"Um..." wala siyang naalalang tinanong siya nito.

"Also, may napapansin ka bang kakaiba na parang... lumalayo na ang Papa mo sa'yo? Like, 'di ka niya pinapansin or gumagawa na ng rason para hindi ka niya makita?"

"Huh?" naalala niya na hindi si Roman ang sumundo sa kanya kanina at kanina ding umaga na hindi siya nito kinikibo.

"I think that means, nagsisimula ka ng balewalain ng Papa mo? Do you think alam mo ang reason kung bakit?"

Dahil ba sa nangyari kagabi?

"Sa nakikita ko sa mukha mo parang alam ko na ang sagot. Naku sana naman hindi 'yan magkakatotoo pero mostly nangyayari naman talaga 'yan sa mga pamilya. It's either may nakakuha na ang atensyon sa iba or napapagod lang at binibigay na lang ang gusto mo o natin para wala ng drama. Prangka na lang pero parang ang tingin nila sa atin ay pabigat na lang."

Pabigat? Ganoon ba ang tingin sa kanya ni Roman? Talaga bang nainis ito ng husto dahil nagaalala lang siya na sa tagal niyang pananatili sa poder nito at kung sakaling aampunin siya, may posibilidad na babalik ang kanyang totoong ama. Hindi naman niya inisip na masasaktan si Roman ng husto ng dahil doon.

"Here, have some drink." Kinuha niya ang alok nitong baso at inimon ang alak.

"You know Alana," ramdam niya ang kamay sa kanyang hita. "Kung may problema ka, pwede mo namang ikwento sa akin. I'm a good listener and kung gusto mo, bigyan pa kita ng advise. Ako naman ang taong medaling lapitan. Also, we can enjoy like kumain sa labas at kahit ano pa. Game ako."

"Um..." ano ngang pinagsasabi nito. Medyo nakakaramdam siya ng konting hilo dahil sa alak.

Ramdam na naman niya na hinihimas papataas ang kamay nito sa kanyang hita.

"What do you think?" pabulong tanong nito sa kanya.

Natigil sila ng marinig nila ang tili sa loob at siren ng sasakyan sa labas. Hindi niya alam anong nangyayari pero halos lahat ng tao at hindi mapakali. Ang iba ay kumaripas ng takbo at tumalon pa sa bakod.

Agad niyang sinuot ang kanyang jacket at pumasok sa loob. Biglang tumayo ang kanyang balahibo ng makita niya na may mga pulis at isa-isang dinadakip ang mga bisita lalo na sila Ruby at Queenie na inaaway pa ang mga pulis.

Bigla siyang natakot n gang isa sa mga pulis ay bigla siyang hinawakan at hinatak sa may bandang sulok kasama ang iba pang kagaya niya. Nakatayo lamang sila habang ang iba ay nagsisimula ng umiyak.

Pagkatapos ng inspeksyon ng mga pulis sa bawat sulok ng bahay, dinala sila sa Patrol car at isa-isa silang pinasakay.


[ALANA]

Dinala sila sa Police station at isa-isa silang kinunan ng panayam. Kaba at takot ang kanyang nararamdaman at gusto niyang umiyak. Kung ganito lang pala ang mangyayari sana hindi na lang siya pumunta. Sana nandoon na lang siya sa bahay ay ine-enjoy ang sarili sa panonood habang kumakain.

Grabeng pagsisisi niya dahil hindi niya inisip kung ano ang magiging kahinatnan 'pag pumunta siya. Inisip lamang niya ang kanyang sarili.

Sinabihan sila ng pulis na tawagan ang kanilang mga magulang para sunduin sila. Agad niyang naisip si Roman.

Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang cellphone. Papaano na 'pag nalaman ni Roman ito?! Papaano niya sasabihin na nandito siya sa Police station? Papaano niya ipapaliwanag na lumabas siya ng bahay, pumunta sa isang party na hindi siya nagpaalam rito?

Ano na? Ano na ang gagawin niya?

"Miss Alana Manicci?" tawag sa kanya ng pulis.

"Po?"

"Pwede ka ng lumabas."

"Ta-talaga po?!"

"Dumating na ang sundo mo. Nasa labas at hinihintay ka."

Alam na niyang si Roman ang naghihintay sa kanya. Pikit matang palihim siyang nagdarasal na sana hindi ito galit sa kanya. Magpapaliwanag siya ng mabuti at sana maiintindihan siya nito.

Paglabas niya sa Police Station, bigla siyang hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan ng makita ang mukha nito. Nakatayo ito sa tabi ng sasakyan at hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Papalapit na siya rito ng binuksan ang pinto ng passenger seat para sa kanya at nauna na itong pumasok sa loob.

Pumasok siya sa sasakyan at ramdam niya ang bigat ng mga kamay nito sa pag-andar ng makina at sa magkontrol ng manibela. Tahimik lamang silang hanggang dumating na sila sa bahay.


To be continued...

REMINDER:  The"Discipline" Chapter will be moved to Chapter 45.

Hi, Leexhian here! Kindly follow my Wattpad Account for instant notification for my existing and coming soon stories. Thank you for the support! CHuAMnidah and see you in the next chapter!!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now