VIGINTI SEPTEM

720 76 18
                                    

Sa psychology, may tinatawag tayong "Hard-to-Reach Effect".

Sinasabi dito na natural sa ating mga tao na mas maging attracted sa mga bagay o mga taong "mahirap abutin". The more "high standard" something or someone is, the more desirable it tends to be for us---whether we are conscious about this or not.

Kaya siguro nagustuhan ko si Pamela.

Mula noong elementary kami, parang ang hirap-hirap na niyang abutin. Pamela Lavista is the kind of girl who would automatically be the center of attention. Maganda, mabait, mapagpakumbaba, matalino, at maganda. Oo, doble talaga ang "maganda". Hindi na nakakapagtakang siya palagi ang nagiging "muse" tuwing may election of officers sa klase namin. Sinubukan ko rin naman i-nominate noon ang sarili ko bilang "escort" para sana lagi kaming magka-partner ni Pam sa mga school pageants, pero palagi talaga akong natatalo.

Anyway, I've always been admiring her from afar (creepy, I know).

At sa mangilan-ngilang pagkakataon, naiisip ko na lang: may posibilidad ba talagang magustuhan ako ni Pamela?

"I-I rejected Keifer's affection because I like you, Rein Aristello."

Parang naglo-loading pa rin sa utak ko ang sinabi niya kanina. Ayaw nitong iproseso ang katotohanang may gusto rin sa'kin ang babaeng matagal ko nang hinahangaan.

Lalong ayaw iproseso ng utak ko ang katotohanang hinahalikan ko na siya.

'Kung nananaginip lang pala ako, sasapakin ko talaga ang sinumang gigising sa'kin.'

Para akong nakainom ng sampung bote ng beer. Ganito pala ang pakiramdam na malasing ka sa mga halik ni Pamela. Her soft lips felt like cotton against mine. Pamela wrapped her hands around my neck and deepened the kiss. Akmang hihilain na niya sana ako pahiga sa kama nang biglang lumitaw sa utak ko ang galit na mukha ni Lady Medusa.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang maalala ko kung nasaan kami at kung kaninong kama ang kamuntikan na naming mabinyagan.

'Shit!'

Bigla akong napaatras at lumayo kay Pamela.

Kumunot naman ang noo niya sa naging reaksyon ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama at pinasadahan ng kamay ang buhok ko. 'Mabuti na lang talaga at nakapagpigil ako! Damn it, Rein. You'll get yourself killed by turning your boss' bed into a love-making venue,' napalunok ako at mabilis na umiwas kay Pamela. Delikado na.

"U-Um.." I cleared my throat. Hindi ako makatingin sa kanya at paniguradong namumula pa rin ang mga tainga ko sa kahihiyan, "Ihatid na kaya kita sa inyo? B-Baka hinahanap ka na ng pamilya mo."

Nang hindi umimik si Pamela, napalingon ako sa kanya. She had this cute worried look on her angelic face when she asked, "Rein, anong problema? A-Ayaw mo ba sa'kin?"

Kamuntikan na akong humagalpak nang tawa. 'Is she seriously asking me if I don't want her?' Marunong din palang magbiro si Pamela.

Para na rin niyang tinanong kung ayaw ko ba ng oxygen.

Akmang sasagutin ko na sana ang tanong niya nang bigla akong nakarinig ng tunog ng mga ahas.

I spun around and tried to locate the noise. Kinakabahan kong sinilip ang ilalim ng kama ni Medusa para tingnan kung naroon ba ang sawa, pero nadismaya ako nang makitang wala ito roon.

'Why the hell am I hearing hissing snakes?'

*

Medusa's expensive heels clicked on the cemented floor as she pushed open the doors of the warehouse. Walang-gana niyang nilapitan sina Caprissa at Markus na natigil sa paglalaro ng chess.

✔Sold to MedusaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang