VIGINTI UNUM

771 77 3
                                    

"Nabigo sina Deimos at Phobos na hulihin ang mortal, Zeus. Mukhang naisahan na naman tayo ng Rein Aristello na 'yon."

Beyond the elegant marble halls of Olympus, a man with a scar across his face reported. Nakasuot siya ng baluti at indikasyon ng kanyang pagiging diyos ang matamlay na liwanag na nagmumula sa kanyang katawan. Gods and goddesses tend to imprint their immortality on their souls, causing a "holy" aura.

The Greek god of war's face showed anything but respect for his elder.

"Ikaw ang diyos ng digmaan, pero hindi mo magawa nang maayos ng inuutos ko? That kid is just a mere mortal, Ares!" Umalingawngaw sa buong templo ang boses ng pinakamakayapangyarihan sa kanilang lahat, ang diyos ng langit at ang pinuno ng Olympian gods na si Zeus.

The god of gods glared at Ares. Bakas sa mukha ng nakatatanda ang kawalan ng tiwala sa sariling anak. "Kailangan nating ikulong muli sa Underworld si Medusa bago pa man siya makapanakit ng ibang nilalang. Masyadong mapanganib ang Gorgon na 'yon, at lalong manganganib ang buhay ng mga diyosa kung hindi natin siya itatali."

Hindi na naitikom ni Ares ang kanyang bibig. He laughed mockingly at Zeus and shook his head, "Kapakanan ba talaga ng mga diyosa ang iniisip mo, ama? O gusto mo lang magpasikat para umanib sa'tin ang iba pang mga diyos at diyosa? Tanggapin mo na lang na hindi na katulad ng dati ang Olympus. Your 'glory days' are over, and no one trusts your judgment anymore."

"TUMAHIMIK KA!"

Yumanig ang sahig ng Olympus sa lakas ng pagsigaw ng diyos. Kung hindi lang talaga magagalit sa kanya ang asawang si Hera, malamang kanina niya pa tinanggalan ng imortalidad ang sarili niyang anak at ipinatapon sa teritoryo ni Hades.

"Dalhin mo sa'kin si Medusa at siguraduhin mong mapaparusahan ang kanyang mga tauhan. Sa susunod na pumalpak ka, kakalimutan kong sa akin ka nanggaling. Nauunawaan mo ba ako, Ares?"

Ares didn't even flinch. 'Akala ba niya kinatatakutan ko pa ang mga pagbabanta niya?'

"Opo, ama."

Yumukod si Ares at walang emosyong naglakad papalayo sa trono ng "pinakadakilang diyos" ng Olympus. He cursed under his breath. 'May araw ka rin sa'kin, Zeus. Bilang na ang mga araw mo sa tronong 'yan.'

*

Nang magising ako, agad akong napadaing sa sakit. 'Shit! Nasaan na ba ako?'

I let my eyes adjust to the dim surroundings. Amoy lavander at mamahaling pabango. Inilibot ko ang mga mata ko sa silid. Nakahiga ako sa isang malambot na kama na napapalamutian ng kulay pula at berdeng satin. Just then, my memory finally cooperated.

Nasa kwarto ako ni Medusa.

Huminga ako nang malalim. 'Damn, my head still hurts.' Dumako ang mga mata ko sa braso kong naka-bandage na. Sinubukan kong galawin ang kamay ko, pero mukhang mahihirapan pa rin akong maigalaw ito. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may mga nakadrowing sa puting bandage.

In black ink, flowers and emojis were visible.

Nahagip ng mga mata ko ang nakasulat sa may gilid:

Kuya reeeein! Get well soon po. Love ka namin kahit na ginamitan mo ng pampatulog si lady medusa huhu

(灬º‿º灬)♡

Napangiti ako.

'Siguradong saka na nila ako gagantihan sa ginawa ko kay Medusa kapag gumaling na ang braso ko.' Huminga ako nang malalim at umayos ng pagkakaupo. Nang mapansin ko ang wall clock sa may dingding, mahina akong napamura.

5:50 a.m.

Ang tagal ko na palang nawalan ng malay?

Sumakit na naman ang ulo ko nang maalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Mukhang totoo ang sinabi ni Eros na sineseryoso na ng mga diyos ang paghuli nila kay Medusa. Seeing Pamela's terrified face is almost enough to traumatize me. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Ares kung saan ako nakatira, but this only leaves me with one conclusion: hangga't personal assistant ako ni Medusa, palagi nang madadamay ang mga taong nasa paligid ko.

I closed my eyes and took in a deep breath.

"I must be an agateophile to agree to this arrangement." Kung may magtatanong, an "agateophile" is a peron who loves insanity.

After a few moments, I heard the sound of heels.

Hindi ko na kailangang magmulat ng mga mata para malaman kung sino ang dumating.

"Mukhang sarap na sarap ka sa pagkakahiga mo diyan ah? Psh. Deimos and Phobos should've just killed you. Para naman mabawasan na ang mga pabigat sa buhay ko."

Napasimangot ako. I opened an eye and glanced at my boss. She was practically just wearing a white robe. Her green hair rested on her shoulder in pretty curls. Walang emosyon siyang nakatitig sa'kin habang nakahalukipkip.

"If that's your way of showing concern, then fine. Thank you, Lady Medusa."

Umirap siya sa'kin.

"Why don't you show your gratitude by using sleeping pills on me again? Dinamihan mo na sana para isang siglo akong tulog sa sahig ng sarili kong hideout."

Mukhang masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa ko kagabi. Napakamot na lang ako ng ulo ko dala ng kahihiyan. Damn, I messed up. "Look, Lady Medusa.. I-I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Sayang kasi."

Nakasimangot pa rin siya nang naupo siya sa gilid ng kama ko. "Sayang ang pagkakataong makakasama mo si Pamela?"

"Paano mo alam?"

"Bukod sa pagiging mukhang pera, madaldal din ang kaibigan mo."

But of course he is. Tsk! Nag-iwas ako ng tingin. Ilang araw pa lang akong personal assistant ni Medusa, pero nagiging masamang empleyado na ako. You can't blame me! Ang hirap kasing labanan ng tukso. All my life, I've been chasing after Pamela and admiring her from afar. Kaya't nang dumating ang pagkakataong magkakaroon sana kami ng "bonding time", nahirapan akong pumili. Dapat pala nakinig muna ako sa lohikal na parte ng utak ko.

"Hindi na mauulit, Lady Medusa. Plus, after what happened last night, I don't really think I'll have a chance with Pamela again.. baka nga ibagsak na ako ni Prof Lavista dahil napahamak na naman ang anak niya nang dahil sa'kin."

Nakatitig pa rin sa'kin si Medusa. I tried not to show any sign of discomfort. Baka kasi mapagdesisyunan niyang gawin na lang akong bato at maghanap ng mas matinong personal assistant.

"Love can easily fade away, Aristello. Posible pang magbago ang nararamdaman mo sa babaeng 'yon kaya hindi ka dapat nagpapakatanga masyado. Love can sometimes destroy us, in one way or another.. and when that time comes, you'll feel like you don't even know yourself anymore." Mapait na ngumiti si Medusa. Bakit parang ang bigat ng sinabi niya?

"Is that based from experience?"

Ngumisi si Medusa. Blood red lips curled into a perfect smirk. Still, her empty eyes bothered me.

"It doesn't matter. The damage has been done."

Napalunok ako nang unti-unting lumapit sa'kin si Medusa. I found myself being enchanted by her, once again. Nakatitig lang kami sa isa't isa at tila ba hinahamon niya akong halikan siya. Her body inched closer to mine, until I can smell the expensive lotion on her skin. 'Damn it, Rein! Kung anu-ano na naman ang iniisip mo.'

"You've been a bad employee, Aristello. I should punish you for that.."

Fucking hormones.

"Then punish me now, Lady Medusa."

Again, fucking hormones.

Nang ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi namin, bigla na lang---

"MEOW!"

Mabilis na dumako ang mga mata ko sa relo. It's already 6 a.m. napabuntong-hininga ako sabay tingin sa mabigat na pusang nakadagan sa mga hita ko. Para bang nang-aasar siya at alam niyang mangyayari ito. I frowned at her.

"Sly cat."

"Meow!"

Yup. My annoying boss, Lady Medusa, turned into a chubby orange cat again.

---

✔Sold to MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon