"Aray, stop, stop."

"Mag-sorry ka muna."

"Ayoko nga."

Muli niyang hinigit ang buhok nito. "Aray, aray, Ate. Oo na, ikaw na ang pinakamaganda at pinakamagaling kong Ate. Walang puwedeng tumapat. Patawad po, mahal na diyosa."

"That doesn't sound like a sorry at all," she grabbed a handful of his hair.

"Aw, aw, aw. Sorry na po, Sorry, sorry, sorry, sorry, naega, naega, naega meonjeo, nege, nege--aw!"

"Siraulo ka talaga," mariin niyang pinisil ang magkabila nitong pisngi. 

Kahit gustong-gusto niya itong batukan ay hindi niya magawa dahil baka lalong maalog ang utak, mag-relocate sa talampakan.

Itinaas nito ang dalawang kamay at nag-finger heart sign.

"Wuvyu," sabi nito habang pisil-pisil niya ang magkabilang pisngi.

Dahil na rin sa awa ay binitiwan na niya ang pagkakapisil sa magkabilang pisngi nito. Nakasimangot na minasahe nito ng magkabilang palad ang pisngi. Pulang-pula na iyon.

"Isusumbong kita sa Bantay-Pogi at sa presidente ng fan club ko."

"Talaga? At sino naman ang presidenteng 'yan, aber?"

"Huwag kang maingay," bahagya itong lumapit sa kanya. "Si Mama, kaya lang hindi niya pa alam."

Ang halakhak na nakahanda ng kumawala sa mga labi ni Mariz ay hindi niya napawalan. Nasilip niya ang lungkot sa mga mata ng kapatid sa kabila ng ngiting nakaguhit sa mga labi nito. May naramdaman siyang awa rito. She understands his yearning for their mother's love and approval. Something that seemed to be next to impossible.

"It will happen, someday. Just be patient with her."

"Yeah, I know."

Ginulo niya ang tuktok ng buhok nito.

"Ate," saway nito sa ginagawa niya.

Tumawa lang siya saka inayos ang tuwid na hibla ng buhok nito at sinuklay iyon ng mga daliri.

"Go and take a shower."

Inamoy-amoy nito ang magkabilang kili-kili.

"Mabango pa naman ako, ah."

"O, di okay. Ikaw ang bahala. Ganyan na rin ba ang bihis mo?" she eyed his shoes, sweatpants and gym sando.

"Wait. Lalabas ba tayo?" biglang nangislap ang mga mata nito.

"Since it's my day off, I figured maybe I should take my brother on a sibling date."

In an instant, biglang na-eject sa kinauupuan nito si Odilon at tumakbo patungo sa hagdan para umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Napangiti na lang siya. Tatayo na rin sana siya para mag-ayos ng sarili sa kanyang kuwarto nang biglang bumalik ang kapatid at yakapin siya sabay halik sa kanyang pisngi.

"Thank you, Ate. You're the best!"

"Bolero. Lalabas lang naman tayo para mahanginan ka."

Nag-echo lang ang tawa nito sa buong bahay. Alam kasi nito na kapag niyaya niya itong lumabas ay kasama na roon ang kaunting shopping. At pagdating dito, hindi siya nagtitipid kung anuman ang gusto nitong bilhin basta kaya ng kanyang budget. May sariling credit card at allowance ang kanyang kapatid mula sa kanilang ama. Ngunit kontrolado ng Mama nila ang lahat ng expenses nito. Kapag may nakita itong irregularities sa credit card bill ni Odilon ay kaagad nitong hinihingian ng paliwanag ang binata. At kapag sa palagay nito hindi tama ang expenditures ni Odilon, kinukumpiska nito ang credit card ng anak.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriDonde viven las historias. Descúbrelo ahora