Bakit ko naman po yun gagawin? Ayoko lang pong isipin ng iba na feeling close po ako sainyo MA'AM, teacher po kayo." Diniinan ko talaga yung Ma'am.

"Haist. Okay pero bakit ikaw lang mag-isa? Nasan sila Ms.Bueneventura at Mr.Sanchez?" Na i-imagine ko tuloy yung mga panong kami pa ganito din kaya ang reaksyon niya kapag nag-aalala siya sakin?

"Naghahanda po sila para sa nalalapit na intramurals."

"Ikaw ano ginagawa mo?"

"Po?"

"Bakit ka susugid sa lakas ng ulan? Malapit na ang exam niyo pano kapag nagkasakit ka? Mahirap kumuha ng exam ng may sakit." Tiningnan ko lang siya ng diretso sa mata. Blythe please hanggang maaga umamin ka na just tell me na nakikilala ko kahit sa boses ko lang kahit sa labi ko lang please yun lang ang gusto ko yun lang ang kailangan ko, yun lang ang sign na hinihintay ko.

"Ka-"

"Babe!" Napatingin kami kay Renz na nagmamandali at may dalang payong. Napaatras naman si Blythe to give us space. Okay so ito na ba yung sign?

"Ms.Martinez?" Ang nagtatakang tanong ni Renz at nagpabalik balik ang tingin saamin ni Blythe.

"Pinigilan ko lang si Ms Castillo na tumakbo sa ulan but I'm glad that you're here just take care of her." Naglakad na siya palayo ako naman ay hindi maalis ang tingin sakanya.

"Babe okay ka lang? Napagalitan ka ba ni Ms.Martinez?" Umiling lang ako.

"Hindi teka bakit nandito ka? Di ba mamaya pa yung tapos ng klase mo?" Nginitian niya lang ako.

"Yup pero naalala kita ng bumuhos yung ulan kaya nagpaalam muna ko sa prof naming at nagmamandali akong hanapin ka at mabuti na lang naabutan kita." No please Renz. Nakokonsensya na ko.

"R-renz I want to tell you something." Hinigpitan lang ni Renz ang hawak sa kamay ko. alam na kaya niya? Nararamdaman na ba niya ang panlalamig ko sakanya?

"Tara na isasakay na lang kita ng taxi." Naglakad na kami at ng may dumaang taxi ay sinakay na niya ko dito, bago to umalis ay tinanong niya na kung magkano ang hanggang saamin at siya na ang nagbayad, nakita ko din na kinuhanan niya yung plate number bago niya kami paalisin.

"Text mo ko babe kapag nakarating ka nasainyo ah." Ang hirap ayoko na ng ganito I need to be fair with him.

"Thank you." Napasandal na lang ako at tumingin sa hintana habang pinanood ang mga patak ng ulan.

CONNECTED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon