QUADRAGINTA SEPTEM

713 62 2
                                    

Wala akong maalala. Damn it. Why does my head hurt? 

Ang nakakapagtaka pa, parang may kahalikan pa ako. That's just so weird since I can't even remember kissing anyone. Huminga ako nang malalim at nagmulat ng mga mata.

"MEOW!"

"ANAK NG PUSA!"

Agad akong lumayo nang bumungad sa'kin ang mukha ng isang matabang pusa. Then, I realized it was just Lady Medusa. Good. Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakahilig pala kanina sa pader 'yong pusa habang nakahawak ako sa mukha niya...

Oh, shit.

Did I just freaking kiss a cat?!

Natuod ako sa kinatatayuan ako habang paulit-ulit kong pinupunasan ang bibig ko. Baka makasuhan pa ako ng animal abuse nito. 'Damn, that sounds crazy.' Huminga ako nang malalim at napasimangot kay Lady Medusa. Mukha naman siyang walang pakialam na nakipaghalikan siya sa'kin sa anyo niyang ito. In fact, she even looks amused!

"Um...k-kanina pa ba tayo.. ano? Shit! Wala talaga akong maalala, Lady Medusa. Don't kill me, I'm innocent!"

"Meow!"

Umirap sa'kin ang matabang pusa at nagsimula nang maglakad papalayo. She swayed her hips and wiggled her fury tail. Bakit ba parang naka-catwalk pa rin siya kahit na naka-anyong pusa siya? Catwalk. Okay, that makes sense. A little.

'Naisip mo pa talaga 'yan, Rein? Tsk.'

Sa huli, wala na akong nagawa kundi sumunod sa kulay kahel na pusa.

Mabuti talaga at alam ni Lady Medusa ang pasikot-sikot dito sa Labyrinth. Kung ako lang mag-isa ang nandito, baka kanina pa ako naligaw. Still, I couldn't help but notice that some parts of the Labyrinth are darker than the others. At sigurado talaga akong may mga matang nakamasid sa'kin kanina.

Well, I won't really be surprised if there ghosts in here.

Base doon sa mythology book na nabasa ko sa library ng ECU, noong nakakulong pa rito ang minotaur, taun-taon, nagpapadala ang hari ng Athens ng pitong babae at pitong lalaki para isakripisyo sa minotaur. That was until Theseus (a legendary Greek hero) was sent into the Labyrinth one year. He then managed to kill the Minotaur with the help of Princess Ariadne (King Minos' daughter).

"Meow..."

Napahinto ako sa paglalakad nang makarating na kami sa destinasyon namin. Nasa gitna na pala kami ng Labyrinth. It was a circular space with other paths branching out from the side of the wall. Naka-display naman sa gitna ng isang kahoy na lamesita ang dalawang pares ng mga pakpak.

The white wings where stretched to full length and emitted a soft golden glow.

'I wonder if Daedalus restored the wings Icarus used? Or maybe this is just a new one.'

Mangha kong nilapitan ang isa sa mga ito at napasipol sa ganda ng pagkakagawa ni Daedalus dito. "Parang mga pakpak ng anghel. Damn, totoo bang wax at glue lang ang ginamit niya dito? Baka naman ibang version na naman ang nabasa ko." Malay natin, may secret material palang ginamit si Daedalus dito tapos sinadya lang hindi isulat sa aklat ng mga mortal para hindi subukang gawin ng mga bata.

Just imagine teenagers making these awesome wings at home! DIY (do-it-yourself) kumbaga. Then they'll probably upload a vid on Youtube with the caption "DIY Icarus Wings!!! Madali lang mga besh!!!" or something corny like that.

"So, we're gonna use these to fly back to Eastwood? Cool."

"Meow."

Nang sinimulan ko nang isuot ang isang pares ng mga pakpak (mabuti na lang at may strap rin ito), tinitigan lang ako ni Lady Medusa. Napasimangot ako sa kanya. "Bakit hindi mo pa isuot 'yan?"

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now