DUODEQUINQUAGINTA

680 65 0
                                    

Noong sinabi kanina ni Adonis na nawasak ang warehouse namin, nakalimutan niya yatang i-describe na parang winasak ng lindol ang lugar.

'Please tell me this is just a fucking nightmare...'

Then again, nightmares really happen in reality, right? You know, it's funny how we can see something tragic like this, but you end up wishing it wasn't real. Parang in denial pa ang isang parte ng utak mo dahil ayaw mong tanggapin na nagkatotoo ang bangungot mo.

"Ginamit daw ni Anteros ang lyre ni Orpheus para manggulo kanina. Eventually, he made his twin believe that Medusa was behind that chaos. Sa huli, sinundan daw niya si Eros papunta rito, and I think you can guess what happened next... Anyway, we're just lucky that he stopped playing it. Nawawala na rin ang epekto nito kaya kaunti na lang ang mga umiiyak." Mahinang sabi ni Adonis habang nakapamulsa.

Hindi ko na napigilan ang galit na sumiklab sa loob ko. I balled my hands into fists and cursed under my breath, "I'll kill that bastard! Wala nang mabuting ginawa ang gagong 'yon."

Mahina namang natawa si Adonis na para bang nasisiraan na ako ng bait. Tinapik niya ako sa balikat at marahang umiling, "Bad idea, mortal. He's a god, remember? No offense, pero baka hindi ka tumagal ng isang minuto kung magkakaharap kayo."

Damn it.

Bakit ba kasi napapalibutan ako ng mga imortal?! This is really unfair. 'Pero tama nga naman si Adonis. Para ka lang magpapakamatay kung bigla mo na lang susugurin si Anteros. Bukod sa kakampi siya ng diyos ng digmaan, mapanganib ang mga pana niya,' paalala na naman sa'kin ng utak ko. Tsk! Then I'll just need to find a way to take him down.

Sa huli, huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at lalapitan na sana sina Caprissa at Lady Medusa.

Kaso natigilan ako sa paglalakad nang matapakan ko 'yong sirang karatula ng warehouse. When I picked up a piece of the broken sighboard of the Cella Warehouse, it finally sunk in.

We have nowhere to go.

Paniguradong gagamitin nina Zeus o ni Ares ang oportunidad na ito para huliin si Lady Medusa. Kung wala kaming magagawa para pigilan ito, she will either be locked up in Hades' dungeons again or worse---executed. Napalunok na lang ako. No, damn it! That's not gonna happen. Not when I'm still breathing.

And then, there's that thing about Linae.

Ibinalik ko na lang sa lupa ang karatula at pinilit ngumiti.

"Mind if I join your girl talk?"

Mabilis na lumingon sa'kin si Caprissa. Her worried face momentarily lit up upon seeing me. Nakakalungkot isipin na dahil sa sobrang problemado niya sa nangyari sa warehouse, ngayon niya lang ako napansin. Mukha siyang stressed, at agad akong naawa sa batang ito. She's just twelve years old, for pete's sake!

"K-Kuya Rein!"

She immediately ran towards me and enveloped me in her embrace.

Magrereklemo na sana ako dahil sa higpit ng pagkakayakap niya (seryoso, para na akong hindi makahinga!) pero agad ko rin naitikom ang bibig ko nang marinig ko siyang humihikbi. Tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko nang mapagtanto kong umiiyak na pala si Caprissa. Ramdam ko ang lungkot niya at bahagya pang nanginginig ang kanyang katawan. She's being emotional again, like the time when she cried when she realized Lady Medusa might leave us someday.

Wala na akong nagawa kundi himasin ang likod niya at hayaan na lang siyang umiyak.

Sometimes it's best to just cry it out. Tuwing may nanghihingi ng advice sa'kin kapag may mabigat silang problema, palagi kong sinasabi na umiyak lang sila. Some would be weirded out, but that's honestly the best advice I could give.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now