Pinalo ko siya sa braso at nagpatuloy na sa paglalakad. "Di na kita tutulungan. Magsuot ka na lang ng eyeglasses saka face mask sa Monday."

"I actually thought of the eyeglasses already. Okay na siguro kahit di ako magsuot ng face mask."

Tiningnan ko siya at napangiti sa naisip ko. "So that means you care enough about your image to cover your black eye but not enough to cover your busted lips."

Napangiti si Alec sa pagbabalik ko ng assessment niya sa akin. "Of course I care about that. If word goes around na may nang bugbog sa akin, wala nang matatakot sa akin. Marami rin akong kaaway sa school, I don't want to get into more trouble."

"Marami kang kaaway?"

"I'm not exactly a good girl, Sophie." Sagot niya. "Of course marami akong kaaway. Alam lang nila ang consequences pag inatake nila ako kaya sila umiiwas."

"Like?"

"I know a lot about the people in our school. Who's dating who. What makes them do this and that. And I can always get more information if I wanted to. It's just a matter of how to apply those information against them."

"How about me?"

"Honestly, I don't have that much information against you."

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. "Pwede ka siguro mag-apply sa NBI. Feeling ko magaling ka magimbestiga if you'd use your skills properly."

"I'll take that as a compliment."

"Gusto mo bang subukan yung concealer ko? Di ako sure kung match tayo ng skin tone pero baka makatulong?"

Umiling si Alec. "Hindi na, okay na ako. Pasok ka na sa loob."

"Sure ka?"

"Yeah."

Nakatayo lang kaming dalawa sa sidewalk. Parang ayoko pang pumasok sa loob. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Good night, Sophie." Paalam ni Alec. "I'll see you on Monday."

"Salamat sa paghatid. Good night."

Tumalikod na si Alec at naglakad papalayo. Matapos ang ilang hakbang ay lumingon siya sa akin, ngumiti at kumaway. Kumaway ako pabalik at pinanuod siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Saka ko lang na-realize na nakangiti ako the whole time noong nakapasok na ako sa apartment ko. Ibinaba ko na yung gamit ko at nagayos para sa pagtulog. 


Nang mag-Monday ay nakatanggap ako ng text galing kay Leone na nagsasabing gusto niya ako makausap. Nagreply ako sa kanya na bakante ako ng lunch break ko.

Pero bago pa ako makalabas ng apartment ko ay may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ito ay nginitian ako ni Louisse.

"Buti naabutan kita."

"Papasok na sana ako. Ba't napadaan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkaayos na kami ni Leone but since we're already deep in trouble sa school we thought na it's better if she just continues with the story she started."

"Anong---ah," Naalala ko bigla yung away nila Leone at Alec sa may hagdan.

"Okay lang ba? Leone's going to act like nililigawan ka niya pero you can just act uninterested on that. Friends pa rin naman tayo di ba?"

"I think that's a bad idea," mahina kong sagot.

"It's not the best idea out there pero kung gusto mo pwede mo naman bastedin kaagad si Leone para back to friends na lang kayo. At least in the people's eyes, tapos na agad yun." Suhestiyon ni Louisse. "Better?"

Polar OppositesWhere stories live. Discover now