FOURTEEN

327 13 2
                                    

BLYTHE

Buhay nga naman oh! Ang hirap naman na may kasamang buntis tapos ako pa yung pinagiinitan ng isang to, teka sabagay kahit naman hindi buntis tong isang to pinagiinitan padin ako.

"Ikaw Blythe sabi ko sayo yung choco drink ko sakin lang!" Jusko naman kanina pa ko salo ng salo ng unan na binabalibag sakin ni Ela, Tanga ko naman ay yung bawat unan na binabalibag niya ay binabalik ko naman sakanya, hanggang sa matamaan ang kakadating lang na si Kuya Blake.

"Hon, Blythe what's happening here?" Ang kalmado na sabi ni Kuya.

"Hon si Blythe ininom yung choco drink ko." Ang sumbong nitong si Ela na to.

"Hays okay sorry." Ang nasabi ko na lang, kumalma ka Blythe.

"Don't worry hon I'll buy you a new one okay?" Huminahon naman si Ela.

"Sige na magpahinga ka na muna sa kwarto bawal kang ma stress para kay baby." Pumasok naman si Ela kaya eto kaharap ko na si Kuya.

"Okay I know Sorry, nasanay lang akong iniinom yung sakanya alam mo naman ganun ko lang naiinis si Ela." Binigyan ko ng isang alanganing ngiti si kuya pero deep inside sigurado ko patay na ko sa isang to.

"I understand bestfriend mo siya, but Blythe iba na ang sitwasyon ngayon." Tumanggo naman ako at ngumiti.

"Okay naiintindihan ko kuya. Hahanap muna ko ng ibang matitirhan FOR NOW pero Kapag lumabas na ang una kong pamangkin babalik ako dito ah." Yinakap ko siya.

"Of course pero ngayon intindihin mo muna ang pagbubuntis ni Ela." Bumitiw na ko.

"Wag mo ng sabihin kay Ela alam ko kahit masama ang budhi nun makokonsensya yun." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

"Don't worry hindi ko sasabihin, but if you need something just tell me bunso. Okay?" Tumango lang ako at nagpaalam na ko para ayusin ang mga gamit ko at sumakay sa kotse ko para maghanap ng matitirhan. Hmmm kanino kaya ako unang puounta? Kay Alex!

Pagdating ko sa sariling bahay ni Alex wala sya dito malamang nasa car repair shop yun, kaya kaya agad akong pumunta dito para makausap siya pero pagpunta ko sa office niya nakita ko siyang natutulog na sa banig eh halos na yata lahat ng gamit niya nandito na, kung hindi ko lang kilala ang pamilya ng isang to maawa na ko.

Hindi na ko nagtangakang pumasok pa dahil nga natutulog pa to at promise kung gaano kabait si Alex kapag gising ganun kasama ang ugali niya kapag may sumira ng tulog niya, mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang mga tauhan dito dahil ang alam ko ay mga tapat tong tauhan nila Tito.

Okay next stop sa kuya niya. Sana pwede kay Jin dahil malapit lapit to sa studio.

Napalunok pa ako bago ko buksan tong pinto.

"Sure na ba papasok ako dito?" Pipihitin ko na sana yung pintuan ng bigla tong bumukas at lumabas ang top less na si Jin habang binabalibag siya ng kung ako ano nung babae na naka robe lang.

"Mamatay ka na Jin! Napaka babaero mo! Mamatay ka na! Lumayas ka!" Tumabi muna ko sa gilid at pinanood lang si Jin habang iniiwasan niya lahat ng binabato nung babae teka kutsilyo yata yung isang yun hindi ko tuloy mapigilang matawa.

"T-teka lang! Bahay ko to ah bakit ako lalayas?!" Then bigla na lang akong nabalingan ng babae niya.

"Eto ba?! Eto ba ang pinalit mo sakin Jin?" Susugurin na ko nung babae para sampalin pero mabilis na lumapit si Jin para saluhin ang sampal na to.

"At ngayon pagtatanggol mo pa siya?! Magsama kayo!" Umalis na lang yung babae sakay yung pink na kotse niya.

"Boss anong ginagawa mo dito?" Ang tanong niya habang pinupulot yung mga gamit na hinagis nung babae kanina.

CONNECTED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon